Chapter 04
Yung Dati
Terrence's POV
Pagkalabas ni Julienne, hindi padin mawala ang pagngiting aso nitong si Enzo, I don't like his smile, para bang nakakaloko.
"Distracted kaparin kay Julienne ano?" aniya, ngumiwi ako pagkatapos nya iyong sabihin.
"Bakit naman ako madi-distract aber?" sarkastiko kong sagot, habang nakairap parin sakanya, para syang don ngayon na nakaupo sa sofa ng office ko habang nakadikwatro.
"Nadidistract kaparin sa kagandahan nya! Kasi naman, walang pinagbago, maganda parin sya hanggang ngayon, those eyes s**t! She look a like a barbie, and her lips? Damn, ang sarap halikan-"
Narindi ako sa pinagsasabi nya kaya hinampas ko ng malakas ang mesa ko, para patigilin sya sa mga walang kwenta nyang pinagsasabi kay Julienne. I admit, maganda naman talaga sya, but who cares?
"Pake ko? At bakit mo yan sinasabi? at para sabihin ko sayo, hindi ako nadidistract, ganun lang talaga ako," bored kong sabi. Tumayo sya at nagpalakad-lakad sa office ko.
"Sus, kilala kita Terrence, don't deny it, huling tanong mahal mo parin sya right?"
Anak ng! Talagang ginagalit ako ng bwisit na to, sa galit ko linapitan ko sya para suntukin sana sya, pero mabilis nya akong napigilan, hinawakan nya yung kamao ko.
"Easy kalang! Hot tempered ka masayado, kaya ka nagmumukhang guilty eh!" aniya, nakakaloko na talaga to, bakit nya ba yun pilit na sinasabi? Tsk.
"Di kapa ba titigil? Babangasin na kita!" mabilis sya ulit nakaalig. Grrr
"Oppps.. Tama na nga, pikon na pikon kana eh!" sabi nya habang tumatawa at nakahawak sa tiyan, huminga ako ng malalim para magkontrol ng sarili at para kalmahin ang sarili ko.
"I'm going," sabi ko at inayos ko na ang mga gamit ko, at sinuot kong muli yung coat ko.
"Teka lang," sabi nya at mabilis nya kong sinundan, di ko sya pinansin at nagmamadali akong pumasok sa elevator, napigilan nya ang pagsara nito, kaya nakapasok parin sya. Inismid ko lang sya.
"Uuwi kana?" sabi nya.
"Oo," sabi ko ng hindi nakatitig sakanya.
"Wag muna!"
"At bakit?"
"Kaya nga kita pinuntahan ngayon, para yayain sanang mag bonding, mag bar muna tayo," pag a-aya nya, mabilis akong umiling.
"Ayoko, pagod ako Enzo, ikaw nalang," sabi ko, ngumuso naman sya tsaka sya nagkamot ng ulo, alam nyang hindi nya ako mapipilit.
"Okay, bukas nalang? Total naman ay linggo," aniya.
"Tignan ko," hindi ako sure, kase kahit na linggo, minsan ay madami paring ginagawa. Naging masyado akong busy simula nung mag graduate ako ng college, at lalo na ngayon ako na ang CEO ng kumpanya namin.
Tumunog na ang elevator, at lumabas na ako, nakabuntot parin sya sakin hanggang sa paglabas ko ng building. Napatigil naman ako sa paglalakad nang makita ko si Julienne na may kausap na iba, same as nung nakita kong lalaki kanina. Hindi ko alam kung bakit bigla na naman akong nainis, gusto kong mag iwas ng tingin. Pero hindi ko naman magawa, nakangiti si Julienne ngayon, para syang masaya. Para syang anghel pag nakikipag usap sa iba, pero kapag sakin palagi syang nauutal utal at palaging nakayuko, na para bang nahihiyang takot.
"Uh Oh!!" sabi ni Enzo tsaka sya pumito at nagpamulsa.
"Tsk, Tsk, Tsk," para syang butiki ngayon.
