Kabanata 2
“Welcome to Isla Dolor, Ma’am!” masiglang bati ng babaeng naka-uniform nang tuluyan akong makababa ng barko.
Saglit akong yumuko bilang pasasalamat, pero hindi rin nagtagal ang tingin ko sa kanya. Humakbang ako papalayo, hinihila ng kabang kanina pa gumugulo sa sikmura ko.
Isla Dolor.
Hindi ko akalaing ganito ito kaganda, malawak na kagubatan, mapuputing buhangin, at dagat na parang walang katapusan. Pero sa ilalim ng tanawing iyon… may kung anong bigat. Parang may humihigop ng hangin.
Curse island ayon sa mga tao pero hindi ko hindi ko alam kung ano ang dahilan. Walang malinaw na dahilan. Walang nagpapatunay. Pero ngayong naririto ako… parang totoo.
May cabin na hinanda para sa akin, sabi ni Ate. Hanggang isang linggo lang daw dahil iyon lang ang reservation. Para daw magkaroon ako ng matutuluyan kailangan kong gawin kaagad ang pinapagawa niya para sa bahay ako ni Alistair V. mamalagi.
Kailangan kong hanapin ang lalaking iyon. Lalaking hindi ko man lang kilala. Ni pangalan, ni mukha, wala.
At paano ko pa sisimulan ang misyon na hindi ko man lang naiintindihan?
Huminga ako nang malalim bago maglakad patungo sa cabin. Medyo malayo iyon mula sa daungan, kaya ilang minuto pa lang ay ramdam ko na ang pagod. Ayaw ko namang gumastos agad sa pera ni Ate, baka gutom pa ikamatay ko bago ko makita ang target ko.
Pagdating ko sa resort, sinalubong ako ng isang staff na sobra ang ngiti para sa isang lugar na halos walang tao.
“Welcome to Vex Highland Resort, Ma’am. Here’s your cabin number and your card to unlock the door.”
Inabot ko iyon at tipid na ngumiti. “Salamat.”
Habang palabas ako ng front desk, napansin kong saglit siyang tumingin sa akin. Lahat ng staff ay mababait. Professional. Magagalang.
Paglabas ko mula sa front desk ay agad akong sinalubong ng isang itim na van na nakaparada sa mismong harapan. Napakunot ang noo ko. Hindi ko balak tumigil, gusto ko lang makadiretso sa kwarto ko, makapagpahinga, at makalimot sa kahihiyan ko ngayong araw, pero napahinto rin ako nang dahan-dahang bumukas ang sliding door nito.
At bumungad sa akin ang mga mukhang pinakagusto kong iwasan.
Si Zane, agad na kumislap ang mga mata at ngumiti na parang nakita niya ang paborito niyang palabas. Si Ali naman… ayun, nakakunot ang noo, parang laging galit, parang ako ang personal niyang problema sa buhay. Ang dalawang kasama nila sa loob ay parehong seryoso, halos walang emosyon, parang mga anino lang sa likod nila.
“It was her, Nico and L. Si Lily, ‘yong nakatapon ng pagkain sa damit ni Ali,” ani Zane, natatawang parang proud pa na ibinuking ako.
Umikot ang sikmura ko. Talagang kailangan niya pang i-announce? Napayuko ako, napapailing, gusto ko na lang maglaho sa sahig. May narinig akong tumawa pero hindi ko makita kung sino dahil ayaw ko nang mag-angat ng tingin.
“Good thing that she’s still alive,” sabi ng isa, malamig.
Napataas ang ulo ko, napatingin sa kanya, at doon siya muling natawa, parang natutuwa sa reaksyon ko.
Nagbibiro lang sila… diba? Bakit ba hindi ako pinapatakas ng tadhana mula sa mga tao na ‘to?
“He’s just kidding, Lily,” sabat ni Zane, saka umusod para makita ako nang mas malinaw. “Diba magsstay ka pa sa vacation mo?”
Tumango ako. “Yeah. Vacation,” sambit ko kahit ramdam kong pumipintig na ang dibdib ko sa kaba.
Kanina habang nag-aalmusal kami, sinabi ko sa kanila na nandito ako para magpahinga, magpalamig ng ulo, at, kunwari, -mag-move on sa broken heart ko. Hindi ko binanggit ang totoong dahilan kung bakit ako nandito. At halos lahat ng sinabi ko ay purong kasinungalingan.
