Kabanata 1
Mabilis ang aking paghinga habang hinahabol ko si Ate papasok ng bahay. Halos madulas na ako sa sahig sa pagmamadali, at nang maabutan ko siya, agad kong hinawakan ang kanyang kamay, mahigpit, desperado.
“Ate, please… pakinggan mo muna ako,” halos pabulong ngunit puno ng pagmamakaawa ang boses ko.
Bigla niyang inalis ang kamay ko na para bang marumi akong bagay na ayaw niyang dumikit sa kanya. Kita ko agad ang pagdidilim ng kanyang mga mata, galit na galit siya, samantalang ako namamalapit nang umiyak sa bigat ng sitwasyon. Simula nang pumanaw si Nanay, parang unti-unti nang gumuho ang mundo namin. Lahat masakit. Lahat magulo. At ako… ako ang laging sinisisi.
“Hindi ka ba nakakaintindi, Dahlia?” sigaw niya, bawat salita parang latigo sa tenga ko. “Ang sabi ko, ikaw ang pupunta sa Isla Dolor! Ano ba ang hindi mo maintindihan doon, ha?!”
Hindi ako palaban. Hindi ako kagaya ni Ate na kayang sumigaw, makipagtalo, at ipaglaban ang gusto niya. Ako yung tahimik, yung sumusunod, yung laging nasa gilid. Pero ngayon… ngayon ay buhay ko ang nakasalalay. At ang Isla Dolor? Hindi iyon basta lugar. Isang bulong-bulungan. Isang sumpang isla. Isang destinasyon na walang gustong pumunta.
May kalayuan din iyon kung saan kami nakatira. Kaya hindi ko talaga kaya lalo na’t walang may mag-aalaga kay Ivy. Ayaw ko siyang iasa kay Ate dahil alam kong hindi niya naman mababantayan ng maayos ang kapatid namin.
“At ngayon ka pa talaga aayaw?!” muli niyang bulyaw, mas malakas, mas mabigat. “Hindi mo ba naiintindihan na pinapaalis na tayo sa bahay na ’to? Na si Ivy, wala nang gamot dahil wala na tayong pambili? Tapos magrereklamo ka?! Eh malaki ang kikitain mo doon!”
Napahikbi ako, napapikit. Oo, kaya kong magsakripisyo para sa pamilya ko, pero bakit laging ako? Bakit kapag delikado, kapag mahirap, kapag nakakamatay… ako ang tinitingnan nila?
At si Ate… alam kong hindi niya talaga kayang gawin ito. Hindi niya kayang iwan si Bobby. Kaya ako ang isinusubo niya.
Bubuka pa lang sana ako ng bibig para magsalita nang biglang bumukas ang pinto.
Si Bobby.
Parang lumamig ang likod ko sa takot. Agad akong umatras, para bang kusang gumapang ang mga paa ko palayo sa kanya. Hindi ko siya gusto, hinding hindi. Masyado siyang mapanlingkod kay Ate, pero sa likod noon, may ibang anyo siya. Isang anyong hindi ko makalimutan. Isang tingin na nakapagpapahina ng tuhod ko sa takot.
“Ano bang pinag-iingayan ninyo?” malamig niyang tanong, pero ramdam ko ang banta sa ilalim nito.
Hindi ko man sabihin, alam kong kay Bobby takot na takot si Ate… pero mas takot siya sa posibilidad na mawala ito. Kaya mas madalas, ako ang inaalay. Ako ang itinutulak.
At sa bahay na ’to, wala akong boses. Wala akong karapatan. At wala akong kakampi.
At ngayong muli nilang binubuksan ang pintuan patungong Isla Dolor… parang sinasarhan nila ang natitira kong pag-asang mabuhay.
“Ito kasing si Dahlia, ayaw sumunod sa gusto ko! Pinapainit pa ang ulo ko!” galit na sigaw ni Ate habang hinahaplos ang sentido niya na para bang ako ang dahilan ng lahat ng problema niya sa mundo.
