Chapter 06: The Acquaintance

3636 Words
Papasok na ako sa opesina ko nang makasalubong ko ang aking sekretraya na napakalaki ng ngiti nang 'di ko alam kung bakit. "What?" direkta kong tanong nang walang kaemo-emosyon. "Ahm, Sir, may bago po tayong applicant as an I.T specialist. Through online po siya nag-apply," wika nito gamit yung usual nyang mahinhin na boses. Minsan naririndi ako dahil ang pabebe niya pero habang lumilipas ang panahon pinabayaan ko na lang, besides wala naman ‘yung kinalaman sa trabaho niya as secretary ko. "O ngayon? Akin na yung application letter at resume niya, " sabay lahad ko ng isa kong kamay na bakante, sa kabila kasi ay dala ko ‘yung suit case ko. "Ito po, Sir," sabay bigay niya nung papel na yakap-yakap niya kanina. Habang binabasa ko 'yon panay lang naman siya sa kakasalita. "For me, Sir, he was suitable as our I.T specialist. He ranked one on his class during his college days, base na rin po sa nakasaad dyan sa resume niya." "Suitable na ba ‘to para sa'yo?" nagulat siya dahil sa diin ng pagkakasabi ko, pero pinilit niya pa ring 'wag ipahalata kahit halatang-halata ko na. "Two year’s course lang ‘yung natapos, hindi pa natin alam kung tama ba ‘tong nakasulat dito sa resume niya, at isa pa, parehas lang naman ‘yung mga alibi niya sa iba pang mga applicants. Maghanap ka ng bago," sabi ko sabay balik nung papel sa kanya. Lalakad na sana ako pero nagsalita pa ulit siya. "Pero, Sir, mahihirapan na po tayong maghanap ng iba, siya na lang po ‘yung naglakas loob na mag-apply o wala na talagang iba. At isa pa sir, recommended po sIya ng isang empleyado sa department ng ate Elle n’yo, sabi niya magaling daw talaga 'to. Can we give a try, Sir, please?" sabi nIya sabay papungay-pungay pa ng kanyang mata, as if naman tatalab sa'kin. Bumuntong hininga ako. "What time will I be free on my schedules for today?" tanong ko. "Mamayang hapon po, free na free po kayo, " ura-urada nitong sagot. "Okay, contact him. Sabihin mo ako mismo ‘yung mag-e.interview sa kanya, exactly 1:00 pm sa office ko mismo, at kapag hindi pa siya nakarating ng oras na 'yan, ‘wag nyo ng papasukin sa department natin at umpisahan mo nang maghanap ng iba. Got it?" walang preno kong pagsasalita, tango lang naman siya nang tango. "Copy that, Sir, tatawagan ko na agad siya ngayon , thank you po," usal nito saka patakbong bumalik sa mesa niya. Sayang-saya ang gaga, may bunos kasi kung sino ‘yung makakakuha ng applicant at mahahire ko talaga, kalahati ng isang buwang sweldo nila. Pinagpatuloy ko na ‘yung paglalakad ko papuntang opesina, pagdating ko roon ay agad ko ng nilagay sa gilid ng desk ko ‘yung suit case na hawak ko, saka humarap sa I'mac computer dito. Kailangan ko pa kasing e.review ang financial report ng telecommunication site namin around Visayas and Mindanao, lahat kasi ng report ay dumadaan talaga sa'kin bago ito ipapasa kay Dad, kailangan kong siguraduhin na wala talagang mali sa report dahil kung meron akong mapuna, automatic agad na ipapatawag ko sa office ko ang nagprepare nun. Wala si Papa ngayon dito dahil may binibisita syang branch namin sa Bagiuo na banko, may inside job kasing nangyari kaya nandoon si Papa para ayusin ito. Sabi ko nga hindi ako ganon ka hudas, kaya binibigyan ko sila ng second chance lahat, first offense nila warning muna pero kapag ikalawa na, mag-impaki na talaga sila. Marami nang lumuhod sa'kin sa pagmamakaawang 'wag ko silang tanggalin dahil sila lang daw inaasahan ng pamilya nila pero paki ko ba. Kasalanan rin naman nila kung bakit sila nasesesanti ko. ‘Di ko na problema ‘yun kung bakit tatanga-tanga sila sa kanilang mga trabaho. Hindi ko kailangan ng mga walang kwentang empleyado, no. Tinigil ko muna ‘yung ginagawa kong pagre.review dahil biglang nagring ang phone ko.  