FRANCO'S P O V FRANCO'S P O V " Pwede ba Kristine tantanan mo na ko! Napatawad na kita, ano pa ba ang kailangan mo!? " galit ko nang wika sa aking dating kasintahan, kahit saan kasi ako magtungo ay sunod nang sunod. " Hindi lang naman kasi ang forgiveness mo ang kailangan ko, pwede pa naman tayong magka balikan, 'di ba!? " pangungulit pa nito " Hindi na nga! Bakit ba ang kulit mo!? " inis ko pang wika " Wala ka namang girlfriend e! Bakit hindi pwede!? Ang balita ko pa nga ay mula ng mag- break tayo e wala ka namang naging kasintahan? " pang- aakit pa nito dahil hinagod ng dulo ng daliri n'ya ang malapad kong dibdib pababa sa abs ko, kaya naman pinigilan ko na ng kamay ko tsaka ko padaskol na binitawan. Dahil balak pa niyang ibaba sa pagka lalake ko ang kanyang kamay. Hindi na na