Agad namang tumigas ang panga ni Bobby. Kita ko ang pagdilim ng kanyang mukha, isang iritasyon na hindi na niya sinubukang itago. Hindi man nila sabihin nang direkta, ramdam ko. May binabalak sila. May niluluto silang plano sa likod ni Tatay, at kung ano man ’yon… alam kong hindi iyon maganda. At sana lang, kahit konti, magdalawang-isip si Ate. Pero hinding-hindi iyon mangyayari. Hindi kapag si Bobby ang kasama niya.
“Ano ba ang pinaglalaban mo, Dahlia?” singhal ni Bobby, ang boses niya mababa ngunit matalim. “Alam mo namang hindi puwedeng umalis ang Ate mo. May negosyo kaming inaasikaso! Ano ka ba? Hindi ka na nga nakakatulong dito sa bahay, nagrereklamo ka pa?”
Parang biglang nanlambot ang tuhod ko. Para akong kinuryente ng hiya at takot. Hindi ako makaimik. Kahit anong sabihin ko, alam kong tatalunin lang din nila. Wala akong laban sa dalawang ’to. At ang tanging kinatatakutan ko ay ang magiging reaksyon ni Tatay. Dahil kapag nalaman niyang ako ang pumalpak sa plano nila? Sa akin babagsak lahat. Lahat.
“Kaya nga!” dagdag pa ni Ate, hindi pa tapos ang litanya niya. “Hindi ko alam kung saan pa humuhugot ng kapal ng mukha ang babaeng ’yan! Hindi niya alam kung gaano kahirap ang sitwasyon natin, may gana pa siyang magreklamo!”
Lumapit si Bobby kay Ate at hinawakan ang balikat niya, para bang siya ang may kontrol sa buong kuwarto, sa buong bahay, sa buong buhay ni Ate. Napaatras ako, iniwasan ang titig nila. Hindi ko na alam kung alin ang mas masakit, yung mga salita nila o yung katotohanang wala akong kahit sinong kampi.
“Ano ba talaga ang gusto mong mangyari, Dahlia? Maghirap kayong pamilya?” madiin na tanong ni Bobby.
Napapikit ako. Syempre ayaw ko nun. Bakit ko gugustuhin ’yon? Pero bakit parang ako ang laging isinusubo? Ako ang laging ipinapadala? Ako ang laging pinapasan ang mga bagay na dapat si Ate ang humaharap?
“P-Paano si Tatay?” halos pabulong kong sabi. “Magagalit ’yon kapag nalaman niya na ako ang pumunta imbes na ikaw, Ate.”
Umaasa ako, kahit kaunti lang, marining ni Ate ang pangalan ni Tatay ay matauhan siya. Dahil kahit si Ate, nanginginig kapag siya ang pinag-uusapan. Kapag pumalpak ang plano ni Tatay, si Ate ang laging sinasalo ang parusa. Hindi ako. Dahil para kay Tatay, wala akong silbi. Wala akong kwenta. Hindi ako dapat pinagkakatiwalaan.
Kaya imposibleng ako ang ipapadala niya. Imposible.
Pero ngayon? Parang wala nang pakialam si Ate.
Umikot ang mata niya, halatang mas lalo pang naiinis sa akin.
“Kami na bahala ni Bobby ang magsabi sa kanya. Alam na namin ang gagawin. Ikaw lang ang nag-iinarte rito!”
Parang biglang tumigil ang mundo ko.
Ngayon, sigurado na ako.
May plano sila ni Bobby. At hindi iyon tungkol sa pamilya. Hindi iyon tungkol sa pag-ahon. May iba silang agenda. At ang Isla Dolor… ang mismong dahilan kung bakit ako ang isinusubo.
Napakapit ako sa sariling mga braso, pilit hinahanap ang kahit kaunting lakas.
Bahala na.
Mukhang wala na naman akong magagawa. Wala na akong masasabi pang alibi o dahilan. Binuo na nila ang pasya. At kahit anong gawin ko, talo ako.
“A-Ano ba ang gusto n’yo na gawin ko kung gano’n?” mahina kong tanong, halos wala nang buhay ang boses.
“Akitin mo at kunin mo ng pera. Dito mo ilagay lahat, kailangan mong simutin lahat pera niya. Naiintindihan mo ba?”
