'' THE TASTE OF SIN ''
By :" Ms. Alejos "
MAAGANG nagising si Samantha kinabukasan, papasok sya sa stasyong kanyang pinagtatrabahuhan.. Dala ang kanyang shoulder bag at isa pang extra bag na pinaglalagyan nang damit at make-up.. May regular na syang taxi sa umaga, kaya naman kapag papasok sya walang hassle sa umaga dahil may service sya. Pag-uwian nga lang sya hindi nagpapasundo dahil hindi pare-pareho ang oras nang kanyang uwi..
"Gandang umaga Ganda..!" bati sa kanya nang medyo may edad na ring service nya..
"Gandang umaga din ho.. Oh kumusta naman ang asawa nyo maayos na ba ang pakiramdam nya?" tanong naman ni Samantha..
"Ayy.. Sa awa nang Dios maayos na.. Low blood masyadong mababa ang dugo, mabuti na nga lang at nadala agad namin.." sagot naman nang May kaidaran nading driver..
"Mabuti naman ho kung ganoon.. Manuti at ganon lang.." sagot ni Samantha. Nakikisimpatya naman sya sa kapwa nya tao lalo na kung nakikipag kapwa tao naman sa kanya.. Pero kung balasubas sa kanya mas balasubas sya..
Halos magkakasabay lang sila dumating kapwa din nya mananayaw, ang ilan sa kanila may kotse. Ang ilan taxi padin ang gamit na kagaya nya ang iba naman hinahatid nang nobyo.. Eh sya kaya kelan sya magkakaroon nang sariling sasakyan..? Kung minsan di maiwasan ni Samantha ang maiinggit, maganda naman sya hamak na ang ganda nya sa mga kasamahan nya, kung bakit mas nauuna pa ang mga eto na makabingwit nang huhuthutan..
Kagaya nang nakaraang araw hindi pa rin kinikibo ni Samantha ang mga eto. She doesn't care kahit na nagpapapansin na ang iba para makipag-ayos sa kanya, basta sya ginagawa nya ang kanyang trabaho. Nagrerehersal sya nang maayos at sinusunud naman nya ang kanilang instructor..
Ilang sandali ang nagbreak sila sa kanilang rehersal, nagtungo si Samantha sa isang sulok dahil kanina pa nya naririnig na tumutunog ang kanyang cellphone.. Agad nyang kinuha iyon at sinagot pinindot ang answer button nang cellphone..
"Yes.. Hello.." panimula ni Samantha..
"Hey Sam it's me Raffy.. Just want to say good morning.. Sunduin kita maya ha.." wika naman ni Raffy..
"Hmp! Akala ko kung sino na.. Kanina maganda umaga ko, tumawag ka lang pumangit na.. Sige na may rehersal pa ako.." pamamaalam nang dalaga..
"Kahit kailan talaga, napaka sungit.. Sana mayaman ako nang sa ganon hindi mo ako pagsusungitan.." wika naman ni Raffy, na gumuhit ang mga ngiti sa labi.. Narinig nalang ni Raffy ang tunog nang kanyang linya.. Tot.. Tot... Tot.. Pinatayan na nga sya nang babaeng walang modo..
Matapos ang show ni Samantha, kagaya kahapon ni hindi nya tinapunan at nilingon manlang ang mga kasamahan, nagpalit lang sya nang kasuotan kinuha ang kanyang bag at nagpaalam sa kanilang mga boss sa studio.. Dumaan sya sa grocery parang feel nyang bumili at magluto nang carbonara.. Hindi sya kanina naglunch sa stasyon, kaya naman ramdam nya ang kumakalam na sikmura. Sya lang mag-isa sa kanyang apartment kaya pagdating sa pagkain walang hassle sa kanya, di rin naman kase sya pala kain, bast may prutas sya sa kanyang ref. Ayos na.. She maintain her sexy body figure..
Nang matapos mabili ang sadya nya, nagtaxi lang sya pauwi.. Ibinaba nya lang ang kanyang bag sa maliit nyang sala, at agad na iginayak ang kanyang lulutuin.. Hiwa nang gulay, sangkap at gayak nang gamit na kanyang gagamitin.. Nilakasan nya ang volume nang sounds nya mula sa kanyang cellphone. Dahil di naman ganun karami ang kanyang ginawa mabilis nyang natapos ang kanyang Carbonara.. Naghiwa lang sya nang sapat para sa kanya at inilagay nya sa kanyang oven ang natira pa..
Pagkatapos nyang kumain, nahiga sya sa kanyang soga habang nanonood nang telebisyon.. Ilang minuto pa'y nakatulog sya na nakasindi ang t.v.. Mahimbing ang kanyang pagkakatulog at nakalimutan nya ang usapan nila ni Raffy na susunduin sya.. Mga katok sa pinto ang nagpabangon sa kanya, nakita nyang nakasindi ang t.v at ang mga gamit nya kanina nang dumating sya nasa sala pa rin.. Agad syang lumapit sa pintuan.. Binuksan iyon..
"Naman kanina pa ako tumatawag sa'yo ang sarap nang tulog mo ah.." si Raffy..
"Anong oras na ba at ang aga mo..?" sagot naman ni Samantha..
"Maaga ka dyan, tingnan mo nga kung anong oras na..Sige na gumayak kana.." pagtataboy nang binata na tila ba ganoon na sila ka-close ni Samantha..
Dinala ni Samantha ang kanyang gamit sa kanyang kwarto, maliligo lang sya sandali para presko ang kanyang pakiramdam.. Habang abala ang dalaga sa kanyang sarili naghanap naman nang makakain si Raffy sa kusina nang dalaga, nakita nya ang carbonara na nasa oven kaya naman bahagya nyang ininit yon at kumuha para kumain.. Nandoon pa rin ang juice na ginawa nya nang nagdaang araw. Dala ang trya nang pagkain humarap sya sa t.v..
"Masarap ha.. May talent din pala ang babaeng to sa pagluto.." usal ni Raffy sa sarili..
Nakakain na sya at nahugasan na nya ang pinagkainan hindi pa rin tapos gumayak ang dalaga...
Gusto na nyang katukin ang pintuan nang kwarto nang dalaga, kaya lang baka masigawan nanaman sya.. Bumalik nalang uli si Raffy sa sala at nagtyagang maghintay.. Limang minuto ang nakalipas nang sa wakas bumukas na rin ang pintuan nitu..
"Uy! Lalaki anu nga pala ang isusuot q sa pictorial?" tanong ni Samantha..
"Nakagayak na lahat, ikaw nalang ang kulang doon. May kinuha din akong mag-aayos sa'yo.. Tapos ka na ba?" tanong naman nang binata..
"Oo sige ready na ako.." sagot naman ni Samantha..
"Dapat lang tagal mo gumayak.. Nakakakain na ako't lahat di ka pa lumalabas, oh! Pinakialaman ko nga pala yung carbonara mo.. Masarap ha.. Kung di mo na kakainin, dalhin ko nalang sa studio.." wika ni Raffy.. Tiningnan lang sya nang masama ni Samantha..
"Ang kapal ha! Di manlang muna nagtanong kung pwede sya kumain, baka may lason yon.. Namatay ka na..!" pagsusungit ni Samantha..
"Kung may lason yon di mo naman ilalagay sa oven di ba..?" ganting sagot ni Raffy..
"Umalis na tayo baka magbago pa ang isip ko dina ako sumama sa'yo.." sagot naman ni Samantha..
~~~~~~~~~~
Halos kalahating oras nilang binaybay ang kinaroroonan nang studio ni Raffy.. Pagdating doon wala namang sinayang na oras ang lalaki agad nyang pinabihisan si Samantha at pinaayusan sa kinuha nyang taga make-up.. Isang kulay pulay pulang long Gown Satin ang suot ni Samantha, red hills ang katerno niyon.. At ang make-up artist na kinuha ni Raffy mukang devil in red ang tema nila nang oras na iyon.. Matapos masipat nang binata na ayos na si Samantha, at ang pustura nito sinubukan nyang pa-pose-sin eto, etinuro nya ang anggulong gusto nya. Madali naman agad nakuha ni Samantha ang gusto mangyari nang binata..
Binuksan ni Raffy ang isang electric fan na ginagamit nya kapag may photo shoot sya. Pinapwesto nya si Samantha sa lugar na ang backround ay tila isang isang flaming fire, doon nagsimula sila magpicturial habang, panay ang click nang kamera ni Raffy, panay naman ang posed ni Samantha. Hindi nahirapan si Raffy sa gusto nyang mangyari, mabilin na nakukuha nang babae ang bawat sabihin nya.. Isang tema lang ngayong araw ang kinuhanan nila.. Kailangan pa kase salain nang binata ang lahat nang nakuha nyang picture.. Kung alin ang pinaka maganda yon ang kukunin nya.. Nang natapos ang kanilang photo shoot.. Agad namang nagpaalam ang kinuha nyang make-up artist para kay Samantha.. At ang dalaga nama'y pasalampak na naupo..
"Napagod ako, wala bang makakain dito..?!" tanong ni Samantha..
"Sandali lang ano bang gusto mong kainin? O-order nalang ako at magpapadeliver.." sagot naman ni Raffy..
"Donnut nalang and coffe.. Okay na ako doon.." di naman nahiyang sagot nang dalaga..
"Okay. Tatawag na ako para habang inaayos ko eto padating naman ang order natin.." sagot ni Raffy..
"Bukas nga pala, anong gagawin natin..?" tanong ni Samantha sabay, kalikot nang mga nakikitang album sa shop ni Raffy..
"Pictorial pa rin tayo, tapos yung huli Painting na gagawin ko.." sagot ni Raffy..
"Bakit painting? Marunong ka ba non? "Tanong ni Samantha..
Di naman nakasagot agad ang binata dahil may kausap na eto sa linya nang telepono.. Matapos makipag-usap saka naman nagtanong uli ang dalaga..
"Ang tanong ko marunong ka ba mag painting?" sigaw na nitu..
"Oo. Kaya nga gagawin ko eh..!" sagot naman ni Raffy..
"Pwede mo ba ako i-painting nang walang saplot?" tanong ni Samantha..
"Are you sure? Mas maganda kung ganun, it's a very nice master-piece.." nasiyahan naman si Raffy sa sinabi nang dalaga..
"Oo. Gusto ko yon. Pero ako lang dapat ang may kopya non.." sagot ni Samantha..
"Ang damot mo naman, tyak mananalo ako kapag inilagay ko sa gallery yon.." sagot ni Raffy..
"Magkano ang parte ko kapag nanalo ka?" Tanong muli ni Samantha..
"Ha? Syempre wala, binayaran na kita eh.." si Raffy..
"Ah.. Ganoon.. Eh di wag nalang, basta iguhit mo ako nang walang damit.. Pagkatapos ibigay mo sa akin ang kopya..!" giit ni Samantha..
"Pag-iisipan ko..?" si Raffy..
"Hay.. Kapag di ka pumayag, di na ako sisipot bukas..!" si Samantha..
Natampal nalang ni Raffy ang kanyang noo. Mabuti nalang at may nagdoorbell sa labas. Malamang ang inorder na nya. Kaya naman binuksan nya ang pintuan nang shop. Matapos na mabayaran ang nagdeliver muling inilock ni Raffy ang pintuan..
"Kumain nalang muna tayo.. Tigilan mo yang kakakalikot nang mga album dyan, at di mo naman kilala ang mga yan.." sawata ni Raffy sa ginagawa nang dalaga..
"Kumikita ka ba sa negosyo mong eto? I know this all album kaya nandito dahil di pa sila fully paid.." wika ni Samantha..
"Sa negosyo ganyan talaga, di palaging panalo ka.. Pero marami akong natututunan sa mga iyan, at sa bawat natutunan ko lumalago ang kaalaman ko, kaya okay lang na madapa..." sagot naman ni Raffy..
"Ang haba naman nang sinabi mo, makakakain na nga.." sabay bukas nang box nang donnut ni Samantha..
"Maiba ako.. Bakit mag-isa ka lang sa apartment mo nasaan ang mga magulang mo..?" tanong ni Raffy..
"Wow ha.. Panay tanong mo ha, di ko pinakikialaman ang buhay mo. Kaya hayaan mo ang buhay ko..!" mataray na sagot nitu..
"Ayaw mo bang magkaroon nang kaibigan? Yong tipong mapagkakatiwalaan mo sa mga dinadala dyan sa dibdib mo..? Yung tipong maiiiyakan mo kapag nalulungkot ka..?" seryosong tanong ni Raffy..
"Minsan gusto ko.. Pero kadalasan ayaw ko, mas gusto ko pa rin ang makahanap nang magiging kapartner in life ko.. Yung tipong hindi ako maghihirap, yung tipong kayang ibigay sa akin ang lahat, yung tipong mahihiga ako sa salapi.. Yan lang ang gusto ko.." sagot ni Samantha..
"Well iba parin ang may kaibigan ko, iba pa rin yung may magmamahal nang totoo sa'yo.. Ang salapi hindi mo yan madadala sa langit.. Pero ang magagandang nangyari sayo dito sa lupa yun ang makakapag pasaya sayo.." sagot muli ni Raffy..
"Pwede ko naman makita lahat yan, magiging masaya ako kapag marami na akong salapi.. Sigurado iyon..! At wag mo nang ipilit ang anu mang sasabihin mo.." inis na sagot ni Samantha..
"Okay.. Basta kapag kailangan mo nang kaibigan.. Andito lang ako, kaibigan oh kaibigan^ kaya kung ibigay sa'yo yon.." makahulugang sagot ni Raffy sabay kindat nitu..
Inirapan lang ni Samantha ang binata. Pero sa kanyang isip why not, kaibigan lang naman eh.. Wala pang tumagal nang kanyang ugali at siguradong iiwanan din sya nang lalaking eto.. Para kay Raffy naman eto ang unang hakbang nya para mapalapit nang husto sa dalaga.. mas mabuting kilalanin nyang mabuti eto, at kung anu man ang kanyang nararamdaman ngayon para sa dalaga pansamantalang itatabi nya, ang mahalaga maging magkasundo muna sila at makilala ang bawat isa kahit na nauna nang may nangyari sa kanila..
>>>>>>>> TBC <<<<<<<<<