Kabanata 36 “Umuwi na kayo, please.” Mahina ang boses ko pero puno ng pakiusap habang nakatingin kina Alistair at Rozier. Nanginginig ang kamay ko sa gilid ng palda ko, pilit pinapakalma ang sarili. Pareho pa rin silang nakaupo sa sofa, parang walang balak na sundin ako. Gabi na sa labas, wala na ang huni ng mga ibon, tanging mga kuliglig na lang ang maririnig, samantalang sa loob ng bahay, parang may sariling mundo ang dalawang lalaki. Nakapagluto na ako ng panhapunan, nakahain na ang pagkain, pero tila hindi iyon sapat na dahilan para umalis sila. Kung kanina ay matigas at nag-aapoy sa galit ang boses ni Noah, ngayon ay humahalakhak na siya, halos malunod sa tawa habang nakasampa sa likuran ni Alistair, nakayakap sa leeg ng lalaki na para bang matagal na niyang kilala. Umaalingawngaw