Tiningnan ko kung sino ‘yung tumawag, ang nag-iisang kaibigan ko lang pala. Si Trixie, isa sa investors ni Dad ang family niya. "Oh, bakit na naman," bungad ko. "Sungit, may dalaw may dalaw wala kang p**e hano, manahimik ka," sagot nito sa medy pasigaw na paraan. "Paki mo ba, stress ako ngayon, baka malapa kita." "Ayy tamang-tama pala ang timing ko, gala tayo mamayang gabi, may bagong bukas na bar, puntahan natin?" "Baka gay bar na naman yan ah, naku, 'wag mo na talaga akong idadamay sa kagagahan mong yan, 'di ko forte mga ganyan mong galawan." "Sira, matino na 'to ngayon, usual bar lang naman. Promise, 'di na kita dadalhin sa mga gay bar, takot ko lang sa ate mo no, sumbungera ka pa naman." "O siya, siya, marami pa kong gagawin. Anong oras ba?" "Mamaya, 5:00 pm susunduin na lang kita jan sa office mo, sige bye—" Tapos bigla niyang pinutol nang hindi niya man lang ako pinapasagot, trip kasi namin ‘yun, yung mag-uunahan sa pagputol ng tawag. Ewan ko ba sa kanya nakalaklak siguro ng isang baldeng dyubos dye kaya lakas ng mga trip, nadamay pa tuloy ako. Trixie Eleonor whole name nya, babae siya pero daig pa mga bakla sa active ng night life, siya pinaka mapilya sa lahat ng kapatid nito, gaya ko tatlo lang din sila, lahat babae. Babae talaga siya pero ‘yung kaluluwa, bakla, kaya ganon na lang kung makapag gay bar hunting. Pero mind you, virgin pa yun, trip niya lang talaga siguro, one time dinamay niya ko sa kahibangan niya dinala niya ko sa isang gay bar. Abandonadong gusali yata ‘yun pero pagpasok mo grabe, ang daming tao, siksikan kung siksikan tapos naka corporate attire pa ako nun dahil galing ako sa meeting. Muntik pa kong magahasa dahil sa kanya, ayun pag-uwi ko sa bahay nalaman ni ate Elle. Pano ba naman eh mugtong-mugto ‘yung mata ko dahil sa kakaiyak, dinala kasi ako nung lalaki sa isang kwartong napaka-dilim, eh takot din ako sa dilim kaya iyak talaga ako nang iyak kahit na wala na ako sa katinuan dahil may pinainom pala ‘yung lalaki sa'kin, natatakot pa rin ako sa dilim. Kaya ayon, nang nalaman ni ate Elle ang nagyari sa'kin, muntikan nang malampaso ni ate si Trixie kung hindi ko pa naawat. Since then, takot na siya palagi kay Ate, ‘di na siya pumupunta ng bahay kapag nandun si ate Elle, tsene-tyempo nyang pumunta kapag off ko at hindi off ni Ate o kung nag-out of town sila ate, dun lang siya gagala sa bahay. Ewan ko ba, wala yatang patutunguhan ang buhay ng babaeng ‘yun eh, 'happy go lucky' lang palagi. Classmate kami since grade 7 high school hanggang 4th year college, parehas kasi kami ng kinuha, Business Ad. Bad Influence talaga siya sa'kin pero siya rin ‘yung taga-pagtanggol ko sa mga bully ko noon sa high school 'di kasi ako palakibo tsaka nerd pa masyado kaya laman talaga ako ng bully palagi, siya ‘yung haharang sa harap ko at aaway sa mga bullies ko. Kaya noong naging malapit kami sa isa't isa. Kahit na lupa at langit ‘yung personality namin, still, naging mag-kaibigan pa rin kami. ‘Yun naman talaga ang importante, di ba? 'Attitude should be set aside on your relationship'. Para magwork talaga kayo, Respetohan lang sa isa't isa. Pero noon ‘yun dahil ngayon, wala ng kahit na sino ang kayang umalipusta sa'kin. [...] Pagkatapos kong tumunganga ng halos isang oras dahil sa pagbabalik tanaw ay ibinalik ko na ‘yung tingin ko sa screen nung I'mac. Habang nags.scroll ako, napansin kong kulang ng isang column ang total ng sold stocks na nakalagay roon. Ilang ulit ko pa ‘tong binalik-balikan pero wala talaga, kaya tinawagan ko na ‘yung sekretarya ko para papuntahin dito si Melvin, ang gumawa nitong report. Ilang sandali