Buti na lang gumagana ang utak ko kanina; sunod-sunod ang tanong nila at kabutihang palad ay napanindigan ko lahat ng alibi ko. At syempre, nagtanong din naman ako pabalik, para kunwari pantay ang usapan, pero si Zane lang talaga ang sumasagot. Friendly, open, at walang prenong magkuwento.
Si Ali… iba. Tahimik siyang nakamasid sa akin buong biyahe. Parang binabasa niya ang bawat galaw ko, bawat pilit na ngiti, bawat sagot kong masyadong kalkulado. Ang hirap iwasan ng mga mata niya, matulis, parang kayang tumagos sa balat at tumingin diretso sa mga lihim na pinakatatago ko.
At ngayong nakaharap ko ulit silang apat, pakiramdam ko mas lalo pa akong nabubunyag.
“Good choice, dito din kami buong business trip,” ani Zane na parang good news iyon.
Pero hindi para sa akin!
Pilit akong ngumiti bago napakagat ng labi. Hindi ko talaga alam kung kamalasan ba ‘to o sadyang tadhana lang. Alam ko naman marami silang pera at kaya nila dito pero mukhang maraming resort na maganda rin dito… hindi ko alam, first time ko lang din naman dito.
“We stayed in the Villa, how about you?”
Mayaman nga.
“Cabin, doon lang daw sabi no’ng babae.” sabay turo ko sa likuran nila.
“Let her go, Z. We still have a meeting later,” ani nong L kanina.
Mabuti naman kung gano’n ayaw ko na silang makaharap pa. Muli akong nginitian ni Zane at nagpaalam na sila bago tuluyan akong iniwan. Dali dali din naman akong nagtungo sa cabin ko at binuksan iyon. Maganda at malinis, alam kong mahal ang cabin na ‘to.
Tumunog ang cellphone ko at tawag iyon mula kay Ate. Agad kong sinagot dahil maraming tanong ang nasa isipan ko ngayon.
“Nasa Isla Dolor ka na ngayon, Dahlia? Mag text ka naman, hindi iyong ako pa ang tatawag sa ‘yo!” bungad ni Ate sa akin.
Agad na umikot ang mata ko, wala naman siya, hindi niya makikita ang ginagawa ko.
“Oo nandito na ako, nasa Vex Highland Resort,” sagot ko.
“Mabuti naman, nandiyan si Alistair V. Magmasid ka kung sino ang lalaking ‘yon, tignan mo ang paligid kung may mga hidden camera ba sa bawat paligid ng resort dahil sa pagkakaalam ko pagmamay-ari niya daw ‘yan.”
“Ano?!” gulantang ani ko.
“Anong akala mo ilalayo ka sa kanya? S’ympre dyan ka dapat sa kung saan malapit sa kanya! Tumawag ako para sabihin sa ‘yo na kung ano man ang nakikita o nararamdaman mo d’yan ay kailangan mong sabihin sa akin dahil kailangan kong sabihin kay Tatay ‘yon.”
“Oo, magtetext ako kapag may nalaman ako dito.”
“Isa pa, h’wag na h’wag kang magmumukmuk d’yan sa loob ng cabin, lumabas labas ka rin at gawin ang pinapagawa sa’yo. Kung hindi ka aalis d’yan wala din naman mangyayari, isa pa isang linggo lang ang reservation ng cabin na ‘yan kaya kailangan mo ring umalis.”
“Oo, gagawin ko.”
Nawala na iyong mga tanong ko dahil sa dami ng sinabi ni Ate. Nakatulog naman ako pero pakiramdam ko sobrang pagod na naman ako.
“Mamaya nasa club ‘yan sila, pumunta ka doon at doon mo siya akitin. Pero kailangan mong siguraduhin muna na siya iyon, h’wag kang tanga tanga.”
Hindi na ako nagsalita habang siya naman ay maraming pinapaalala sa akin. Pinatay ko ang tawag matapos lahat ng bilin niya sa akin at nahiga sa kama.
Muling may tumunog na cellphone at akin ‘yon. Agad kong binuklat ang bag at kinuha ang cellphone. Dalawa ang meron ako, ang akin at binigay ni Ate. Naka-connect daw iyong cellphone sa headquarters nila Tatay kaya kailangan kong palaging dalhin sa akin, pero hindi naman nila mababasa ang mensahe at tawag ayon kay Ate. Iyong location lang ng cellphone ang natatrack nila.
