Chapter 16 Hindi Maintindihan Julienne's POV "Iniiwasan muba 'ko Julienne?" biglang sabi ni Terrence saktong pagtalikod ko sakanya. Bigla akong napatigil, tsaka ako muling lumingon sakanya na ngayon ay seryosong nakatingin sa 'kin. "Hindi," mahinang tugon ko, muli akong tumalikod at lalabas na sana ako ng office nya ng bigla naman syang sumigaw. "Kinakausap pa kita!!" ang taas ng tono ng kanyang boses, ano na naman bang problema nya! Iritado ko syang nilingunan ulit. "Bakit hindi moko pinapansin? Halatang iniiwasan moko," wika nya. "Ano sa tingin mo 'tong ginagawa ko? Hindi ba pinapansin kita?" may pagka sarcastic ang pagkakasabi ko, suminghap tsaka sya tumayo mula sakanyang swivel chair. "Di ba magkaibigan na tayo?" aniya. Ngumiwi ako, oo magkaibigan na nga kami, pumayag ako, pero

