Kabanata 34 Nagkatinginan kaming dalawa ni Eba, isang tinginan na puno ng takot, galit, at mga tanong na pareho naming alam ang sagot. Wala na kaming magawa kung ‘di lumabas mula sa lugar na pinagtaguan namin. Nauna siyang maglakad, tuwid ang likod at taas noo, pero ramdam ko ang kaba sa bawat galaw niya. Ako naman, sa kabila ng panginginig ng mga kamay ko, ay galit ang nangingibabaw. Galit na matagal ko nang kinikimkim, lalo na’t magkaiba ang sugat na iniwan sa amin ng mga lalaking iyon. Habang papalapit kami, nakita ko si Elio na kausap sina Alistair, Rozier, at isa pang lalaking hindi ko agad nakilala. Biglang sumikip ang dibdib ko. Bawat hakbang ko ay parang may matalim na bagay na humihiwa sa puso ko, paalala ng mga alaala at kasalanang pilit kong tinakbuhan sa loob ng pitong taon