Kita ko ang pangalan ni Eba sa cellphone ko at kaagad ko naman iyong sinagot.
“Mabuti naman at sinagot mo na rin, kagabi pa ako tawag nang tawag sa ‘yo, Dahlia!” si Eba sa kabilang linya.
“Pasensya na, nasa laot kasi ako. Ayos lang ba si Ivy d’yan?”
“Oo, pumunta ako sa bahay niyo kanina at pinapakain siya ni Ruby. Maldita talaga ang gagang ‘yan gusto ko lang naman pumuntahan si Ivy, ayaw akong papasukin.”
Napabuntong hininga ako habang nakikinig sa mga kwento niya tungkol sa nangyayari sa amin. Siya ang tenga at mata ko doon dahil wala akong tinawala kay Ate Ruby at Bobby sa pag aalaga kay Ivy.
Kinagabihan ay nag-ayos ako at naglibot libot sa buong resort. May mga tao naman dito pero hindi naman crowded masyado. Pumunta ako sa likurang bahagi kung saan maraming puno at tanaw at dinig ang hampas ng tubig.
Habang papaalapit sa dalampasigan ay may namataan akong nakasandal sa isang palm tree. Naninigarilyo dahil may usok doon galing sa kanyang labi pagkatapos na bumuga. Madilim kasi, hindi ko masyadong kita ang kanyang mukha.
Umupo ako sa kahoy na upuan habang nakatanaw sa dalampasigan. Hinahampas ng hangin ang aking buhok dahilan para magsayaw iyon. Sinakop ko iyon at hinawakan, muling nakatingin sa dalampasigan.
“You know this place is not safe, right?” napahinto ako sa pagmumuni muni dahil sa narinig.
Napalingon ako at kaagad na nagsisi dahil si Ali iyong bumungad sa akin. Nakakulay puting linen shirt at denim pants.
Oo, hindi safe talaga kapag nandiyan ka, baka mapatay mo pa ako dahil sa galit mo sa akin!
Ibig sabihin, siya iyong lalaking nakasandal sa pine tree kanina? Iyong naninigarilyo?
Hindi ako nagkamali nang muli niyang nilagay ang sigarilyo sa kanyang labi at naghipak bago binuga iyon. Kahit na naninigarilyo si Tatay at Bobby, hindi pa rin talaga ako sanay sa amoy no’n.
Pinagdikit ko ang aking labi at walang balak magsalita dahil pakiramdam ko isang maling salita ko lang ay mamamatay ako dito ng wala sa oras. Muli akong napatingin sa dagat, hinawakan ng mabuti ang aking buhok, at napakagat sa labi. Hindi ko siya pinagtuunan ng pansin, baka papansin lang talaga siya.
“Did you hear what I said?” muling sambit niya ngayon sa galit na boses na.
Wala na nga akong sinabi galit pa rin!
“Narinig ko, p’wede ka ng umalis.”
“Tigas ng ulo mo,” aniya na parang close kaming dalawa.
Diba ayaw niya sa akin? Galit na galit pa nga eh, bakit ba siya lumapit pa. Gusto ko lang naman magpahangin.
“Hindi ko kailangan ng concern mo,” balik ko sa kanya. “Hindi mo nakikita na nagpapahangin ako dito?”
Muli siyang humipak bago bumuga ulit tinapon kung saan ang yupos niyang sigarilyo at grabe na lang ang gulat ko nang bigla siyang umupo sa tabi ko.
“Ano ka ba?!” inis kong sabi sa kanya.
“Hindi mo ba kita nagpapahangin ako dito?” panggagaya niya sa sinabi ko kanina.
Umirap na lang ako at akmang tatayo sana ako nang hinawakan niya ang kamay braso ko dahilan para bumalik ako sa pagkakaupo.
“Magpapahangin tayong dalawa,” sabi niya at muling may nilabas na stick ng sigarilyo sa kanyang bulsa.
“Magpahangin ka mag-isa mo kung paninigarilyo ka sa tabi ko!”
Muli sana akong tatayo ngunit muli niya akong pinigilan. Nilapag niya iyong sigarilyo sa kahoy na lamesa sa harapan namin at maging ang lighter no’n. Wala siyang sinabi pero mukhang wala ng balak maninigarilyo pa.
Bumuntong hininga ako, ramdam ko ang kalabog ng puso ko.
Gano’n ba kapag mayaman, malungkot ka? Pero mukhang hindi naman siya malungkot, iniinis niya lang talaga ako!