“Pero, hindi kaya ‘yon, Ate. Malalaman niya iyon—”
“Tatakas ka din naman, Dahlia. Bakit magpapahuli ka ba sa kanya? Nako! Gamitin mo ‘yang utak mo, nasaan na ‘yong pinagmamalaki mong pinag-aralan mo dati kung hindi mo gagamitin?”
Bumuntong hininga ako.
“Isa pa bibigyan ka rin ng bagong identity, Dahlia.” Si Bobby ang nagpatuloy dahil kita niyang stress na naman si Ate dahil sa akin. “Hindi ka makikilala ng lalaking iyon, gagamit ka ng panibagong pangalan. At isa pa hindi mo rin naman sasabihin sa kanya ang totoo, hindi ba?”
“E ‘di gaga siya kung sasabihin niya ang totoong pagkatao niya. Ano ka ba Bobby, h’wag mo nga siyang gan’yanin at baka umayaw pa ‘yan ng tuluyan.”
Gustong umikot ng mga mata ko pero pigil na pigil ako lalo na’t nasa harapan ko lang si Ate.
“Sino ang mag-aalaga kay Ivy kung gano’n?”
Hindi marunong magsalita si Ivy dahil hindi siya nakakarinig. Namana niya iyon kay Nanay. Si Nanay ay isang deaf and mute, at si Ivy ang nakakuha no’n. Habang kaming dalawa ni Ate ay normal naman ng pinanganak niya.
Hindi ko alam kung paano nagkakilala si Tatay at Nanay, pero simula pa noong buhay si Nanay ito na talaga ang gawain ni Tatay. May kinabibilangan siyang grupo na hindi ko alam, hindi rin alam ni Nanay iyon. Namatay siya ng walang alam sa ginagawa ni Tatay, pero kahit gano’n, ramdam na ramdam ko na mahal ni Tatay si Nanay.
Kaya simula noong nawala si Nanay, doon na nagsimula na ang dagok sa pamilya namin. Na para bang nagkawatak watak na ang lahat. Ni may mga araw na hindi na umuuwi si Tatay dito at kung umuuwi man parating galit o ‘di kaya ay may masamang nangyari sa kanyang trabaho.
“S’ympre kaming dalawa ni Bobby, alangan namang pabayaan namin si Ivy? Nag iisip ka ba talaga?”
Punong puno na si Ate sa mga tanong ko at iniritang irita na siya dahil may balak akong hindian ang misyon na para sa kanya.
“Isa pa, isipin mo na lang na ginagawa mo ‘to para kay Ivy. Iyong hindi natin nagawa na pampagamot kay Nanay, kay Ivy na lang.” aniya pa sa akin.
Dahil doon wala na akong nagawa pa. Pagdating kay Ivy, nanghihina ako lalo na’t marami siyang gamot na iniinom. Masigla naman si Ivy pero iyon nga lang ay mga gamot siya iniinom araw araw para hindi mabilis manghina ang resistensya niya. Dahil doon ay napapayag ako ni Ate.
Napamulat ako dahil sa pagdampi ng sinag ng araw sa aking mukha. Agad akong napa inat at nagising. Ramdam ko kaagad ang pagkalam ng sikmura ko. Gutom na gutom ako at hindi ako nakakain kagabi, dumiretso ako sa cabin, at kung ano man ang laman ng nasa ref dito iyon lang ang kinain ko.
Pero baka mamaya, nasa Isla Dolor na rin kami. Baka hintayin ko na lang siguro? Pero sayang din iyong binayad nila kung hindi ko magagamit!
Para hindi ako halatang hindi bagay sa mundong itong nagsuot ako ng dress. Sleeve less iyon na deep v halter top. Tinuyo ko ang aking buhok at nag ayos ng kaunti bago tuluyang lumapit ulit sa dining area.
Napapasulyap sulyap pa ako sa paligid habang naglalakad hanggang sa nakarating ako. Muli kong sinipat ang buong paligid, mabuti at kaunti lang ang tao dahil maaga pa.
Kumuha ako ng tray at plato. Naghanap ng makakain bago muli kong tinignan ang palagid, baka may mabangga na naman ako. Panibagong kahihiyan na naman iyon.
Nakahinga ako ng maluwag nang nakaupo ako ng tuluyan. Sumimsim ako sa hot chocolate na kinuha ko at hindi ko mapigilang mapasayaw ng kaunti dahil sa sarap. Isa isa kong tinikman ang pang umagahan na nakahanda doon at hindi ko mapigilan ang hindi kiligin dahil sa sarap ng kanilang niluto.
Gagawin ko rin ‘to sa bahay kapag may pera ako para maranasan din ni Ivy, masarap siya at mukhang hindi naman mahal ang ingredients ng mashed potatoes.
“Enjoying your breakfast, Lady?”
Napahinto ako sa pagsasayaw at dahan dahan na nilapag ang kubyertos. Hindi ko iyon nilingon pero ang lalaki ay umupo na sa harapan ko. Nakahinga ako ng maluwag dahil hindi si Ali iyong kaharap ko.
Siya iyong lalaking nagpaalis sa akin. Mukha naman siyang mabait… ng kaunti. Binabawi ko dahil sa mga tattoo niyang nakadikit sa kanyang katawan. Hindi naman ako judgmental pero nakakatakot lang iyon.
“I’m so sorry about what happened last night. Our friend was not just in a mood to deal with people.”
Pinitpit ko ang aking labi bago nagsalita. “Ayos lang, kasalanan ko rin naman iyon.”
Natawa siya at napatingin sa mga kinakain ko. “You haven’t eaten anything last night? Madami ang kinuha mo ah.” komento niya.
Tumango ako. “Oo, pasensya na rin kagabi, mukhang nadumihan ko iyong damit ng kaibigan mo kagabi.”
“It’s nothing, tinapon na niya iyon.”
Nanlaki ang mata ko.
“Tinapon? Po?” gulantang na tanong ko.
P’wede pa naman kasing labhan iyon, kung ibibigay niya sa akin baka ako pa ang gumawa no’n at ibabalik ko sa kanya ng maayos. Paplansahin ko pa, kahit isang dangkal ng gusot hindi niya makikita. Magaling ako sa gawaing bahay.
“Yeah, sabi ko nga wala siya sa mood kaya mabilis magalit.”
Napakagat ako ng labi. Mabuti na lang talaga at umalis ako kagabi dahil kung hindi baka nasaktan na ako ng lalaki ‘yon.
“I’m Zane Allister, and you are?” pagpakilala niya na ikinagulat ko.
Zane Allister? Allister? Alistair?
Siya ba ang sinasabi ni Ate? Pero hindi, magkaiba iyon. Alistair V daw, wala siyang Zane…
Nilahat pa niya sa akin ang kanyang kamay. Nagdalawang isip pa ko pero kalaunan ay tinanggap ko rin para hindi ako magmukhang bastos.
“Lily Suarez,” pagpapakilala ko.
Ngumiti siya na ikinagulat ko. “Nice to meet you, Lily.”
“Nice—”
“What the f**k is wrong with you, Zane?” naputol ang sasabihin ko dahil sa pagsulpot ng panibagong boses.
Pagkalingon ay nakita kong si Ali iyon. Agad akong umiwas at napatingin kay Zane.
“P’wedeng umalis ka na? Nagagalit na naman siya,” sumbong ko na parang bata.
Muli siyang natawa sa sinabi. Nagulat na ako nang nasa harapan ko na iyon Ali at naupo na siya sa tabi ni Zane. Parang nawalan na ako ng gana dahil mariing titig niya sa akin.
Bakit ang aga nilang nagising? Inagahan ko na nga para walang tao eh.
“What yours, Ali?” tanong pa ni Zane na para bang may balak silang dito pa kumain sa lamesa ko!
Hays, gusto ko lang naman kumain ng payapa.
“Any, let’s seat here.” sambit pa ni Ali dahilan para tumaas ang kilay ko. “What? May gagawin ka?” nagulat ako dahil sa pagtagalog niya.
Agad akong umiling at wala ng nagawa pa, dito na sila kumain sa lamesang hinanda ko para sa aking sarili.