Chapter 5: Run With Me

653 Words
Isang linggo na kami sa trabaho at feeling ko nasa edge ako lagi ng pag-iyak at pag-alis pero dahil sa sweldo, lumalaban ako. “Ako? Hindi ko akalain na makakaraos ako ng isang buong linggo nang hindi nagkakanda-palya ang eyeliner ko,” proud na sabi ni Jessica habang naglalakad kami palabas ng mall sa BGC. “Ako? Hindi ko akalain na makaka-survive ako ng limang araw nang hindi ako nagwawala sa pagod. Pero dahil Saturday ngayon, ulol na ulol ako sa freedom,” drama ni Tuff, hawak ang milk tea. Tumawa ako, mabigat man ang katawan ko, magaan naman ang pakiramdam ko. Somehow, this week made me feel like I’m finally starting over. “Min, proud kami sa’yo,” sabi ni Jessica. “Dati, iyakin kang bride. Now? Office girrrl.” “Office girrrl na may gwapong boss,” dagdag ni Tuff habang kumikindat. “Pero may konting sungit at pagkamurderous. But still… HOT.” Hinampas ko siya sa braso. “Mag-behave ka baka ipatawag ka ng HR.” Nagpahinga kami sa isang outdoor café, tumatawa at nagkukwentuhan nang may biglang tumawag sa akin mula sa likuran. “Mindy?” Napako ako. That voice. Unti-unti akong lumingon… at nakita siya. Si Steven. Suot pa rin ang pamilyar niyang ngiti na dati kong kinahuhumalingan. Kasama niya sina Val, Kia, pati si Dana na nanlalaki agad ang mata nang makita ako. Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Tumigil ang mundo ko pero hindi sa magandang paraan. “Mindy…” Lumapit siya. “Pwede ba kitang makausap?” Napalunok ako. Sobra ang bilis ng t***k ng puso ko… pero hindi dahil sa tuwa. “Wala na tayong dapat pag-usapan,” mahinahon kong sagot, kahit nanginginig ang kamay ko. “Mindy, please. I was wrong. I’m sorry. Let me explain.” Lumapit pa siya, sobrang lapit. Ramdam ko ang mga matang nakatingin sa amin. Ramdam ko ang mga ala-alang pilit kong inililibing. “Min…” tawag ni Jessica, inaabot ang kamay ko. Pero hindi na ako nag-isip. Tumakbo ako. Hindi ko na inalintana sina Jessica at Tuff na naiwan. Hindi ko na naisip kung saan ako pupunta. Ang alam ko lang, ayoko makita si Steven. Ayoko marinig ang paliwanag niya. Ayoko nang masaktan. Kaya tumakbo ako… palayo... hanggang... May isang pamilyar na lalaki ang lumabas sa isang mamahaling restaurant sa harapan ko. Si Xander. Galit ang mukha niya. Parang kakaputok lang ng bulkan. Masyado na kong malapit sa kanya kaya hindi ko na nagawang magpreno. Tumama ako sakanya. Pero hindi kami tumumba. Lalong namula ang mukha ko dahil sa pagsakto ng mukha ko sa dibdib niya. Nakita ko ang akma niyang pagtulak sana sa'kin kung hindi lang nagtama ang mga mata namin. Gulat siyang nakatitig sa'kin. Nagbago ang expression ng mukha niya. Nawala 'yung galit. Napalitan 'yon ng pag-aalala. “Sir Xander! Please, wait! You need to go back inside!” May dalawang lalaki. Mukhang butlers, hinahabol siya. Hindi ko alam kung anong nangyayari pero parang may malaking away na naganap sa loob. “Mindy?” Mahina pero malinaw niyang tawag. “Sir, the Chairman wants—” Pero bago pa nito matapos ang pangungusap, hinawakan ni Xander ang kamay ko. Mainit. Madiin. Parang ayaw niyang pakawalan. “Run.” “Ano—” Hindi na ako nakapagtanong. Hinila niya ako palayo, mabilis. Tumakbo kami. Tulala ako pero sumusunod ang mga paa ko sa bilis niya. Para kaming hinahabol ng mundo, ang past ko sa likod ko at ang pamilya niya sa likod niya. “M-Mr. Monteverde?!” Halos mahulog ang boses ko habang tinatakbo namin ang sidewalk. Hindi siya tumingin sa likod. Hindi niya binitawan ang kamay ko. “Keep running, Ramirez.” Humigpit pa lalo ang pagkakahawak niya. Parang ako ang lifeline niya at siya ang lifeline ko. Hindi ko alam kung saan kami pupunta. Hindi ko alam kung bakit kami tumatakbo. Pero sa mismong oras na ’to… Mas natatakot akong bumitaw sa kaniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD