Chapter 17 Fall Enzo's POV Sobrang kinabahan talaga ako kanina nung makita kong muntikan ng masagasaan si Julienne, mabuti nalang talaga nandoon ako nung mangyari yun, kung hindi ako dumating, baka ano ng nangyari sakanya, tsk! Sobrang kinabahan talaga ako. But she looks so pale, para syang may dinaramdam na ewan, pumunta nga sya ng pharmacy para bumili ng gamot e, masama siguro ang pakiramdam nya. Anyway, pagkatapos ko syang ipagpara ng taxi, inayos ko ang kwelyo ng coat ko at muling tumawid ng pedestrian lane upang pumunta sa Ramirez Building, nagulat nalang ako ng bigla akong tinext ni Terrence, pinapupunta nya ko ngayon sa office nya, Ano naman kayang kailangan ng lalaking yun? Baka naman sasabihin nya na muli na syang nahuhulog kay Julienne, at hindi na nya magawang maghiganti?

