[Change] RIN Daniel POV Nakikipaglaban siya doon para sa’kin pero ako ito na naman nakatunganga at pinapanood lang siya, katulad ng pagkamatay ni kuya Jack sa harap ko kanina hahayaan ko na lang din bang mawala pa ang isa pang importante sa’kin? Wala na anamn bang magagawa ang mga kamay na ‘to para iligtas ang taong mahal ko? Napatitig ako sa hawak na palakol ng nagbabantay sa’kin, at lumipat ang tingin ko sa kamay kong nakaposas. Kung makakatakas ako dito, hindi na siya mag hohold back para kalabanin lahat ng mga lalaking iyon, makaktakas siya, makakalaya. Tumitig ulit ako sa kamay ko at lumipat ang tingin sa palakol. Ah alam ko na, ito na siguro ‘yung araw na maililigtas siya ng kamay na ‘to, ito na ‘yung pagkakataon na ako naman ang mag sasakripisyo para sayo. Kaya naman wala na

