[Her Tears and Smile] RIN Daniel POV Hindi pa rin ako sanay sa pagbabagobg meron ako ngayon, malinaw na ang paningin ko at pakiramdam ko ang lakas-lakas ko. Nagagawa ko na ang mga bagay na hindi kaya ng katawan ko noon, mga bagay na pinangarap ko dahil sa hindi ko pagiging bampira pero ngayon isa na ko sa kanila. Pala isipan pa rin sa’kin bakit nagising na ang pagkabampira ko, sabi ni Stephany dahil daw nakatikim na ko ng dugo kaya na buhay ang pagiging bampira ko, siguro nga tama siya kasi simula nang bata ako kinatatakutan ko na talaga ang dugo pero ngayon mukhang paborito ko na ito. "Rin hindi ka pa ba papasok?” Tawag ni mama kaya agad ko nang sinukbit ang bag ko sa balikat ko at sinuot ang pekeng salamin ko sa mata, malinaw na kasi ang paningin ko kaya wala nang grado ang salaminn

