“Hoy, babaita! Bilisan mo. Baka mauna pa sa’tin ’yung eroplano,” sigaw ni Jessica mula sa pinto.
Nagmadali akong mag-ayos. Last look in the mirror...
Yup. Still cute kahit broken inside.
Habang naglalakad kami papunta sa check-in counter, hindi ko mapigilang lumingon-lingon sa paligid.
Gusto ko sanang makita si Xander. Hindi ko alam if pagdadahilan lang 'to pero gusto ko sanang mag-thank you sa kanya sa pagtulong noong nakaraan.
Pero hindi ko siya makita.
Baka kasi andito pa siya.
Baka… makita ko pa siya bago umuwi.
Pero hanggang pag-akyat ng plane…
wala. Sumuko na ko nang umandar ang eroplano at natulog na lang.
Maybe the stories about that enchanted cave aren’t true after all.
Pagdating ng Manila, balik sa reality. Balik sa problema. Tinext ko lang ang parents ko na nakabalik na ko sa condo.
Masakit pa rin kasi. Nahihiya ako at hindi ko sila matignan sa mga mata nila.
Alam ko. Nasasaktan sila para sa’kin.
Kaya gusto ko ring mag-heal na.
Gusto kong ipakita sa kanila na okay na ’ko. Na wala na silang kailangang ipag-alala.
“Bes, final na ’to ha. Nakikinig ka ba?” tanong ni Jessica habang nasa café kami malapit sa condo ko. “Na-click ko na. Napasa ko na ’tong mga resume natin at bukas may interview na agad.”
“Alam niyo, hindi niyo naman ako kailangang samahan. Sayang lang ’yung dati niyong work.”
“Hindi naman kalakihan ang sweldo namin do’n.” Puno ng burger ang bibig ni Tuff.
Natawa kami ni Jessica. “Ang takaw talaga.”
“Sabay-sabay tayong magiging rich!” determinado si Tuff.
“At ihahanap natin do’n ng jowa si Minmin!” dagdag ni Jessica.
Nangiti na lang ako habang naiiling. Hindi na ko umalma kasi lagi silang nandiyan para sa'kin.
Kinabukasan, maaga kaming gumayak. Nagsuot lang ako ng simple white blouse and black pants.
Simple pero mukhang smarty tignan.
Nag-jeep lang kami.
“Girl, wala bang Grab? Dapat nag-taxi na lang, eh. Interview tapos pawisan tayo,” reklamo ni Tuff habang nakakapit sa handrail.
Pagdating namin sa harap ng building na pupuntahan namin, napamulagat kaming tatlo.
Malaki.
Mataas.
Glass everywhere.
Mukhang may sariling weather system sa loob.
“Bes…” bulong ko kay Jessica.
“Dito ba talaga tayo nag-apply?”
“Gagi, katakot,” tulalang sabi ni Tuff habang nag-aayos ng buhok. “Totoo bang pwede tayong pumasok dito? Hindi ba required ng mayaman face?”
“Tara na. Ang dami niyong sinasabi.” Hinila niya kami ni Tuff.
Napatingin ako sa malaking logo.
Monteverde Empire Corporation
International level.
Bigla akong kinabahan para sa interview.
Si Jessica ang nagtanong sa information habang kami ni Tuff ay nanatiling parang bodyguards sa likod niya.
Napahawak kamay kami ni Tuff nang may sumigaw:
“CEO on the way! Make room!”
Nagkagulo ang mga staff. Nagsitabi lahat ng tao.
Para kaming nasa red carpet pero… hindi kami invited.
Then…
Tall.
Serious.
Impossibly handsome.
Walking straight with his suit and those broad shoulders.
At nag-freeze ako.
“Xander…”
Parang tumigil ang mundo ko nang magtama ulit ang mga mata namin.
For the second time.
Mas lalo akong napakapit sa braso ni Tuff.
Mula sa pagkakahawak niya sa isang kamay ko, pumanik pa ang isang kamay ko sa braso niya.
Para akong batang nahihiya.
Kumakabog nang malakas ang dibdib ko.
He looked away saglit… pero bumalik ulit ang tingin.
Diretso sa’kin.
As in, direkta!
Pero hindi siya tumigil sa paglakad.
Straight ahead.
Like a king ignoring peasants.
At ako… mas lalong nanginginig ang mga tuhod.
“Oh my gosh,” bulong ni Tuff.
“Siya ’yung pinagpapantasyahan natin sa beach, ’di ba, Jess?”
Napahawak ako sa dibdib ko.
Bakit ang lakas ng kabog?
Kinurot ako ni Jessica. “Mindy, breathing ka pa ba?”
Hindi ko alam ang isasagot.
Hindi ko alam ang nararamdaman ko.
“Minmin, masakit na ha?” reklamo naman ni Tuff nang humigpit pa lalo ang kapit ko.
Napaatras ako. Hawak pa rin ang dibdib at hindi makapaniwala.
Sa dami ng kumpanyang pwede kong pag-applyan… dito pa talaga sa kumpanya niya.
“Tignan mo, Jess. Parang pusang kumapit sa’kin.”
Tinawanan siya ni Jessica. “Hayaan mo na. Kinakabahan lang ’yan sa interview. Tara na kaya?”
“This way po, sa applicants room.”
Sinundan namin ang guard.
Habang naglalakad, grabe ang bilis ng t***k ng puso ko. Nakakainis.
Pagpasok namin sa malaking room. Nagulat kami sa dami ng applicants.
Lahat mukhang model, lahat mukhang may backer at lahat mukhang may pambili ng buong condo namin.
Kami? Fresh… fresh from the jeep.
“Girl, parang nag-catwalk sila,” bulong ni Tuff.
“Confidence lang ’yan!” sagot ni Jessica. “Tayo ang magdadala ng kagandahan dito.”
Nakaupo na kami nang tumunog ang mic.
“Applicants for Marketing, first batch. Follow me.”
Kinabahan si Jessica pero kumaway muna. “Wish me luck.”
“Good luck!” sigaw ko.
After a few minutes, lumabas ang HR staff.
“Next batch, HR Department applicants.”
“Good luck, bakla! Huwag kang ma-in love agad sa manager, ha,” sabay kindat ko.
“Sasali ako sa chika kapag gwapo!”
Flying kiss pa bago pumasok. Kalat talaga.
Ako na lang ang naiwan. Mas lalo akong kinabahan.
Executive Assistant position.
“Bakit ba ’yon ang inapplyan ko?!”
Meaning… ako ang magiging kanang kamay ng CEO.
Lagi ko siyang makakasama.
Bakit ko ba ’to pinasok?!
“Executive Assistant applicants, please follow me.”
Dalawa lang kami sa batch.
’Yung kasama ko, kala mo beauty queen.
Habang naglalakad siya, napatingin ako sa sarili ko sa glass walls.
Hamak na mas maganda siya sa ’kin.
“Well… mas okay na sigurong hindi mapasok,” bulong ko sa sarili.
Pinapasok kami sa eleganteng meeting room. May malaking glass window overlooking the city, may long table at may naka-set na documents.
And then…
The door opened.
Everyone stood up.
Well… kami lang palang dalawa.
Ako at si Miss Universe.
“Good morning, Mr. Monteverde.”
Omg.
It’s really him.
Akalain mo ’yon? Masyado siyang ginagalang dito tapos ako... pinagtanggal ko lang siya ng linta nung nakaraan!
Nakakahiya talaga!
Xander walked in wearing a black suit. Mas gwapo siya sa liwanag ng building at sa sinag ng buwan kagabi.
Bawat hakbang niya, nate-tense ako nang sobra.
Umupo siya sa head of the table.
Pag tingin niya sa amin…
Napatingin siya sa akin.
Tumigil ang mundo.
Parang may binibilang siya sa mukha ko. Parang may iniisip siya tungkol sa akin.
Pero—
Wala.
Walang reaction. As if I’m a complete stranger.
At dun… may kumurot ulit sa puso ko.
Hindi ko alam kung dapat ba masaya ako na hindi niya ko kilala…
o masaktan dahil hindi niya ko maalala kahit hinubad ko pa ’yung damit ko sa harap niya dati—
DAHIL SA LINTA!
“Name?” diretso niyang tanong habang nakatitig sa’kin.
Parang tinuhog ako ng tingin niya sa upuan ko.
“M-Mindy… Ramirez.”
Mas lumalim ang ngisi ng beauty queen sa tabi ko. Parang sinasabi niya: wala ka nang pag-asa, girl.
He nodded slowly. Then his gaze moved down—to my hand.
He blinked. Mas lumamig ang tingin.
“Congratulations. Both of you… are hired.”
WHAT????
“This is your orientation schedule. HR will introduce you to your respective departments.”
I stared at the paper like it’s a wedding invitation.
“H-hired po agad?” bulong ko, sabay tingin sa katabi ko.
Paanong hired eh hindi pa nga ’to nagpapakilala? Ako pa lang!
Mas lumamig pa ang boses niya.
“You’ll start tomorrow. Don’t be late. I hate that.”
Pagbalik ko sa waiting room.
“AAAAAHHHH! Hired na tayo girl!”
sigaw ni Jessica, yakap ako agad.
“Dahil diyan, sagot ko ang dinner!”
sigaw ni Tuff, tuwang-tuwa.
Pero ako… hindi pa rin makagalaw.
Bakit ba parang may mali?
“Teka Mindy… di ka ba masaya?”
tanong ni Jessica, nag-aalala.
Unti-unti akong napangiti.
“Masaya ako. Actually, pumasa naman kami nang walang interview.” Tinuro ko ang babae na kasama ko kanina.
“Nagandahan lang sakanya, napasok na agad kayo? So playboy pala ang CEO?”
“Hoy, hindi gano’n si Xander ha!”
wala sa sarili kong sagot.
Nagulat sila. “Ay, close agad?” biro ni Tuff.
“Ano ka ba… mukha naman siyang okay. Baka busy lang kaya basta na lang kaming i-hire. Mayaman kasi sila kaya siguro kaya niyang magpasweldo ng marami.”
Namula ako kaya lalo nila kong niloko.
Bago umalis, napatingin ako sa pintuan ng meeting room. Nandun pa rin siya sa loob…
Talaga bang… hindi niya ’ko nakilala?