Chapter 06
This Is Not Good
Julienne's POV
Tulad ng naipangako ko kay Terrence, dadalo ako sa party nya ngayon. Hindi ako pwedeng hindi pumunta, yun ang sabi nya. So ano pa bang magagawa ko diba? Pero hindi mo maalis sa akin ang pagkakaba, feeling ko kasi masyado akong ma a-out place sa party'ng iyon.
Panigurado ding mga business tycoons ang karamihan sa mga bisita doon, at sure ako ang pagsasadahan nila ako ng matatalim na titig, dahil alam nila na anak ako ni Ferdinand Gutierrez.
Huminga ako ng malalim, tsaka ko nalang sinuklayan ang buhok ko, nag make up ako at nagsuot ng maganda ngunit mejo luma ko ng dress, kulay pula sya na hindi bababa sa tuhod ang kahabaan, at korteng korte ang katawan ko dahil sa fit sya.
Kailangan kong magpaganda dahil formal party iyon, sure ako lahat ng mga bisitang lalake ay naka suit at ang mga babae naman ay nakadress o di kaya nakagown ng bongga.
Wala akong kasamang pumunta doon, kaya wala akong choice kung hindi ang mag commute ng mag isa, di bale sinabi naman ni Terrence yung address eh, magtataxi nalang ako upang makarating sa exclusive village na yon.
Nung makarating nako sa venue, nalaglag naman ang panga ko dahil kasi sobrang bongga nung venue, labas palang to huh? Andaming nakaparadang magagarang sasakyan dito, ako lang yata yung nag taxi. Umurong yata tiyan ko ng dahil sa kaba eh. Parang ayoko ng pumasok, pero di pwede naghihintay na sigurado si Terrence.
Humugot ako ng malalim na hininga at naglakad na papunta doon sa tarangkahan, pero bago yun may humarang sakin na bouncers at isang guard. Tinanong nila ang pangalan ko, para siguro icheck kung kasama ba sa listahan ng mga bisita ang pangalan ko.
"Julienne Gutierrez," sabi ko sakanila. Pinasadan nila ako ng tingin, nakita kong napalunok yung isa, habang nihe-head to foot ako. Kumunot ang noo ng dahil don. Nakita ko pa silang magbulungan, mga echuserong bouncers to ah.
"Sige pasok," sabi nung guard. Sinunod ko sya at umalis na doon. Eto na nga! Nandito nako sa loob.
Mas lalong laglag ang panga ko ngayon. Eh pano ba naman kasi sobrang bongga eh, wala akong masabi. Andaming bisita, lahat sila naka formal, may mga may edad na, may mga bata, at madami ay yung mga kasing edad ko lang.
Napakarami ding mga babaeng nakatingin sa akin, pinagtataasan nila ako ng kilay. I don't know why, pero wala akong panahon para pansinin sila, ang gusto ko ngayon ay ang mahanap si Terrence, ngunit kahit san ako lumingon di ko sya makita. Nasan na ba yun?
Napatigil at parang nakaramdam ako ng pagkarelief nang makita ko na sya! Kasama nya ngayon si Enzo, tumatawa silang pareho habang palabas ng bahay.
Lumapit ako sakanila, pero saktong pagkakita nila sa akin, pareho silang napatigil sa pagtawa, at parehas naka half open ang bibig habang diretso ang tingin sa kin.
Nakita ko si Terrence na pinalibutan nya ko ng tingin, ni head to foot nya ko. Ako naman natulala din dahil sa binungad nilang expresyon sa akin. Ba't ganun nalang kung makatingin sila?
Parang bumalik lang sa ulirat si Terrence nung bigla syang siniko ni Enzo. Umiling sya tsaka sya lumapit sakin.
"Oh you're here na pala," sabi nya habang nakangiti. Lumapit nadin si Enzo sakin.
"Oo, eh diba sabi you're not accepting no answer? Kaya eto, dumalo ako," sabi ko.
"Oh my golliwow, wala akong masabi Julienne, you're so beautiful," manghang sabi naman ni Enzo, binigyan ko lang sya ng sweet smile pagkasabi nya non.
"Thank you," sabi ko inayos ang bangs ko tsaka ko ito inilagay sa likodng aking tenga.
Bigla namang umubo si Terrence kaya muli akong napatingin sakanya. Mejo magkasalubong ang kilay nya. Bakit?
"Halikana Julienne, dun tayo sa loob," sabi ni Terrence at hinawakan nya ang aking isang kamay, lumingon ako kay Enzo, na ngayon ay sinusundan kami.
Nagpatianod nalang ako, pumasok nga kami sa loob, andami ding tao dito. Lahat nagkakwentuhan, lahat mukhang sosyal. Yung iba naman kumakain.
Mas lalo ako nakaramdam ng pagkahiya ng pinasadahan ako ng tingin ng mga ibang bisita, nakatingin sila sa magkahawak na kamay naming dalawa ni Terrence.