Bumaling ulit ang tingin ko kay Julienne na ngayon ay humahalakhak na.
"Akala ko bang aalis kana?" sabi ni Enzo, napalunok ako bigla, bakit nga ba ako hindi makaalis? At para ding gusto kong lumapit kanila at Julienne at guluhin sila sakanilang pag uusap nung kasama nyang lalaki.
Nagkunyari akong umubo, at tumingin sa kawalan. Pero kitang kita ko mula sa gilid ng aking mga mata ang pagngisi ni Enzo.
"Yung lalaking yon, si Luke Santillan, isang sikat na Fashion photographer, singer as well." sabi nya out of the blue at tinabihan nya ako. Hinarapan ko sya at pinagtaasan ko sya ng kilay.
"So? Tinatanong ko ba?"
"Asus! Parang gusto muna ngang itanong kanina kung sino yung kasama ni Julienne eh, pero don't worry Terrence, magkaibigan lang sila," sabi nya tsaka nya ako inakbayan, tinanggal ko yung kamay nyang nakapalupot sa akin.
"Tss, wala akong pake," ngumisi ako.
"Babagsak sya sakin, lalo na ngayon nalaman ko na may gusto pa sya sa akin, tamang tama gagamitin ko yun para paibigin syang muli, at dun na magsisimula ang plano ko," nakangisi paring sabi ko. Malapit na Julienne but now papahirapan muna kita, pero sa susunod gagawin kuna ang strategy ko. Makikipaglapit muli ako sayo, and get ready sa gagawin ko sayo.
"Tsk, you're evil Terrence, basta di kita kakampihan sa kung ano mang balak mong yan," sabi nya habang umiiling iling at iniwan nya nako at pumasok na sya ng kanyang kotse at mabilis na umalis.
Hindi mahalaga ang lalaking to, dahil confident naman ako na ako padin ang mahal ni Julienne. At gagamitin ko yun, para saktan sya katulad ng ginawa nya sa akin dati.
Nag abot na na ng kamay yung lalake, mabilis naman iyong tinanggap ni Julienne at pinasok nya na to sa loob ng kotse nya.
Dali dali din naman akong pumasok sa kotse. Hindi ko alam kung bakit ko to ginagawa, gusto ko talagang malaman kung san sila pupunta.
Nung makita ko ng nagsimula ng umandar yung kanilang sinasakyang kotse, agad agad ko din namang pinaandar tong sakin at sinundan ko sila.
Ang sabi ni Enzo, Luke Santillan daw ang pangalan ng kasamang lalaki ni Julienne, isang sikat daw na fashion photographer?
Kaibigan pala huh? Ba't parang higit pa sa kaibigan ang tingin ko sakanila? Bakit yung lalaking yun ang naghahatid sundo kay Julienne? Hm. Baka naman manliligaw nya??
Tsk, hindi pwede, kailangan bilisan ko na ang pagpapa ibig sakanya, kung maging sila man akong bahala, papaghiwalayin ko sila, hindi ka pweding maging masaya Julienne. Kailangan mo munang matikman ang sakit ng paghihiganti ko sayo.
Tumigil sila sa tapat ng isang maliit na bahay, kaya tumigil narin ako sa pagmamaneho.
Minasidan ko parin sila, unang bumaba yung lalake, umikot sya para pagbuksan si Julienne, psh. How gentleman.
Mabilis mahulog si Julienne sa mga gentleman, I know that kasi yun ang sabi nya dati, isa nga sa mga nagustuhan nya sakin yon eh. Dahil gentleman daw ako 'noon yun'. Ibabalik ko yun, sa mga susunod na araw, talagang magba bait baitan nako sakanya, tapos magsisimula na yung plano ko, I'm pretty sure na magtatagumpay.
Kumaway na si Julienne, mukhang nagpapaalam na, ganun din naman yung ginawa nung lalake, pagkatapos pumasok na sya ulit sakanyang kotse, naiwang nakatayo si Julienne habang nakangiting tinitignan ang paalis na kotse nung lalake.
