Chapter 12

770 Words
Chapter 12 Isang simpleng kasalan ang nangyari sa kanila ni Troy at Angela. Halos di makapaniwala ang dalaga sa bilis ng mga pangyayari. Pagkatapos ng kasalan ay pinagsaluhan nila ang isang simpleng piging.Hindi na nag-imbita ng maraming panauhin ang nanay niya,ang mahalaga daw ay mairaos ang kanilang pag-iisang dibdib. Gabi na ng magsiuwian ang kanilang mga bisita. “Anak,pagpahingahin muna itong asawa mo at medyo may tama na.”Nanunuksong sabi ng tatay niya. “Opo..Tay…”Inalalayan naman siya ni Mark para lubusang makahiga sa kama ang lalaki. Lumiit tuloy ang kanyang higaan dahil sa laking bulas ni Troy. “Salamat Sir Mark..”nahihiya nyang turan, “Asusssss huwag ka ngang sir ng sir dyan..Mark na lang..so ano.ikaw ng bahala sa kaibigan kong ito ha…Mrs.Troy”nanuksong sabi ng binata.Tipid na ngiti na lang ang sinukli niya sa sabi ng lalaki. Naiwan silang dalawa ni Troy sa silid. Inalisan niya ito ng damit para maginhawaan naman ito. Nangahas siyang buksan ang maleta nito para makakuha ng pamalit dito. Nakakita naman siya ng tshirt na pampalit sa binata. Tutungo na sana siya sa higaan pero napansin niya ang nalaglag na bagay mula sa bag ng lalaki. Kinuha niya ito at minasdan…Pero hindi niya inasahan na nag-unahang malaglag ang luha niya sa nakita.Larawan ito…larawan  ni Troy at Monique..magkayakap at nakangiti.Kaysaya nilang tingnan sa larawan. Parang dinurog ang kanyang puso.Impit siyang napaiyak. “Anak..ok ka lang?”biglang napasugod sa kanya ang ina narinig nito ang kanyang pag-iyak.Napatingin ito sa hawak niyang litrato.Doon ay naintindihan kaagad nito ang sitwasyon ng anak. “Tatagan mo ang loob mo anak.Noon pa man ay alam mona ang pinasok mong sitwasyon.Pinakasalan ka nga niya..pero nasa iba ang puso niya…”Masinsinang sabi ng ina ng makita ang kanyang sitwasyon. “Nay…parang hindi ko po kaya…” “kayanin mo anak…para sa magiging anak niyo…”Sege na magpahinga ka na at bawal kang mapuyat. Umalis na rin ang ina. Malalim na ang gabi.Nakaramdam na siya ng pamimigat ng kanyang mga mata.Tama ang ina, dapat niyang kayanin ang lahat…para sa anak. Nakatulog na rin siya maya-maya. Nagising si Troy sa init ng nararamdaman.Ay oo nga pala wala siya sa sa kanyang kwarto.Ng maalala ay napalingon siya sa katabi niya sa maliit na higaan. Nakita niya ang maamong mukha ng babaeng ngayon ay asawa na pala niya…si Angela…Nakabaluktot ito at halatang nahihirapan sa posisyun. Inayos niya ang pagkahiga nito at kinumutan. Nagpasya siyang sa sahig na lang matulog. Naninibago man ay pinilit niyang ipikit ang mata para makatulog. KInapa ni Angela ang unan sa kanyang tabi. Wala siyang katabi.Wala si Troy.Bumangon siya bigla at doon ay Nakita niyang nasa sahig ito nakatulog. Napabuntung-hininga siya. “Di nga siguro niya masikmurang makatabi ako,kasi hindi naman ako si Monique”Mapait niyang sabi sa sarili. Matamlay man ay pinilit niyang bumangon at magsasaing pa siya para sa kanila. “Oh gising ka na pala anak,halika dito at tulungan mo ako sa paghanda ng ating almusal.”sabi ng ina. “Kumusta ng pakiramdam mo?” “Ok lang po inay…”tipid niyang sabi. Nag-usap pa sila ng ina ng masinsinan.Puro mga payo para sa buhay may-asawa.Nakikinig lang siya ng tahimik. Maya-maya pay lumabas na rin ng silid si Troy. “Good moring Angela..”Lumapit ito sa kanya at ginawaran siya ng mabilis na halik sa pisngi.Di niya maiwasang mapapitlag. Di pa rin siya sanay sa mga kilos ng lalaki. “Oh sege na kayo pumwesto ka na iho at tatawagin ko na nag tatay niyo ng tayo ay makakaain na.”Sabi ng ina.Tumabi si Troy sa kanya. “Did you slept well last night?”tanong nito sa kanya.. “Uhmmm..pasensya ka na..wala munang honeymoon…don’t worry iskeskedyul natin yan.”at ngumiti ito ng pilyo. “Sir..este..Troy…ano ng plano mo???di niya maiwasang tanungin ito. “Simple lang,uwi na tayong Manila.Doon muna tayo sa bahay naming sa Tagaytay hanggang sa makapanganak ka na. Mas Mabuti doon sariwa at presko ang hangin. Don’t worry may makakasama ka naman doon kapag nasa trabaho ako. I’ll make it sure na hindi ka mahihirapan Angela..Ikaw at ang anak natin.” Di na naituloy ni Troy ang iba nitong sasabihin.Dumulog na kasi sa kainan ang tatay at nanay niya. Muli ay pinaalam siya nito sa magulang nangako naman itong dadalaw pa rin sila paminsanminsan. May mga agam-agam man ay nakisayaw na lang sa agos ng buhay si Angela.Bahala na ang bukas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD