LENZY'S P O V LENZY'S P O V " Ssshhh! Relax, anak, baka makasama sa iyo ang pagiging emotional mo!? " awat ni Mommy sa pag hagulgol ko, panay ang hagod din n'ya sa aking likod habang magkayakap kami. " Samu't saring emosyon na po ito, Mommy, Daddy, hindi ko po kasi talaga akalain . . . na may ganito pa palang pangyayari sa totoong buhay. . . . Tila kasi sa movie or teleserye ko lamang ito napaanood. " sumisinghot at humihikbing paliwanag ko pa, may ngiti naman sa kanilang mga labi subalit may mga luhang matatanaw sa gilid ng kanilang mga mata. Confirm na kasing buntis ako ng limang linggo, kaya naman may ipinag tapat sila sa akin na magpapa bago ng buhay namin ng pamilya Buenaventura. Kaya naman nasambit kong pang movie ang aming kapalaran. " Kasi naman po kung hindi n'yo pa nala