Pumunta kami dun sa hall dun sa madaming nakapalibot na maliliit na round tables. Dun kami pumwesto.
Agad na may lumapit na waiter sa akin at inalukan nya ko ng kulay blue na inumin, tinanggap ko naman iyon.
"Kumain ka muna Julienne," sabi ni Terrence at tinawag ulit yung waiter. Nagrequest sya ng pagkain at finger foods.
Umupo kaming tatlo. Tsaka nagkatinginan. Si Terrence hindi nya maidiretso ang tingin nya sa akin, hindi ko alam kung bakit.
Nag usap silang dalawa ni Enzo, habang ako naman kumakain lang, out of place ako sa pinagkekwentuhan nila. Suddenly, bigla namang may lumapit na babae. Mukha syang pamilyar, pilit kong inalala kung san ko na nga ba nakita tong babaeng ito.
At Naalala ko naman. Napalunok ako nung marecognize ko na sya. Sya yung babaeng kahalikan ni Terrence nun sa office nya. Sya yun, hindi ako nagkakamali. Yung babaeng may chykinini sa leeg.
Napailing at napapikit ako, at itinuloy ko nalang ang pagkain ko, kahit sa totoo nyan nawalan ako ng gana.
Masaya silang nag uusap ngayon, tumayo na nga si Terrence, kaming dalawa nalang ni Enzo ngayon ang nakaupo. Si Enzo naman, awkward na nga ang nararamdaman ko dinadagdagan nya pa, pano ba naman kasi tinititigan nya ako ngayon na parang bata habang nakapalumbaba at nakangiti.
Pinagtaasan ko sya ng kilay.
"Why are you staring at me?" mejo may pagkasarcastic ang tono ng pagkakasambit ko, hindi sya natibag, nakangiti padin sya sa akin ngayon. What's the matter with him?
"Bakit masama? Masama bang titigan ka?" oo masama kapag sobrang tagal na. Nakakailang kaya, sabi pa naman sa psychology pag tinititigan ka ng isang tao at lumagpas iyon nang tatlumpung segundo ay may pagtingin sya sayo. So etong si Enzo may pagtingin sa akin? Oh my god!
"Oo, masama," sabi ko at tsaka ko sya inirapan. Ngumuso naman sya pagkatapos.
"Ang sungit mo naman, nagagandahan lang naman ako sayo," napatigil ako sa pagkain at nasamid ako bigla pagkatapos nyang sabihin yun.
Matagal ko na ding kakilala si Enzo pero ngayon palang nya yun sinabi. Na 'nagagandahan' sya sakin.
Agad akong uminom ng tubig. Tumawa naman sya bigla, pinagtitripan yata ako ng kumag na to.
"Tseh!" sabi ko tsaka ko pinunasan ng tissue ang bibig ko at inismid ko sya.
"Pwera biro, ang ganda mo nga ngayon," kinilabutan ako dun sa sinabi nya kasi may halo ba namang kindat. Enzo is becoming annoying na dahil sa ginagawa nya. Namwimwisit lang to eh.
Hindi ko na sya pinansin at bumaling ang tingin ko kay Terrence na ngayon ay nakatingin sa aming dalawa ni Enzo, hindi na nga sya nakatingin sa kausap nya eh, kinailangan pang iikot ang mukha nya para lang titigan sya ulit nito. Napalunok ako, at para ding may nagwalang kung ano sa sistema ko.
Tumingin ako kay Enzo na ngayon ay pinaglalaruan ang buhok ko. Napakakulit ng sira ulong to.
"Enzo ano ba!" iritado kong sabi ngunit tumawa lang sya. Baliw na yata.
"Nakadrugs kaba Enzo kanina kapa parang baliw jan at patawa-tawa? Anong nakakatawa?" natatawa ko na ding sambit sakanya.
"Wala lang, na cucutan lang kasi ako sa-" bigla kaming napatigil ni Enzo ng biglang sumulpot si Terrence ngayon sa gilid naman, na ang talim ng titig. Bumalik na naman yung mga titig na kinatatakutan ko.
"Oh, tapos na kayong mag usap ni Abby?" sabi ni Enzo, so Abby pala ang name ng babaeng yon? At bakit nya nga to iniwan? Masaya silang nag uusap kanina ah.
"Wala nandito ako para kunin si Julienne," sabi nya at hinawakan nya ang kamay ko. Nagulat ako, at the same time naestatwa napatingala ako sakanya na ngayon ay diretsong nakatitig kay Enzo with a monstrous look.
"San mo sya dadalhin, nagkakasiyahan pa kami eh, hindi ba Juls?" sabi nya sa akin. Mas lalong kumunot ang noo ni Terrence, ako naman naguguluhan at nawiwirduhan.
"Psh, binabalaan kita Enzo," parang nagbibigay babala na sabi ni Terrence, ngumisi lang naman si Enzo.
"Ba't kaba nagkakaganyan huh? Parang hindi kana nagpapang-" hindi na naituloy ni Enzo yung sinasabi nya.
Ako din hindi ko na yun narinig ng bigla nalang akong higitin ni Terrence na sobrang bilis,halos yata pakaladkad na eh, kaya napatayo ako ng wala sa oras..
"I'm warning you Enzo," sabi ni Terrence. Bakit parang pinagbabantaan nya ang kaibigan nya.
"Huh???" kunot noo kong tanong, naguguluhan kasi ako sakanila, para bang silang dalawa lang yung nagkakaintindihan. Hindi ako sinagot ni Terrence at dumiretso lang kami sa paglalakad.
Ako naman muling lumingon kay Enzo na ngayon ay umiiling-iling.
Muli akong nagpatianod kay Terrence hanggang makarating kami dito sa labas, dun sa may swimming pool. Mabuti pa dito, kokonti lang ang tao.
Biglang may lumapit naman sa amin ng grupo ng mga kalalakihan.
"Who is she Terrence!" masayang bungad nung isang guy na sobrang cute dahil sakanyang magkabilaang dimple sa pisngi. Nag igting ang panga ni Terrence, at para na naman syang galit?
"She's my secretary Dave," walang kagana ganang sagot ni Terrence.
"Woah! Sexytary!" sabi nung isa na ngayon ay pinasadahan ako ng malagkit na titig mula ulo hanggang paa. Pinagsalubong ko ang kilay ko tsaka ko sya tinignan ng masama. Ngunit, walangya kinindatan nya pa ko, ang sarap bangasin ng isang to.
Narinig kong nagsimula ng magmura ng malulutong si Terrence, para syang pikon na ewan.
"Pakilala mo naman kami sakanya bro!" masayang sabi din nung isa, at mas lalo silang lumapit sa amin. Hinawakan naman ni Terrence ang kamay ko.
"Back off," mahinang sabi ni Terrence habang nakakunot padin ang noo.
"Ito naman! Pinagdadamot sekretarya nya, baka di mo lang sya secretary huh?" sabi nung Dave at tsaka nya ako nginitian. "Hi Miss, what's your name?" sabi nya ulit. Di naman ako makasagot, dahil distracted ako sa tingin ni Terrence, dun sa tingin nya parang gusto nyang wag ko silang itolerate.
"I'm Julienne," mahinang sabi ko nalang.
"Cute name! I'm Dave pala nice to meet you," sabi nya tsaka nya inilahad ang kanyang isang kamay, pero hindi ko pa man iyon natatanggap bigla nalang akong hilain ulit ni Terrence, kaya naiwang nakatiwangwang yung kamay nung Dave.
Naguguluhan nako sakanya. Hindi ko alam kung bakit ganun yung inasta nya dun sa mga lalake, para sya ngayong boyfriend ko na ayaw ipadampi ang aking mga palad kahit sa sino mang lalaki. Nawiwirduhan ako sa kinikilos nya pero at the same time, parang may masayang nagpaparty party sa puso ko.
He looks like a possessive boyfriend, napapikit ako tsaka umiling iling.
"Pag nilapitan ka ulit ng mga lalaking yon, never mo dapat sila ientertain? Nagkakaintindihan ba tayo?" aniya na para bang pinagsasabihan ako. Laglag ang panga ko dahil don.
"But why?" tanong ko. Bumuntong hininga naman sya.
"Basta, sundin mo nalang ako, mga gago ang mga yon. Tsk! never try to tolerate them again," sabi nya, may bahid ng galit. Halata, sa tono ng kanyang pananalita.
"Mukha lang naman silang nakikipagkaibigan Terrence, at tsaka ba't kaba nagkakaganyan? Anong big deal dun kung may kumakausap man na ibang lalaki sakin?" tanong ko, tapos kinagat ko ang aking labi, mukhang hindi nya alam ang isasagot dun sa tanong ko, napatigil sya.
"f**k it," sabi nya tsaka na sya ulit nagmura ng malulutong, mukhang iritado sya sarili nya. At para ding naguguluhan sya sakanyang ikinikilos. Ako din eh, naging possessive kasi sya bigla.
"This is not good, Not good, damn!" sabi nya tsaka sya umiling iling habang nakahawak sakanyang mukha.
Umalis sya bigla, iniwan nya kong mag isa habang confused at tulala.
This is not good, mariin nyang sabi kanina parang ayaw nya din yata sa mga wirdong kinikilos nya ngayon.
Nakita kong sumama sya sa kumupulan ng mga kababaihan, at dahil don parang piniga ang puso ko at para ding binuhusan ako ng malamig na tubig. Iniwan nya nalang ako bigla dito at sumama sa iba? Tss.
Napapikit ako at naglakad nalang palayo, ayoko syang tignan na masayang nakikipagharutan. Nasasaktan ako.