Kabanata 28 Ayaw kong mahalata ang bigla kong pagkawala kaya pinilit kong bumalik sa direksiyon nila. Ngunit bago pa man ako tuluyang makalapit ay napahinto ako, parang may humila sa paa ko, nang marinig ko ang usapan nila. “You should go back to your life, Alistair! Don’t hide your name and don’t let Peter carry it for you.” Parang may sumabog sa loob ng ulo ko. Nanlamig ang buong katawan ko. Umuwang ang labi ko pero walang lumabas na tunog. Parang may bumagsak na pader sa harapan ko, at sa likod no’n, naroon ang katotohanang pilit kong iniiwasan. Gusto ko lang ng kumpirmasyon. Isang malinaw na patunay kung sino ba talaga siya. Kung sino si Ali. Kung sino si Alistair. At ngayon… malinaw na malinaw na. Si Ali, siya si Alistair. At ang lalaking nagpapakilalang Alistair… si Peter. Ka

