LENZY'S P O V " S'yempre dahil mga barako kami ay dapat lamang na maging Boy iyan! Kaya, boy! Boy! Boy! " wika ni Von kaya sumunod namang sumigaw ang mga lalake sa kanya " No! Girl iyan! Girl! Girl! Girl! " Kontra naman ng isang pamangkin ni Franco na pinag sabihan ni Von na mag palit ng swimsuit noong nasa resthouse kami sa Zambales. Wala na kaming balita tungkol sa kanilang dalawa o inililihim lamang nila? Naki- cheer na rin ang mga babae sa pamilya. S'yempre, hindi na nakiki- join sila Krystle at Virgo dahil alam na nila ang gender ng baby namin. Natatawa na lamang kaming mag- asawa sa kanilang asaran. Nasa harapan na kami nang ginawa ng ni- hire naming Designer na tila stage na mababa. Nakatayo naman na sila at paikot sa aming harapan na may mga hawak na mahahabang balloon na k

