Chapter 05
Fake Friends
Terrence's POV
Naiwan akong tulala, pagkatapos akong iwanan ni Julienne, I can't believe na papalag sya, akala ko bibigay sya sakin.
Nag iwan ng tatak sa memorya ko yung sinabi nyang mahal nya daw yung dating ako, Psh! Ganon pala huh! Ibabalik ko yung dating ako, para bumigay ka sa akin Julienne, you can resist me I know that, You still f.cking love me. I know that.
Kailangan ko muna sigurong maging mabait sakanya, para mahulog sya sa bitag ko. Inayos ko ang ang sarili ko, bumuntong hininga pagkatapos lumabas nako ng CR na para bang walang nangyari.
Bumalik na ko kung saan kami nakaupo ni Enzo, he look so irritated right now.
Bumaling ang tingin ko kung san nakaupo si Julienne at yung kasama nya kanina, pero wala na sila! Umalis na siguro.
"Ba't antagal mo Terrence?" bungad ni Enzo saktong pagkaupo ko palang.
"Wala lang," simple kong sagot tsaka uminom muli ng beer.
"May ginawa kana naman kay Julienne no?" aniya na syang ikinagulat ko.
"Wala"
"Sus, nakita ko syang mangiyak ngiyak kanina, tapos nagmamadali syang umalis"
"Wala akong ginawa Enzo," sabi ko, suddenly biglang may lumapit sa akin na isang babae, napangiti ako.
"Can we dance?" pag aayaya nya, mabilis akong tumango at tumayo.
"Sure!" masayang sabi ko, at hinawakan nya na yung kamay ko, at nagsimula na kaming maglakad patungo dun sa mga alon ng tao na masayang nagpaparty-party, pero bago yun lumingon ako kay Enzo, umiling lang sya tsaka pagkatapos ay humithit ng sigarilyo.
Julienne's POV
Pagkatapos akong ihatid ni Luke sa bahay, nahiga nako at muli kong inalala yung nangyari kaninang nasa bar kami. Nakakainis si Terrence ba't ganun na sya ngayon? He's so evil. Basta nakakainis, nagbago na sya.
Hinalikan nya din ako bigla kanina, hindi ko alam kung bakit. Para syang naging playboy na jackass. Ganun ba yung nangyari sakanya simula nung hiwalayin ko sya? kung ganun nga, gusto ko mawala na tong nararamdaman ko sakanya, gusto ko ma fall out nako sakanya, ayoko na sa Terrence ngayon. Hindi na sya yung dati. Nakakainis!
Kinabukasan maaga akong pumasok, para wala namang masabi si Terrence, inasikaso ko na agad ang schedule nya ngayong araw. At mas naging mabuti ang pakiramdam ko nang malaman ko na sobrang busy sya ngayon, madami syang board meeting na inaattend. Nagtuloy-tuloy yun hanggang sa mga sumunod na araw.
Nakakausap ko lang sya kapag may ipapagawa sya o kaya may itatanong, ganun lang yung pag uusap namin, it's all about work nalang, wala nading nangyaring pag uungkat dun sa nangyari nung nakaraan. Yung ginawa nyang paghalik sakin, kinalimutan ko nalang yun, at mas lalo siguro sya, dahil sigurado akong wala na sakanya yun.
Hanggang sa isang araw, palabas na sana ako ng opisina nya para gawin yung mga paperworks na pinapagawa nya ng bigla nya nalang akong tinawag.
"Wait, Julienne," this time mahinahon ang tunog ng kanyang boses, hindi yung katulad ng dati na palaging nakakatakot ang tono ng boses nya.
Napatigil ako at marahan kong binitawan yung door knob at muling humarap sakanya.
"Yes sir?" magalang kong sabi. Hindi nakakunot ang noo nya ngayon. Anyare?
"Bakit hindi moko pinapansin this past few days?"
Nagulantang ako bigla dun sa kanyang isinaad. Hindi pinapansin? Teka, ba't nya yun nasabi?
"Pinapansin ko naman kayo Sir"
"No I mean, palagi mo akong iniiwasan," aniya habang magkasiklop ang kanyang dalawang kamay. Bakit gusto nya yata ngayon ay pinapansin? Iiniiwasan ko na nga, para di na nya ako mapag initan. Nawiwirduhan ako sakanya, para bang bigla nalang syang bumait?
