CHAPTER - #07

1939 Words
'' THE TASTE OF SIN '' By :" Ms. Alejos "       KINABUKASAN kagaya nang routine ni Samantha.. Maaga syang papasok sa stasyong pinagtatrabahuhan.. Ganito na ang kanyang pang-araw-araw na buhay. Kung minsan nagsasawa na din sya, nagsasawa na maghintay kung kelan darating ang taong aahon at magpapatikim sa kanya nang rangya nang buhay..   "Hindi ka ba sasama mamaya, birthday ni Boss ah.." wika sa kanya nang kapwa nya dancer nang matapos ang show nila.. Inirapan nya lang eto, isa kase eto sa mga nanloko sa kanya nang gabing nalasing sya..   Lumabas sya nang estasyon nang, nang di na rin nag-paalam sa kanyang boss. Plano nyang bigyan nalang eto nang regalo bukas, may usapan pa kase sila ni Raffy. Isa pa wala din naman syang maibubuga doon tyak na sosyalan at pakikipag-plastikan nanaman ang magiging usapan sa party..   Nag-aabang sya nang taxi, pupunta muna sya sa Mall para mabilhan nang regalo ang kanilang boss, wala man sya pang engrandeng regalo kahit simple nalang ang kanyang bilhin. Isang sasakyan ang huminto sa kanyang harapan. Sasakyan ni Raffy iyon..   "Hi! Akala ko di na kita maabutan eh.." bungad ni Raffy..   "Eto oh naabutan mo ako, anong kailangan mo..?" iritang sagot ni Samantha..   "Hatid na kita, may hinatid kase ako banda dito sa lugar na eto kaya dinaanan na kita.. Nagbaka sakaling nandito ka pa.." sagot ni Raffy..   "Okay. Since gusto mo ako ihatid di na ako magpapakipot pa.. Idaan mo muna sa malapit na mall may bibilhin lang ako.." sagot naman ni Samantha..   "Okay sige.. Let's go..!" masayang aya ni Raffy sa dalaga..   Ganun nga ang ang ginawa nila dumaan sila sa isang malapit na mall. Naghahanap nang painting si Samantha, mahilig kase ang boss nila mangulekta nang painting.. Ngunit halos lahat mahal ang nakikita nya..   "Mahal ba? May ebebenta ako sa'yo tyak na magugustuhan mo ang presyo at magugustuhan din nang pagbibigyan mo.." alok ni Raffy nang mapansin nyang panay ang hanap nang dalaga nang medyo mura..   "Asan? Gusto kung makita.." sagot naman nang dalaga..   "Nasa location nang painting area natin.. Mamaya makikita mo.." tila pagyayabang naman nang binata..   "Siguraduhin mo lang na maganda at wala na akong panahon pang muli na bumalik mamaya nang Mall.." wika ni Samantha..   "Garantisado gawa ko yun eh.." pagyayabang nang binata..   "Okay. Yabang! Sige na umalis na tayo.." si Samantha..   Unang tinungo nang dalawa ang studio ni Raffy para kuhanan ang iba pa nilang i-sho-shoot na photo.. Tila while angel naman ang tema ngayon nang binata, kung nakaraan ay lady in devil red attire ngayon tila naman mala angel ang kanyang mga kasoutan at porma.. Nag-e-enjoy si Samantha sa kanyang ginagawang pag post sa harap nang kamera. At si Raffy naman nasisiyahan din sa dalaga dahil hindi eto mahirap turuan nang anggulong gusto nya mas mabilis at madali nitong makuha ang gusto nyang mangyari..   Halos dalawang oras lang sila sa studio at natapos na rin ang photo shoot nila. Dahil maaga pa naman isinuhestion ni Raffy na mag-painting na rin sila nang araw na iyon. Pero bago nila puntahan ang lokasyon nang painting area kumain muna silang dalawa sa labas..   "Sa bahay tayo pupunta pagkatapos natin kumain, nandoon lahat nang gamit ko sa pag-paint at may area din ako doon kung saan ako nagpipinta.." wika ni Raffy sa kabila nang pag kagat nang kanyang pizza..   "Okay lang ba sa paraents mo na doon tayo?" tanong naman ni Samantha..   "Ikaw naman wala naman tayong gagawing masama, unless you like to do something.." pagbibiro nang binata..   "Hoy lalaking nanaginip nang gising.. Ang sarap mo mag day-dreaming ha.. Ambisyoso!!" mataray na sagot ni Samantha..   "Ha! Ha! Ha!.. Ako pa ang ambisyoso.." pang-iinis pa lalo ni Raffy dito..   "Tumahimik ka dyan.. Baka di ko matansya tong pizza eh maihampas ko sa pagmumuka mo.." inis na sagot ni Samantha..   Bago pa man magalit nang tuluyan ang dalaga tinigilan na nya eto, baka mamaya kase magbago ang mood nitu sa pupuntahan nilang lokasyon.. Lihim namang napa ngiti si Samantha, dahil mukang natakot eto sa banta nyang hahampasin nga nya nang pizza.. Nang matapos ang kanilang pagkain, saglit lang na nagpahinga ang mga eto. At lumabas na rin nang pizza parlos na iyon. "Medyo hapon na ayos lang ba gabihin ka nang uwi?" tanong ni Raffy..   "Ayos lang naman, ihatid mo lang ako.. May pasok pa kase ako bukas.." sagot naman ni Samantha..   "Oo naman.." sagot ni Raffy..   Makalipas ang trenta minutos sa wakas narating din nina Raffy at Samantha ang bahay nang binata. Two-story haouse eto.. Medyo lumang modelo na nang bahay mukhang antique. At di pinarerenovate..   "Di ba kayo natatakot sa bahay nyo.. Mukang kayo nalang ang napag-iiwanan nang panahon ah.. Mukhang namana pa nyo sa kanunu-nunuan nyo ang bahay na eto.." wika ni Samantha nang mapansin ang desenyo nang bahay..   "Hindi naman. Mas luma mas mahal ang value, alam mo ba yun? Saka walang multo sa bahay na iyan noh.. Halika na nga pumasok na tayo, kung anu-anu ang napapansin mo eh.."     ~~~~~~~~~~~~~~~   Dahil pumasok na nang bahay si Raffy wala nang nagawa pa si Samantha kundi ang magpatianod nalang at pumasok na din sa loob nang bahay. Nang makapasok nang bahay, iginala naman ni Samantha ang kanyang mga mata sa kabuuan nang unang palapag nang bahay.. Maganda ang kabuuan nitu kung makaluma ang labas nang bahay, nasa makabango naman ang kabuuan nang bahay..   Hinanap nya ang mga magulang nang binata, ngunit tila wala naman eto sa bahay na iyon.. Napansin naman ni Raffy ang paglinga-linga nang dalaga na tila may hinahanap..   "May hinahanap ka ba?" tanong nitu..   "Asaan ang mga magulang mo, akala ko ba nandito sila..?" tanong nang dalaga..   "Hindi kita pwedeng dalhin dito na nandito sila, baka isipin pang nobya kita.. Nasa Batanggas sila ngayon kasama nang dalawang kapatid ko pa.." wika ni Raffy..   "Ganoon? So hindi ako pangharap para kanila ha?!" tila napikon naman si Samantha sa sinabi nang binata..   "Wala akong sinabing ganoon ha.. Tao sila na may puso at tanggap nila kung anu at sino man ang mamahalin at ipapakilala kung nobya.. Di kagaya mo, qualified naman sana ako kaya lang pera ang basehan mo kaya bagsak ako sa pagsusuri mo.." wika pa ni Raffy..   "Mabuti't alam mo!" mataray na sagot nang dalaga, sabay irap dito at pabagsak na naupo sa malambot na sofa..   "Mauupo kalang ba dyan oh baka pwede na tayong magsimula..?" tanong naman nang binata..   "Wow wala man lang bang pahinga kahit sandali..?" tanong pa ni Samantha..   "Nakapagpahinga ka na kaya kanina.. Tara na para makapamili ka nang gusto mong iregalo sa boss mo.." wika pa nang dalaga..   Nang maalala ang regalong ibibigay sa amo, agad namang tuminag eto. Tumayo at sumunod kay Raffy.. Nagtungo sila sa likuran nang bahay. At may isang silid doon, na kanilang pinasok.. Nakita nyang nakapaikot sa kwartong iyon ang sari't-saring paintings, napakaganda nang mga iyon.. At sa gitna naman nang silid ang tila mga tila at kagamitan sa pag-guhit.. Kinuha ni Samantha ang isang painting, di nya maipaliwanag ang kahulugan noon.   "Ang tawag sa painting na yan.. THE SECRET DOOR gustong pumasok nang kaluluwa sa pintuang iyan, ang kaso hindi sya makapasok dahil may kailangang bigkasin sa pintuan na yan.. Kaya nilagyan ko nang title na ganyan.." paliwanag naman ni Raffy..   "Pero kung pang regalo.. Eto ang magandang ibigay.. Ang title nang painting na eto is THE YOU.." sabay hawak sa isang larawang tila nasa gubat ang isang babae at makikita mo sa mukha nitu ang pagkabahala..   "Bakit THE YOU?" Nakakunot na tanong ni Samantha..   "Parang ikaw iyan, nasa harapan na ang lahat pero patuloy parin sa paghahanap nang kung anong wala sa kanyang harapan.. Isang replika na maraming kahulugan.. Maaring natatakot syang suungin ang loob nang gubat.. Maari rin namang tila naguguluhan sya sa kanyang magiging desisyon.. Maari rin namang tila nawalan na sya nang pag-asa sa kawalan.." paliwanag naman ni Raffy..   "Gusto ko eto.. Magkano?" tanong ni Samantha..   "Libre mong makukuha iyan, basta yong pinapagawa mo sa akin, kailangan may kopya din ako.. Sa'yo ang original kahit copy nalang sa'kin.. Payag ka ba?" sagot ni Raffy..   "Sige na nga deal.. Oh paano na ba ang gagawin natin ngayon..?" tanong ni Samantha..   "You can put your make-up, something daring.. Then hanggang saan ang kaya mong ipakita na maiguhit ko ikaw ang bahala, but I want something sexy isang replika nang sexy devil.." paliwanag naman ni Raffy..   Pumasok naman si Samantha sa bathroom doon sya mag-aayos nang sarili at kinuha ang telang nakatupi sa may kabinet tilang ginagamit ni Raffy kapag may iginuguhit syang babae na nude para pantakip sa kaselanan nitu..   Habang si Samantha inaayos ang sarili, iginayak naman ni Raffy ang kanyang mga gamit sa pag-guhit.. Inayos nya ang stand board at maging ang mga brush na luma ay kanyang itinabi kumuha sya nang panibagong seat sa kanyang kabinet.. Ang mga pintura ay kanyang inilabas ang gusto nyang uupuan nang dalaga. Nagmamadali pa syang tumakbo sa kusina at kumuha nang isang mansanas na pula.. At nagmamadaling tumakbong pabalik nang likuran nang bahay.. Naigayak na ni Raffy lahat nang kanyang kailangan si Samantha nalang ang kulang.. Ilang sandali pa narinig na nyang nagbukas ang pintuan nang banyo kung saan pumasok si Samantha..   Walang saplot si Samantha at tangging ang puting tela ang bumabalot dito.. " Ready na ako.. Oh anu nang susunod kung gagawin..?" tanong nitu..   Halos tila tinuklaw naman si Raffy nang mga oras na iyon.. Ginawa nitong panapis ang manipis na tela sa katawan ngunit kitang-kita naman ang hubog nang katawan nitu sa manipis na telang iyon.. Napatikhim sya nang makitang papalapit sa kanya si Samantha..   "Hoy lalaki be profesional wag mo pagpantasyahan ang katawan ko, sige na sabihin mo kung anung gagawin ko..?" singhal ni Samantha dito..   Lumapit naman si Raffy at inayos si Samantha.. Bahagya nyang inihiga eto sa mahabang sofa, ang isang kamay nitu ay nakatukod sa ulo nang dalaga, at bahagyang naka 14 digree ang isang hita nitu..   "Kailangan kung tanggalin ang tela, ayos lang ba?" tanong nang binata..   "Okay sige dalian mo lang at mukang mangangalaya ako sa posisyong ganitu.." reklamo na agad ni Samantha di pa man nagsisimula ang lahat..   Tinanggaln nga nang binata ang telang natabing dito, pinalitan nya nang mas manipis na tela iyon, at bahagyang tinakpan ang maselang parte nang katawan habang nakalitaw naman ang dibdib nang dalaga.. Inabot pa ni Raffy ang mansanas at ipinosisyon ang kamay nitu na tila kakagat nang mansanas.. Nang makitang maayos na ang lahat sa dalaga.. Lumayo na sya dito at lumapit sa board stand..   Hindi nya maiwasan na pagnasaan ang nasa harapan.. She's so sexy wearing the red lipstick at katawan nitu, halatang alagang-alaga sa kinis, noon nya lang nakita ang kabuuan nang dalaga kahit pa na may namagitan na sa kanila.. Hawak ang ang kanyang paint brush tila nanginginig iyon sa init na lumulukob sa kanyang katawan..   "Hoy lalaki yang malapot mong pawis alam ko yan.. Ayusin mo ang sarili mo at isang-tabi mo ang kalibugang nararamdaman mo kung ayaw mong walk-outan kita!" pagtataray nitu nang makitang 'di komportable ang binata..   ''Ako nanaman ang napansin mo..! Sige na ayusin mo na ang paghawak nang mansanas, ready na ako.." sagot naman ni Raffy..   Kagaya nang sinabi nang dalag isinantabi nga muna ni Raffy ang nararamdaman nagpukos sya sa kanyang ginagawa, alam nyang mabilis nya lang eto matatapos, kaya naman gamit ang kamay at sariling kaalaman tila, may buhay ang iginuguhit nang binata.. Ang kaninang t ila isang puting papel at walang makikita na kahit na ano'y, unti-unting nagkakaroon nang buhay..   Makalipas ang halos kalahating oras, ang babaeng nakahiga sa sofa ay tila nasa harapan na ni Raffy.. Maging ang mansanas ay tila buhay na buhay at totoong-totoo eto sa pag-guhit ni Raffy..   >>>>>>>>> TBC <<<<<<<<<
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD