Kabanata 35 “Eba, anong ginagawa mo?!” mariin kong tanong habang halos hilahin ko siya papunta sa ikalawang palapag, mahigpit ang kapit ko sa kanyang braso na parang iyon na lang ang humahawak sa akin para hindi ako tuluyang bumigay. Puno ng pait at galit ang mga mata niya nang tumingin siya sa akin. “Wala na akong magawa, Dahlia,” nanginginig niyang sagot. “Sinundan na talaga ako. Kapag nag away pa kami ni Rozier sa labas, baka bukas trending na naman tayo, ikaw at ako, tatawagin na namang malandi!” Parang may kumuyom sa dibdib ko. Napapikit ako sandali, pilit pinapakalma ang sarili. Ayos lang sana kung si Rozier lang. Kakayanin ko. Pero bakit pati siya… bakit pati si Alistair? “Pero bakit kasama si Alistair?!” halos pabulong na sigaw ko. Umiling siya, halatang pagod na pagod. “Hindi