Pagkaalis nung lalake, nagbabadya na syang pumasok sa loob ngunit bigla syang napatigil at lumingon lingon sa paligid nya, sht! ramdam kaya nya na may sumusunod sakanila?
Nakita kong tumingin sya dito sa kinaroroonan ko. Kumurap kurap sya, kalaunan ay nagkibit balikat din at pumasok na ng tuluyan dun sa loob.
Nung nakapasok na sya, bumaba ako ng kotse ko, tumigil ako nung nakarating ako dito sa bahay kung saan nakita kong pumasok si Julienne.
I can't believe this, dito na sya nakatira ngayon? Oh god! Di ako makapaniwala, san na kaya napunta yung bahay nila na may tatlong palapag? It's true naghirap nga sila, lalong lalo na sya. Secretary nalang nga kinabagsakan nya eh.
Baka nga nangungupahan lang sya sa bungalow na bahay na to, ngumisi ako at nagpamulsa habang nakatingin parin sa tapat ng bahay, Nakakatuwa, simula palang yan ng paghihirap mo Julienne, sigurado ako pagkatapos maging successful ng plano, sigurado ako na mas lalo kapang magdudusa. All I need to do, ay simulan ko na iyong plano ko.
Umalis nako don, at nakangisi paring pumasok sa loob ng kotse ko at nagsimula na akong magdrive upang makaalis na sa mabahong lugar na yon.
Kinabukasan. . .
Julienne's POV
Dahil sa day off naman ngayon, pumayag nako sa pag iinvite ni Luke na magbonding muna, pumayag naman ako kasi ilang araw nadin naman akong stress simula nung sumulpot bigla si Terrence eh, buti nga hindi kami nagkita ngayon.
"Ah Luke where we are going ba?" tanong ko, habang sya naman ay concentrate sa pagmamaneho.
"Sa bar you want?" aniya at sumulyap nang bahagya sa akin, sabagay ano bang mapupuntahan pag ganitong gabi na, bar naman diba? Tumango ako tsaka sinabing;
"Okay, pero sandali lang tayo huh? May pasok pa kasi ako bukas eh."
"Walang problema Julienne, by the way ayaw mubang magresign sa pag se secretary mo? Sayang yung pinag aralan mo, tapos secretary lang ang bagsak?" Ngumuso ako dun sa sinabi nya, gustuhin ko man walang tumatanggap sakin eh. Wala akong choice.
"Alam mo naman yung dahilan dun diba Luke? Walang gustong tumanggap sa akin dahil sira ang image ng pamilya namin, kahit na ngayon, kahit na patay na si daddy, yung issue sakanya ay nanjan parin, kaya nga ako ang pinag iinatan eh," sa totoo lang kung may choice aalis nalang ako dito sa Pilipinas. Kaso san naman ako pupunta diba?
"Aww, sorry Julienne sayang lang kasi, nanghihinayang ako," aniya na may bahid ng pagkalungkot ang kanyang binitawang salita, I know na itong si Luke ay nahahabag sa akin, kaya nya palagi akong tinutulungan, kaya nagpapasalamat ako dahil may kaibigan akong katulad nya.
"Okay lang, pero salamat Luke dahil napakabuti mong kaibigan," sabi ko, humarap sya ulit ng saglit tsaka nya ako nginitian.
Makalipas naman ang ilang sandali ay nakarating din kami sa isang pinakasikat na bar na nagngangalang, Beer Carten, sobrang bongga dito, sa labas palang ah wala ka ng masabi, mukhang exclusively for rich talaga.
"We're here," sabi ni Luke tsaka nya na ako inakbayan, napayuko ng dahil don, ang bigat kasi ng kamay nya eh.
"Uh Luke, this is my first time here," sabi ko naman.
"I know kaya kita dinala dito eh, tsaka matagal tagal nadin tayong di nagba-bonding together," tama sya don, kaya nga pumayag ako ngayon eh, papasok palang kami andami ko ng artistang nakitang papasok at palabas, talaga ngang sikat siguro talagang bar na ito.
Pagpasok namin, napanganga ako ng bahagya nang makita ko ang ambians nitong place, sobrang ganda. Andaming tao ngayon, siguro dahil ay linggo.
"Dun tayo Juls," sabi ni Luke at mabilis nyang hinigit ang aking kamay. Salita ng salita ngayon si Luke, ngunit wala naman akong maintindihan dahil ang lakas kasi ng tugtog ng music eh. Tumatango nalang ako.
Nung makarating na kami sa aming uupuang pwesto, napalunok at nangatog na naman ang mga binti ko sa aking nakita.
Shit. Terrence is also here! Kasama nya si Enzo at pareho silang may katable na babae, hindi nya pa ako napansin dahil busy sya sa pakikipaglandian dun sa babae, nag uusap sila habang hinahaplos haplos nya yung hita nung babae, napapikit na naman ako nung makita ko iyon. Parang nawala ang pagkaexcite ko nung makita ko sya, parang ang gusto kong gawin ngayon ay ang umuwi nalang, kaso nakakahiya naman dito kay Luke kung mag yayaya akong umuwi.
"Ba't natahimik ka jan? Umupo kana!" sabi ni Luke, bumuntong hininga ako at dahan dahan akong umupo, at nag iwas ng tingin kanila Terrence.
Napatingin ako bigla kay Enzo, umiinom sya ng beer pero bigla syang napatigil at nag half open ang kanyang bibig ng makita nya ako.
Gulat sya, dali dali syang sumitsit kay Terrence, di ko alam kung ano yung sinabi nya, pero sapalagay ko ay sinabi nya dito, na nandito din ako. Nagkatinginan kami ni Terrence na ngayon ay poker face lang, as usual palagi naman syang ganyan, laging matabang, bored at galit pag ako'y kanyang tinitignan. Never nya pa nga akong nginitian eh.
Dahil sa magkaharapan ang pwesto namin, hindi talaga maiwasang di ako mapatingin sakanila, di ko na tuloy napapansin itong si Luke na ngayon ay busy na sa pagtumba ng beer na nakalagay sa malaking beer mug.
"Juls, inom kana, but drink moderately," aniya, tumawa naman ako ng bahagya.
"Sira, ikaw dapat ang drink moderately, di ka pwedeng malasing ihahatid mupa ko!" sabi ko, bigla syang tumawa ng malakas, kaya natawa din ako. Nakakatuwa kasi pag tumatawa sya, nakakatawa ang tawa nya.
"Ikaw ang dapat hindi maglasing Julienne, tsaka kung malasing man ako, maipagdadrive mu naman ako right? Dahil sa marunong ka naman," aniya habang tumatawa parin, napatingin ulit ako kay Terrence na ngayon ay ang talim ng titig sa akin, magkasalubong ang kanyang mga kilay, nawala tuloy ang tawa ko sa labi nung makita ko ang tingin nyang yon, di na ko nakasagot dun sa sinabi ni Luke, agad akong lumagok ng beer inistraight ko ito, pagkatapos nun tumagilid ako para harapin si Luke.
"Naks, lakas mo palang uminom!" aniya habang nakangiti.
"Eh beer lang naman yan eh, kaya kering keri kong lagukin yan!" sabi ko with full of confidence. Kahit na sa ginawa kong pag straight kanina ay nakaramdam ako ng bahagyang pagkahilo. Natetense kasi ako sa mga titig ni Terrence kaya ko yun nagawa.
"Sabi ko ng drink moderately diba?" sabi nya. Tinawanan ko lamang sya.
"Madalang lang to Luke," sabi ko at muling lumagok ng beer, basta gusto kong gawin ngayon ay uminom nalang, para matigil tong paghaharumentado ko sa hindi maipaliwanag na dahilan.
