[Best Friend] RIN Daniel POV Nagpantig at umeko sa tenga ko ang mga sinabi ni Claire, sila na pala ni Bienne? kailan pa? Pano nangyari ‘yun na hindi man lang ako nakakahalata? "Ah tama matagal nga pala akong nawala.” bulong ko na lang sa sarili ko habang binabaybay ang hallway papunta sa room na tuturuan ko. Napakagat ako ng labi sa inis at napakuyom ng palad sa lungkot na nararamdaman ko, alam ko naman sa una palang na bagay na sila sa isa’t isa at aware na ko na pwedeng maging sila pero masakit pa rin pala. Masakit pa ring marinig ang katotohanan na wala na kong pag asa sa kaniya, na nabasura na lang ‘tong feelings ko para sa kaniya. Pumasok ako sa room at inilapag ang mga gamit ko, binati ko sila at ganun din sila sa’kin. Huminga ako ng malalim. Kailangan kong magfocus sa trabah