lang ay dumating na nga ito, halatang wala siyang tulog dahil ang laki ng eyebags niya, pero wala pa rin akong paki-alam. "Alam mo bang pwedeng malugi ‘yung kompanya dahil sa katangahan mo," mahina pero may diin kong pagkakasabi sa kanya. Nanatili pa rin siyang nakayuko. "So-sorry po, Sir, a-aayusin ko na lang po, ulit, " sagot niya habang nakayuko pa rin. I.nunplug ko yung flashdrive sa computer ko saka ito padabog na inilagay sa mesa malapit sa pwesto niya. "Dapat lang, dahil kapag naulit pa 'to, alam mo na ang mangyayari sa'yo. Ayus-ayusin mo kasi ‘yang trabaho mo para wala tayong nagiging problema, maliwanag?" "Y-yes po, Sir, " "Good, I need this exactly 4:00 pm, kapag hindi mo pa ‘yan nagawa ng maayos at napasa mamaya, you'll be fired!" wika ko. "Copy, Sir." "Good, now leave," pagkasabi ko nun ay taranta na kaagad siyang lumabas ng office ko. Nakita ko pa syang sinalubong ng iba pang empleyado, 'di ko lang alam kung dinadamayan o makikichismis lang.   ****   12:55 pm na wala pa rin ‘yung bagong applicant na sinasabi ng secretary ko, kaya nababanas na ako, baka 'di ‘yun sumipot , malalagot siya sa'kin mamaya, makikita niya. Tingin ako nang tingin sa relo ko para kapag nag 1 na ay tatawagan ko na si Olive, ‘yung secretary ko, para 'wag nang papasukin ang lalaking 'yon, ayaw ko pa naman nang pinaghihintay. Pagtingin ko sa relo ko, sakto namang nasa 1:00 na ito nakaturo, tatayo na sana ako pero bigla na lamang bumukas ang pinto at nakita kong nakatayo roon ang isang lalaking napakalapad ng ngiti habang katabi niya ‘yung sekretarya ko. Halatang babad sa gym o trabaho lang talaga dahil sa fit niyang suot ngayon ay bumabakat na ang mga muscles niya pati na rin ‘yung dibdib, naka skinny jeans saka fitted na long sleeve lang ang suot nito pero bumagay talaga sa kulay niyang katamtaman lang ang pagkaputi. Pero kung ano man yung suot o postura niya. Wala akong PAKIALAM. "This way, Sir, tumuloy lang po kayo papunta sa desk ni, sir Axezyl, " sabi ni Olive. "Salamat, Miss" sabi nung lalaki sabay ngiti sa sekretarya ko, namula naman ‘yung huli. Mahadera 'tong babaeng 'to. Umalis din naman agad si Olive tsaka naman bumaling sa'kin ‘yung lalaki, suot pa rin ang napakalawak niyang ngiti. Well, he has his unique charm na kahit sinong babae ay kikiligin kapag nakita ang genuine smile niya pero duh, 'di tatalab 'yan sa'kin. "Tama lang po ba ang pagdating ko, Sir?" sabi niya na may diin sa dulo. Ako naman ay suot pa rin yung poker face expression ko, nakatitig lang ako sa kanya, waring tinitingnan ko bawat anggulo ng kanyang pagkatao. "Marunong ka naman palang sumunod sa sinasabi sa'yo, kaya yes. Your just in time," sabi ko pero hindi ako nakatingin ng diretso sa mga mata niya, grabe kasi siya kung makatitig, nakaka.intimidate. Pero hindi ako magpapa-apekto, hinding-hindi. "Yes po, kung may sinabi po sa'kin na takdang oras, pupunta po ako. Impunto, " "Okay, so... let's start... Can I have the requirements, please, " letche, bakit nagiging magalang na yata ako. "Ito po, Sir, " sabi niya, saka ibinigay ‘yung dala-dala nyang brown envelope. Pinaupo ko muna sIya sa harap ng lamesa ko, panay pa rin ang titig niya sa'kin at ‘yung ngiti nyang hindi mawala-wala. Saka ko tiningnan kung ano ang nasa loob ng envelope. Diploma, Report Card niya noong nagkoleheyo siya, at ang katunayan na nagtapos talaga siya bilang top 1 sa batch nila. Palitan kong tinitingnan ‘yung requirements niya at siya mismo. So, Christian Drew Villaflor pala ang buo niyang pangalan. Mukhang tama naman ‘yung sinabi sa'kin ni Olive kanina, top 1 nga ito sa klase at batch nila, pero hindi pa rin ito sapat, kailangan ko pa ring matest 'tong lalaking 'to. Tumingin ako sa kanya at ipinatong ko ang dalawa kong kamay sa ibabaw ng mesa saka ko pinagdaop sa isa't isa ang mga palad nito. "So, Christian Drew Villaflor, kung kukunin ka namin, nakakasiguro ba kaming maaabot mo talaga ang expectations ko ukol sa pagiging I.T specialist ng department namin?" tanong ko sa kanya. "Opo, Sir, hindi po kayo magkakamali sa pagdedesesyon kung ako yung pipiliin niyong maging bagong I.T specialist n’yo. Madami po akong kayang gawin, at sisiguraduhin ko pong maaabot ko kung gaano man kataas ‘yang expectations niyo." "Talaga lang ha?" "Oo naman, Sir, " "May background ka na ba sa pagiging I.T specialist mo noon?" "Meron na po, nakapagtrabaho na po ako noon isang beses, bilang I.T specialist sa isang mall malapit sa'min pero hindi po ako regular doon. Isang beses lang iyon dahil hindi naman gaanong kalakihan ang dapat ayusin, at tiwala naman ako sa kakayahan ko kaya naayos ko kaagad ang dapat tapusin, " sagot niya sa tanong ko. Well, base sa pananalita niya, tiwala nga talaga siya sa sarili niya, hindi siya nahihiyang sumagot, ramdam ko rin sa pananalita nito na nagsasabi siya ng totoo. Madami pa akong tinanong sa kanya pero nasasagot niya naman ito ng maayos. Hanggang sa naisipan ko syang pikunin. dahil kahit anong ibigay kong tanong sa kanya ay nasasagutan talaga niya ng maayos. "Hindi porke't magaling ka na, dapat ka na naming kunin. Hindi basehan ang magaling lang, dapat magaling na magaling ka talaga, hindi kailangan ng department namin ng isang bagong empleyado na hindi kayang tugunan ang kanyang trabaho, dahil kapag nagkamali ka kahit isang beses lang ay pwede itong ikapahamak ng buong department namin, or worst baka buong kompanya pa,” tiningnan ko ulit ang resume niya. "Two years course lang ang natapos mo at hindi pa ako sigurado kung tama nga ba talaga ang bawat sagot at nakasulat dito sa pinadala naming requirements sa'yo. Naiintindihan mo ba?" Mahaba kong wika sa kanya, napansin ko namang unti-unting nagbabago ‘yung mood nito. Kung kanina todo ngiti siya ngayon naman ay nakangiti pa rin ngunit ramdam ko nang pinipilit lamang niya ito. "Naiintindihan ko po, Sir, nagbabakasakali lang po akong makakuha ng trabaho rito sa kompanya niyo base na rin sa sinabi ng kapitbahay kong nagrekomenda sa'kin. Pero kung hindi niyo man po ako matatanggap ay maiintindihan ko po. Maraming salamat po sa inyong oras na inilaan para sa'kin." Sagot nya sa mababang tono. "Mabuti naman at naiintindihan mo ang sinasabi ko, ayaw ko lang talagang maginvest sa isang bagay lalo na kung wala itong kasiguraduhang makagagawa ng mabuti, hindi ko kayang mag.take ng risk dahil nakasalalay sa bagay na ito ang buong kompanya namin, " sagot ko naman gamit pa rin ang walang emosyon kong boses. "Sige po, salamat po muli sa oras niyo, " sabi niya at tumayo na, kaya tumayo na rin ako. "Okay, about what I said, It doesn't mean you don't have the chance to be selected, I just stated what are my standard is... pero may chance ka pa rin naman para mapili, kahit pa maliit ang chansya, still may chance ka pa rin, " sabi ko sa kanya pagkatayo ko. "Okay po." "Okay, you may leave my office now, " pero imbes na umalis na ay ilinahad niya ang kanyang kaliwang kamay at napansin kong bumalik na ‘yung pagkakangiti nya. Tinitigan ko ang kamay nyang nakalahad sa harapan ko, nakakunot naman ang noo kong tumingin sa kanyang mukha. "Makikipagshake-hands lang po, bilang pagrespeto," sabi niya. Nag-aalangan man ay tinanggap ko pa rin ito at nakipagkamay na. Ramdam kong hindi malambot ang kamay niya kaya alam kong marami nga siyang ginagawang trabaho, pero hindi rin naman ito gaanong kagaspangan. Panglalaki talaga na kamay, hindi tulad sa'kin na