Napatingin ako ngayon ulit sa kinaroroonan nila Terrence at Enzo, wala na si Terrence at yung kasama nyang babae na hinahaplusan kanina, si Enzo nalang ang natira! Nasan kaya sya? Tsk! Malamang Julienne, nagpaparty na yun sa hotel! Arggh! Naiinis ako, ba't ba naging playboy ang tahimik na Terrence dati!
Iba ibang babae palagi ang kasama nya.
Hindi maalis ang titig ni Enzo sa akin, ewan ko kung bakit, nadidistract din ako sa Enzo na to, hindi ko kasi mabasa ang sinasaad ng utak nya, wirdo sya. Ewan ko ba sa magkaibigang yan, ang laki ng pinagbago. Naiilang na talaga ako sa mga titig ni Enzo kaya nagpaalam muna ko kay Luke na mag c-cr muna.
"Luke, cr lang ako," pagpapaalam ko, tumango sya, kaya umalis nako, dumaan ako sa pwesto nila Enzo na ngayon ay nakatingin parin sakin habang nakahawak sakanyang baba.
Napakagat ako sa labi at huminga ng malalim at linagpasan ko na sya para magpunta sa CR.
Papasok palang sana ako ng CR for girls, ng makita ko naman bigla si Terrence na lumabas mula sa CR ng mga lalake, napatigil din sya nung makita nya ako
Nagkatinginan kami saglit, pero mabilis lang yun, lumunok ako at pumasok nako ng CR ng mga babae.
Anu ba yan kala ko umalis na sya! Nag CR lang pala! sabi ko sa isip ko tsaka ko pinaypayan ang aking sarili.
Pumasok na ko dun sa isang cubicle, pero hindi ko pa man ito nasasarado biglang bumuluga sa harap ko si Terrence! Oh my god! Pumasok sya dito!
"Bat ka nandito! Di ka pwede dito, lumabas ka nga!" galit kong sabi, hindi sya nagsalita at tinulak nya ako, at pumasok din sya ng tuluyan sa cubicle at sinarado nya to, kinabahan ako sa ginawa nya.
"What the f**k Terrence, why are you here!" galit kong sabi, nanlilisik ang kanyang mga mata ngayon, hindi sya nagsalita, at bigla nya na lang akong hinalikan ng sobrang diin, nakahawak sya sa ulo ko ngayon talagang dinidikit nya ang kanyang sarili sakin, hindi ko sya maitulak.
Pero hindi ko alam kung saan ako nakakuha ng lakas at malakas ko syang naitulak at nakawala ako sakanya.
"Putangina!" napamura ako ng malutong dahil sa inis, nagkagulo gulo ang buhok ko ngayon dahil dun sa ginawa nya! Anu bang nangyayari sakanya!
"Bakit ayaw mong halikan kita?" sabi nya ng nakangisi na para bang nakakaloko.
"Akala ko magugustuhan mo," sabi nya ulit.
"f**k you ka Terrence! Baliw kana," sabi ko at nagbabadya na kong lumabas ng cubicle pero mabilis nyang nahawakan ang kamay ko ng sobrang higpit.
"Ano ba! Nasasaktan ako!" sabi ko habang tintanggal ko ang kamay nyang nakahawak ng mahigpit sa kamay ko.
"Sino ba talaga yung kasama mo huh!" matigas nyang sabi, si Luke yung tinutukoy nya! Bakit ba sya interesado ngayon kung sino man ang kasama ko.
"Wala kana don!" sabi ko at sa wakas nakapiglas din ako, ang sama ng tingin ko sakanya ngayon habang humihingal.
"Diba sabi mo mahal mupa ko?" sabi nya. Tama sya mahal ko pa sya.
"Mahal ko ang dating Terrence, hindi yung Terrence ngayon," mariin kong sabi, natulala sya dun sa sinabi ko, tinalikuran ko na sya at padarag kong sinarado yung pintuan ng cubicle at nagmartsa ako palabas.
--------------------