[Confession] MARFIE Fionna POV Muli kong binabasa ang mga sulat na binigay niya sa’kin six years ago, ‘yung mga sulat na hindi na karating sa’kin ni isa, ‘yung feelings niya na hindi ko man lang na dama dahil ni isa sa kanila walang na karating sa’kin. Napukaw ang atensyon ko ng maramdaman kong papalapit si mama sa kwarto ko, bakit kaya? "Marfie nasa baba si Bienne,” sabi ni mama at agad ko ding sinuot ang slipper ko at jacket, naka night gown na kasi ako para pangtulog. Ano naman kaya ang kailangan ni Bienne sa dis oras ng gabi? Bumaba ako sa hagdan at nakitang nagbabatian sila mama at Bienne. "Sige pakamusta na lang ako kay Julienne okay?” Sabi ni mama at tumigin na sa’kin. Iniwan niya kami at inaya ko sa garden si Bienne, mukha kasing may importante siyang sasabihin at ayaw kong