"Huh??" para akong tanga nung sinabi ko yan, nawiwirduhan kasi ako sa kinikilos nya. Bigla syang tumayo mula sakanyang swivel chair at lumapit sa akin.
"Yung nangyari dun sa bar, nung mga nakaraang araw, I'm sorry about that," napakagat ako sa labi ko ng bigla nyang sabihin at ipaalala iyon. Gusto ko sanang tanungin kong bakit nya yon ginawa, pero mas pinili kong wag nalang magtanong.
"Ah, kalimutan nalang natin," sabi ko tsaka ako yumuko. Bumilis ang pintig ng puso ko, hindi ko alam kung bakit.
"Sorry talaga, Hm. Sorry din kung masyado akong naging harsh sayo, mainit lang kasi palagi ang ulo ko dahil sa stress, may gusto sana akong sabihin"
Mygod! mas lalong bumilis ang pintig ng puso ko, para bang matatanggal na ito sa dibdib ko.
"A-ano yun?" mahinang sabi ko at tumingala ako sakanya at nagkatitigan kami sa mata. Hinaplos nya bigla ang mukha ko, ramdam ko ang pag iinit ng mukha ko dahil sa ginawa nyang yon. Ano bang nangyayari ba't ba sya biglang naging ganito.
"Yung nangyari dati, nung mga bata palang tayo, gusto kong kalimutan na natin yun, at magsimula tayong muli bilang magkaibigan"
Laglag ang panga ko pagkatapos nyang sabihin yun, nag half open din ang aking bibig, seryoso ba sya don? Kamakailan lang kasi nung para syang tiger kung kamuhian ako, pero ngayon iba sya. Para sya na yung dati.
Siguro napagtanto nya na wala na dapat ikagalit dun sa nangyari sa past. Sana ganun nga, sana hindi lang to kaplastikan, pero mukhang hindi naman.
Napalunok ako, hindi ako makasagot, dahil hindi kasi ako makapaniwala, para bang nagpa process pa sa kokote ko yung kanyang sinabi.
"Ano pwede ba Julienne?" sabi nya ulit. Huminga ako ng malalim at sinabing;
"Sige," tama ba itong pagpayag kong maging magkaibigan? Pano na to? Feeling ko mas lalo lang akong mahuhulog sakanya, pero gusto ko kasi talaga eh, kesa naman sa strangers nalang kami diba?
Ngumiti sya bigla.
"Thanks, so we're friends now?" malambing nyang sabi at nilahad nya ang kanyang kamay, ngumiti din ako tsaka ko yun tinanggap.
"Friends," nakangiting sabi ko habang nakikipag shake hands sakanya, tama siguro to ang magsimula ulit kami, bilang magkaibigan at kalimutan na namin yung dati.
"Siguro naman di ka na takot sa akin ngayon?" aniya. Bigla ngang nawala yung takot ko nung naging mabait sya bigla eh.
"Hindi na," humalakhak sya bigla.
"Sorry kung natakot man kita nitong mga nakaraang araw, mabuti siguro kung kalimutan na natin yun huh?"
"Okay sir," sabi ko nalang. Umiling sya bigla.
"Remove the Sir, kaibigan na tayo right? Tawagan mo nalang ako sa pangalan ko"
"Pero boss po kita," mukhang nairita na naman sya dun sa sinabi ko.
"Psh! That 'po' remove that, Call me TERRENCE, ok? Walang po at sir?" ano pa ngang magagawa ko diba? Yun ang gusto nya diba. Napakamot ako sa ulo ko.
"Okay Terrence," nahihiyang sagot ko, baka kasi anong isipin ng iba pag narinig nilang tine Terrence, Terrence ko lang sya. Ngumiti sya pagkatapos ko namang sabihin yun.
"Good," sabi nya. Napangiti ako bigla at para ding nabunutan ako ng tinik sa lalamunan. Ano kayang nangyari ba't bigla nyang naisip na makipagkaibigan sa akin? Akala ko dati forever na syang galit dahil sa nagawa ko sakanya noon.
"So pwede na akong umalis para simulan na itong mga pinapagawa mo?" sabi ko, tumango sya at naghalf smile.
"Yep"
"Okay," sabi ko at tinalikuran ko na sya, at nakangiti akong lumabas ng kanyang office. We're friends na, di ko akalain. Pero itong puso ko, kanina pa ang bilis ng t***k, parang ang saya nya eh.
Terrence's POV
Napangisi ulit ako saktong paglabas ni Julienne ng aking opisina, easy as that! Nakuha ko ang loob nya, sabi na eh! Sabi ko na maging mabait lang ako ay lalambot syang muli sakin, eto na ang simula, simula na to kapag napaibig kita gagawin kuna yung plano kong iwan kita sa ere, katulad ng ginawa mo sa akin dati.
Akala nya talagang seryoso naman ako sa pakikipagkaibigan ah? Tss, hindi.
*ring* *ring*
Nagring ang phone ko kaya agad ko itong kinuha mula sa bulsa ko nakita kong si Enzo ito, kaya dali dali ko itong sinagot.
"Hello Enzo? What do you want? Ba't ka napatawad?" malamig kong sabi.
"Anjan paba si Julienne?" kumunot ang noo ko, ba't nya hinahanap si Julienne?
"Oo, pero paalis nadin siguro yun maya-maya, why?" kunot noo kong tanong.
"Hm, by the way, nagawa kuna ang unang step sa strategy kong paibigin sya, succesful Enzo," sabi ko ulit, nasamid sya bigla pagkatapos kong sabihin yun.
"Psh! Anong ginawa mo?" may bahid ng galit sa sinabi nya, I know that. Dahil alam kong hindi sya sang ayon sa plano kong paghihiganti kay Julienne.
"Easy, we're friends na Enzo, at pag naging close ulit kami, papaibigin ko sya at pag nangyari yun, gagawin ko na yung plano ko," sabi ko habang nakangisi, hindi ko maiwasang hindi mapangiti pag naiisip kong sa wakas makakaganti nadin ako.
"Tsk! Eto lang ang sasabihin ko ah Terrence, hindi sana sya ang mahulog sa bitag mo, sana ikaw, pero confident ako na ikaw ang mahuhulog, kaya good luck sayo," full of confidence nyang sabi. Tumaas na naman ang aking blood pressure after nya yung sabihin, hindi ko na sya sinagot at dali dali ko ng pinindot yung end call.
Hindi, never yun mangyayari, as in never!
Julienne's POV
"Trisha, alis na ko huh?" paalam ko sa workmate ko na ngayon ay babad parin sa mga paperworks nyang ginagawa, mabuti ako tapos na kaya pwede na kong umuwi.
"Oh sige! Ingat!" aniya tsaka na sya nagwave habang kumakaway, ganun din naman ang ginawa ko.
Paalis na sana ako ngunit bigla namang bumuluga sa harap ko si Terrence. Napahawak ako sa aking dibdib dahil sa gulat.
"Uuwi kana?" tanong nya, bago ako sumagot lumunok muna ko.
"Ah oo," mahinang tugon ko.
"Great, pauwi nadin ako, hatid na kita," sabi nya. Naku baka di nya ako maihatid, baka kasi si Luke ang maghahatid sakin eh. Napakamot ako sa ulo ko.
"Ah, wag na, hahatid naman ako panigurado ng kaibigan ko," sabi ko tsaka ako tumingin sa paligid, nakatingin sa min ngayon ang mga kapwa empleyado ko, nagtataka siguro sila, lalong lalo na si Trisha, binigyan nya ko ng, 'What is the meaning of this,' look. Kinabahan ako, baka anong isipin nila, tsaka wala din silang alam na may past kami nitong si Terrence.
"Aww, tinatanggihan muba ko Julienne?" sabi nya habang nakanguso.
Hindi na yata ako sanay na mabait ang pakikitungo sa akin ni Terrence.
"Oh sige, tetext ko nalang kaibigan ko na wag nya na akong ihatid," pagkasabi ko nun ngumiti sya. Kaya napapangiti din ako. Ano kayang nakain nitong si Terrence, bakit bigla nalang yata syang bumait ng ganito?
"Ok, so shall we?" aniya, tumango ako at nagsimula ng maglakad patungo sa labas, pero bago yun lumingon lingon ako sa paligid, hanggang ngayon pinagtitinginan padin nila kami. Baka anong masamang isipin nila, hindi nadin ako magtataka kung pagtsi-tsismisan nila ako.
Tinext ko si Luke na kung pwede wag muna nya akong ihatid ngayon, pumayag naman sya. Mabuti na yun para naman makapagpahinga sya sa paghatid sundo sa akin.
Pinagbuksan ako ng pinto ni Terrence, pinaupo nya ako dun sa passenger's seat. Pumasok ako ng mabilis, sana walang nakakita sa akin na pumasok dito sa kotse ni Terrence. Umikot sya at agad agad ding pumasok at umupo dun sa driver's seat, at nagsimula na syang magdrive.
"Gusto mo munang mag dinner muna?" tanong nya habang concentrate na nakatingin sa daan.
"Wag na, nakakain nadin naman ako kanina," mejo nauutal utal kong sagot. Dati nauutal ako pag kinakausap nya ko dahil sa kaba at takot, ngayon nauutal naman ako dahil sa hindi maipaliwanag na dahilan. Para akong na o-awkwardan na ewan.
"Oh okay, san ka kasi nakatira?" tanong nya. Oo nga pala! Hindi nya naman pala alam ang address ng tinitirhan ko, sinabi ko sakanya kung saan, at itinuro ko din yung daan.
"Ahh! Mag isa kalang bang nakatira dun Julienne?" tanong nya.
"Ah hindi, 2 kaming nakatira doon, dahil sa paupahan yon"
Para syang may iniisip pagkatapos kong sabihin iyon. Ngunit di ko naman mawari kung ano ang laman ng isip nya.
"Walang gumardian sayo after the death of your parents," natahimik ako sa tanong nya.
"Unfortunately wala, kaya ako nalang mag isa ngayon sa buhay, pero ayos lang, kaya ko namang buhayin ang sarili ko eh, may trabaho naman ako," sabi ko na akala mo hindi nahihirapan, sa totoo lang nahihirapan din ako, tumingin sya saglit sakin, mapupungay yung mga mata nya nung lumingon sya sa akin.
"Hindi ko alam na ganun yung nangyari sayo," sabi nya. Napakagat ako sa aking lower lip.
Hindi nako nakasagot dahil nakita kong nandito na kami sa tinitirahan ko.
"Ah thank you sa paghatid a Terrence, pero ngayon lang to ah? Nextime wag munakong ihatid pa, baka kasi anong isipin ng makakakita," nasamid sya bigla dun sa sinabi ko.
"May masama ba don? Masama bang ihatid ng boss ang sekretarya nya, pabayaan mo kung anong gusto nilang isipin, magkaibigan naman tayo right?" Eh kasi ayoko ng ganun, ayokong isipin nila na nilalandi ko ang boss namin, baka ganun kasi ang isipin nila, alam nyo naman ang mga tao.
Binuksan ko na yung pintuan ng kotse para lumabas na sana, pero bigla nya na lang hinigit ang kamay ko.
"Wait, Julienne!" sabi nya, napatigil ako at nilingunan ko sya.
"I just want to invite you, sa party sa bahay namin ngayong darating na weekend, I don't accept NO answer Julienne," sabi nya, di daw sya tumatanggap nang NO answer? So ano pang magagawa ko?
"Party??" tanong ko.
"Yes, pa-welcome party sa akin ni mommy at iintroduce nadin ako bilang new CEO ng RGOC," aniya, napanganga naman ako.
"Ah.. . Ahmmm," nag iisip pako kung dadalo ba ko o hindi kahit sinabi nya na dapat dumalo ako. Naghihintay sya ngayon sa sasabihin ko.
"Oh sige na nga!" sabi ko, alam ko kasing wala naman akong magagawa, kaya pumayag nalang din ako. Ngumiti sya pagkatapos kong sabihin yun.
"Great, aasahan kita doon Julienne," sabi nya habang nakangisi, tuluyan na akong lumabas ng kotse nya, bago ko isaradong muli yung kotse ay nagpagoodbye muna ako.
"Bye!" sabi ko habang ang lawak ng ngiti, napanganga sya habang tinititigan ako ng mabuti, kalaunan umiling iling sya at nag iwas ng tingin, at hinila nya na yung pintuan upang maisara ito.
Nagpabuntong hininga ako habang pinapanuod ko ang paalis nyang kotse. I still wondering kung bakit bumait sya bigla sa akin? Tapos may part din sa akin na nag uudyok na di tama ang ginawa kong makipagkaibigan muli sakanya, Hayyy. Kung ano ano iniisip ko. Mabuti nga yun, dahil sa wakas ayos na kami.