THIRD PERSON P O V " Aaahhhh! Babe! Masakit na ang tiyan ko! " naka ngiwing sigaw ni Lenzy sa asawa, naka sapo ang mga kamay n'ya sa bilugang tiyan. Hindi tuloy s'ya maka hakbang patungo sa swimming pool kung nasaan ang buong family nila. Galing kasi s'ya sa banyo para umihi, sinamahan naman s'ya ng kanyang Mommy. " Naku, anak! Baka manganganak ka na!? " bakas na sa bata pa ring mukha ni Luzy ang takot at the same time ay excitement din. Natigil naman sa masayang kwentuhan ang pamilya, sa gilid nga ng pool. Nag- barbeque party kasi sila kaya napa lapit silang lahat sa mag- inang nahinto sa paglalakad. " Huh!? " " Manganganak ka na, Babe!? " " Buhatin mo para madala sa ospital! " Komento ng mga naka paligid sa kanila na pawang mga basa dahil nga naliligo sila sa pool. " Iha

