Chapter 11
“Tay…..Nay…Patawarin niyo po ako….”Huhuhuhu…napaluhang samo ni Angela sa mga magulang.
“Ayan nan gang sinasabi ko sayo ..Diba????Ano na????Nasaan na ang tapang mo ha???
“Julio tama na yan..”Awat ng ina sa amang pigil parin ang galit sa anak.
“Wala po talaga akong mapupuntahan Nay..huwag ho kayo mag-alala pagkapanganak koy maghahanap na po ako ng trabaho…”paliwanag ni Angela.
“At ano..at magpapabuntis ka na naman ulit????”Galit ng turan ng ama niya.
“Ay naku Angela, di mona kami mauuto ng nanay mo…
Akma pa sana siyang lalapitan ng ama ng biglang may kumatok sa pintuan ng maliit nilang bungalow.
“Sino yan!!!!Galit na tugon ng ama.Binuksan naman ito agad ng ina.Laking gulat ni Angela ng makita ang nasa pintuan.
“Ay hello po…Nandyan po ba si Angela???”
“Sino ka naman???
“Sir Mark???Gulat na sambit ng dalaga di niya malaman ang sasabihin.
“Siya ba ???Siya ba ang ama ng dinadala mo???”Halos pasigaw na sabi ng tatay niya habang naniningkit ang mga mata na nakatingin sa binata.
“Ay hindi po..”Napakamot na lang sa ulo na sambit ng binate.
“Hindi po ako..siya po”Sabay turo sa isang pamilyar na nakatayong lalaki sa labas ng kanilang bahay.
“Psstt..Angela pwede daw ba kayo mag-usap”Parang kengkoy na sabi ni Mark.Habang nakatingin sa ama ng dalaga.
“Hindi!!!!!!!sabihin mo sa magaling na lalaking yan na dito mismo sa loob ng bahay ko kako sila mag-usap ng anak ko!!!”Malakas na saad ng kanyang ama. Lihim na mang napangiti si Angela ng lumabas kaagad si Mark at tinungo ang kinalalagyan ni Troy.Maya-maya ay pumasok na ito at nakipag-usap sa mga magulang niya.
“Ang gusto ko ay di naman madihado ang anak ko..binuntis mo yan,kaya panagutan mo.”Malumanay na ang boses ng ama ni Angela.
“Tay..teka lang..”sabat ni Angela.Alam niyang mahirap ito para kay Troy dahil may iba itong sinisinta.
“May gf na po siya Tay…”mahinang sabi ni Angela
“Wala akong pakialam..may girlfriend siya eh,…bakit ka niya pinakialaman???”galit na naman ang tatay niya.
“Angela could you please leave us alone???Mamya na lang tayo mag-usap.”Tipid na sabi ni Troy.
Walang nagawa ang dalaga kundi pumanhik sa kwarto niya. Naabutan niya roon ang inang umiiyak.
“Nay…”Di niya maiwasang yakapin ang ina..
“Sorry po talaga….”
Tanging haplos lang ang sinukli ng ina sa kanya.Maya-maya pay may mahinang katok na silang narinig. Binuksan iyon ni Angela at Nakita si Troy na tiim na nakatitig sa kanya. Pakiramdam niya malulusaw siya sa mga tingin nito.
“Lalabas na muna ako anak.”Kagyat na sabi ng ina.
“sege po Nay…”
“Angela…”mahinang sambit nito ng pangalan niya.
“Sir….bakit ka nandito??wala na siyang maisip na itanong sa lalaki.
“Nonsense….Bakit Angela??Bakit hindi mo agad sinabi sakin??Di sanay hindi na ako nagpunta ng America..”
“Ikakasal tayo bukas dito sa Bayan.Iyan ang gusto ng mga magulang mo.”
“Pumayag ka????”napamaang ang dalaga.
“Why not???Kailangan kong bigyan ng pangalan ang magiging anak ko.” Ayaw ko siyang maging bastardo.”
“Pano si Monique…?”mahinang sabi ng dalaga.
“Saka na natin pag-usapan pagkatapos ng kasal.”
“Sege tutuloy na kami,aasikasuhin pa naming ni Mark ang tungkol sa kasal.”Ginawaran siya nito ng halik sa noo at marahang hinimas ang kanyang tiyan na halata na ang kaumbukan.
“Baby…dito lang kayo ni Mommy ha..aalis muna si Daddy….”bulong nito sa kanyang sinapupunan.
Natigilan si Angela.Di niya inasahan ang ginawa ni Troy,pero lihim siyang napangiti.Kaysarap pala sa pakiramdam ng marinig mismo sa ama ng anak mo ang pagtanggap nito.
“Mabuti siyang tao anak”Di niya namalayang nasa tabi na pala niya ang ina at kanina pa pala ito nagbabantay sa kanya at sa binata