wala masyadong mabibigat na trabaho kaya halos walang kalyo ‘yung kamay ko. Pagkatapos naman ng pag-kamayan naming iyon ay sinalubong na siya ni Olive sa pinto ng opesina ko, narinig ko pa kung ano ‘yung sinasabi ni Olive sa kanya habang pulang-pula yung babae. "We will just inform you if you are qualified to be chosen, Sir , Thank you for your time, " sabi niya sabay ayos nung nagulo nyang buhok, nginitian lang naman siya ng huli saka nagtuloy sa paglabas ng department namin. Kapansin-pansin nga talaga ang presensya niya dahil kahit ‘yung ibang empleyado rito ay sinusundan siya ng tingin habang papalabas, pati na rin ako. Pinanliitan ko ito ng mata, may kung anong nagsasabi sa'kin na kailangan kong kilalanin ang lalaking iyon. Para bang nararamdaman ko na may kailangan akong malaman tungkol sa kanya, iba yung naramdaman kong emosyon kanina pagkakita ko sa kanya sa pinto, maiiyak na sana ako kung hindi ko pa nabawi ang sarili ko sa pagkahibang nito. [...] Mag-aalas singko na ng hapon kaya alam kong ilang sandali lang ay darating na si Trixie, at hindi nga ako nagkamali dahil pagtingin ko pa lang sa glass wall ng office ay nahagip ko kaagad ang isang babaeng agaw pansin dahil sa kanyang suot na para bang galing sa labas at ang lamig ng pinanggalingan nito. Dahil para na sIyang uso sa suot nyang jacket na ang kapal ng balahibong nakadikit dito. Pati na rin ang napaka-kapal nIyang pulang lipstick na nakadikit sa labi niya. Nang nakita na ako nito mula sa labas ay kumaway na siya sa'kin at parang kiti-kiting hindi mapakali na lakad takbong lumapit sa office ko. "Kamusta sa Antartica, sobrang lamig siguro ron, ano?" pang-aasar ko sa kanya. Hinampas niya naman ako sa balikat na nagpa-aray sa'kin, siya lang nakakagawa nun sa'kin. "Baliw, fashion ‘to, FASHION,” usal niya habang may pa gesture pa ng kamay. “Palibhasa kasi puro corporate attire lang laman ng cabinet mo kaya wala kang alam, heh."  Inismidan ko lang siya. "O siya siya, daming mong kuda, tara na nga para matapos na 'to. Gusto ko nang magpahinga sa bahay, 'di naman ako katulad mong 'happy go lucky' lang." "Hindi pwede, ang tagal nating 'di nagkita tapos ganyan lang sasabihin mo sa'kin, gusto mo nang umuwi. Ay hindi pwede yan. Sasamahan mo ‘ko buong gabi, " sabi nito na nagpagulantang sa sikmura ko. "Ano!? Hindi pwede yan, may trabaho pa 'ko bukas, maaga akong pupunta rito sa opesina. At isa pa ha, kailan ba ang huli nating pagkikita at kung makasabi ka ng napakatagal na nun, wagas?" "Nung nakaraang linggo." "Oh tingnan mo na." "Ah basta, para sa'kin matagal na' yon, at wala ka ng magagawa kundi sundin ang sasabihin ko sa'yo, " kuda niya saka niya 'ko hinila palabas. "Woy, hinay-hinay naman, nagmamadali, may naghahabol?" sabi ko pero panay pa rin siya sa paghila sa'kin palabas na parang wala man lang naririnig. Pero hindi pa man din kami nakakalabas ng department namin, ay may tumawag na sa pangalan ko. "Sir Axezyl, sir Axezyl, sandali lang po," sigaw nung tao sa likod ko, paglingon ko rito ay si Melvin pala. "Why?" tanong ko. "Ito na po ‘yung pinapaayos niyo kanina, natapos ko na po. Sa awa ng diyos," sagot niya habang humahangos. "Okay good, ibigay mo na lang 'yan kay Olive at sabihin mo na rin sa kanya na isend niya 'yan sa email ko para mareview ko mamayang gabi." "Sige po, Sir, " sagot nito saka dali-daling umalis. Nilingon ko naman si Trixie na ngayon ay nakahawak pa rin sa kamay ko, parang ayaw niya talaga akong makatakas. "Kahit kailan napaka-cold mo pa rin talaga makihalubilo sa iba no, pati mga empleyado mo nanginginig kapag kaharap ka," wika niya habang palabas na kami ng building. "Nakasanayan ko na 'yon, at wala akong balak na baguhin ang pakikitungo ko sa iba ng ganon, tsaka ‘wag ka ngang madaming tanong baka gusto mo maging cold din ako sa'yo?" "Subukan mo lang at ipapadala talaga kita sa Mars. " Hindi ko na lang s'ya sinagot at baka humaba pa ‘yung pagbabangayan namin. [...] Nagpatuloy na kami sa pagpasok sa kulay white nyang kotse, s'ya magmamaneho ngayon dahil hindi naman ako marunong magmaneho, na-trauma na ako noon kaya ayaw ko ng humawak ng manebela. Kahit kailan. "Sa'n ba punta na'tin?" tanong ko habang inaayos ‘yung seatbelt sa upuan. "Basta, sumunod ka na lang, sigurado ako mag-eenjoy ka roon, promise, " hindi na ako sumagot pa at hinayaan na lang s’yang magmaneho, ako naman ay nakatingin lang sa labas ng bintana. Napapansin ko na ang kadiliman ng paligid. At nagsisimula na ring magsi-ilawan ‘yung mga street lights, madami na ring tao o empleyado ang nagsisilabasan sa mga building. Ilang sandali pa ay bigla na namang nagsalita si Trixie pero seryoso na ang boses niya ngayon. "Hanggang ngayon ba, hindi ka pa rin nakakalimot sa nangyari noon?" bigla nyang wika, napalingon naman ako sa gawi nito pero agad ko rin itong binawi at tumingin na lang sa harap. "Mahirap kalimutan ang nangyaring yon, Trix. Madaming buhay ang nagbago dahil doon. Hindi ko pa kayang kalimutan ito lalo na't palagi ko pa ring naririnig ang bawat iyak ng batang 'yon," pagpapaliwanag ko sa kanya at biglang nag-iba ‘yung ambiance sa kotse. "Bakit kasi ayaw mong harapin ‘yang mga takot mo, kapag hindi mo 'yan iniisa-isang harapin, mas lalo lang dadami 'yan, at baka makulong ka na talaga jan habang buhay." "Hindi ko pa kaya sa ngayon, naghihintay pa ako ng tamang panahon para simulan sa sarili ko," hindi na naman s'ya sumagot kaya nanatili na rin akong nakatikom ang bibig. [...] 5 years ago, I've met a car accident, hindi s'ya ordinaryong aksidente lang dahil ako yung nakabangga. Habang tinuturuan ako ni Papa na magmaneho ng regalo niya sa'king kotse, since first time ko pa that time ay hindi pa talaga ako marunong. Bumaba muna sandali si papa ng kotse, dahil bibili lang siya ng mineral water sa isang convenient store, at ako naman ay nasa loob lamang ng kotseng 'yun.  Kinalikot ko 'yung bawat bahagi ng kotse, hindi ko namalayan, aksidente ko pa lang na-start ito at humarorot ito ng takbo. Naghestirical ako dahil hindi pa ako marunong magmaneho. Pinabayaan ko lang ‘yung kotse kung saan man ito tumakbo, at habang tumatakbo ito, isang nasa mid. 30's siguro na lalaki ang nasa gilid ng daan. Dahil sa kakataranta 'ko, napihit ko ‘yung manibela papunta sa pwesto n'ya. Kitang-kita ko pa kung paano s'ya tumilapon at magkalat sa daan ang napakaraming dugo na galing sa ulo niya, at pati na rin yung napakalakas na iyak ng binatang umaalog sa katawan ng nakahandusay na lalaki. Simula noon natakot na talaga ako sa dugo, at hanggang ngayon hindi ko pa rin makalimutan kung paano ako tingnan ng masama ng binatang 'yun at kung paano hanggang ngayon ay hindi pa rin mabura sa sistema ko ang uri ng pag-iyak nito. Nabalik lamang ako sa pag-iisip ng malalim, nang tinawag ni Trixie ang pansin ko. "We're here, Lian, " sabi n'ya sabay labas ng kotse. Tiningnan ko naman ‘yung nasa labas na tinitingnan niya. It was an establishment full of neon lights, pansin talaga na mayayaman lang talaga ang pwedeng pumasok dito dahil sa tema ng suot ng mga gwardya. All black attire, black suit, black slacks and also black shoes, pati na rin ‘yung eyeglass nila ay black rin. "Let's go?" tawag na naman ni Trixie sa'kin, tumingin muna ako sandali sa paligid bago bumaba ng kotse niya saka kami nagsimulang humakbang papasok sa building na 'yun. ________________________ 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD