Chapter 13

794 Words
Chapter 13 Maaga pa lang kinabukasan ay tumulak na papuntang Tagaytay sina Angela at Troy.Ayaw man ng dalaga na mawalay sa magulang ay wala siyang magagawa.Saka na lang siya magpaplano ng para sa mga magulang kapag nakapanganak na siya. Alam niya hindi pa siya tapos sa mga pangako niya para sa mga ito. “Hey..sleepy head we’re here….”bulong ni Troy sa kanya.Nagising siya kaagad.Di yatat nakatulog siya biyahe.Nahihiya tuloy siya sa dating boss dahil tinulogan lang niya ito.Di pa rin siya sanay sa isiping asawa na niya ang lalaking pinapangarap lang niya dati. “Lika baba ka na doon sa kuwarto mo ipagpatuloy ang pamamahinga mo.”Iyon lang at dahan -dahan siya nitong inalalayan na para siyang isang babasaging kristal na anumang sandal ay mabibiyak. “Salamat.Mahina niyang sabi. “Don’t tell me nahihiya ka pa sa akin niyan…If I may recall ibang Angela yata ang kumatok sa door ko noong papaalis na ako papuntang States ha…”tukso nito sa kanya.Agad naman siyang namula ng maalala ang pangyayaring iyon.Wala sa loob na kinurot niya sa tagiliran ang lalaki.Napatawa naman ito ng malakas. “Wow…mukhang ang saya ng ating newlywed ha…”Sabay silang napalingon sa nagsasalita. “Hey mom!!!Mabilis na humalik sa ina si Troy. “And what about my daughter-in-law???Napamaang si Angela.Nahihiya man ay nagmano na rin siya rito. “Hali na kayo sa loob ng makakain na.”Nagpahanda ako kay Aling Pacita ng ating pagsasaluhan.Alam kong pagod at gutom kayo sa biyahe. Nagpatiuna na ito sa komedor ng villa.Napamangha si Angela sa mga nakahanda sa mesa.Daig pa ang may piyesta sa dami ng nakahain na pagkain.Bigla tuloy siyang natakam. “Dito kana maupo Angela”Sabi ni Troy sa kanya. Mayat maya pay nagsimula na silang kumain. “So Angela…right???tanong ng ginang sa kanya. Saan ba kayo nagkita ng anak kong si Troy?Nagsimulang tanong ng ginang. “Ma..ako dapat ang tinatanong mo niyan.Huwag masyadong maraming tanong baka matakot na sayo asawa ko nyan” Napatawa silang lahat sa sinabi ng lalaki. “Sa office po tita….PA niya po ako.”walang kakurap-kurap na saad ni Angela. “Oh I like your candidness iha…no pretensions at all…no wonder nabihag mo ang pihikang puso ng anak kong ito.”nakangiting sabi ng ginang.Medyo nabunutan ng tinik si Angela.Nakita kasi niyang nakangiti na ang babae. “Ma..excuse us for awhile sasamahan ko lang asawa ko sa kwarto para makapagpahinga na rin. “Sege iho… Agad silang pumanhik sa taas.Naninibago pa rin si Angela sa paligid.Pero tulad ng sabi ni Troy gusto na rin niyang magpahinga. “Here…pasok ka..eto ang kwarto ko dati…kwarto na natin ngayon..” “Suit yourself Angela..magsa shower muna ako sandal. “Ah..ok…” Dahil sa pagod ay pinasya ni Angelang mahiga para maibsan ang pananakit ng likod niya sa mahabang biyahe ni Troy.Di niya namalayang nakatulog na talaga siya.Iyon ang eksenang nabungaran ni Troy paglabas ng banyo.Naawa siya sa asawa at inayos ang pagkahiga nito at lumabas na siya ng silid. “Troy…pwede ba tayong mag-usap..”Doon sa veranda anak.”Salubong ng kanyang ina sa kanya.Talagang inaabangan nito ang anak para makausap at masolo. “Okay”matipid niyang sabi at nagpatiuna sa veranda. “What is this all about Troy???salubong na tanong ng ginang sa kanya ng magharap na silang dalawa. “What do you mean mama? “Oh come on…don’t fool me..who is this girl???Monique has been calling me for the past months..Ayaw mo raw siyang kausapin!!!You flew to America right away and when you return ..heto na…kasal ka na sa iba????As easy as that???”Mahabang litaniya ng ina. “Calm down mama…Ginusto ni Monique na magkahiwalay kami.Wala na akong magagawa dun!! “And are you even sure na anak mo ang dinadala ng babaeng yan ha????”Taas ang kilay na saad ng ina.Napatigagal siya.Kahit ni minsan hindi niya sumaglit sa isipan niya ang magduda in the first place alam niya ang history ni Angela at siya pa nga ang nakauna rito. “Okay for your own peace of mind Mama..papa DNA natin ang bata paglabas!!! Yun lang at tinalikuran na niya ang ina. “Troyyyy!!!!Naiinis man ay hinayaan na lang ng ginang na makaalis ang anak.Kinuha niya ang selpon at may tinawagan. “Yess…iha….”Malambing na ang boses nito. Bumalik si Troy sa kwarto nila ng asawa at tinabihan ito.Pagod na rin siya at sumabay pa talaga sa kanya ang makulit niyang nanay. Sa dami ng isipin ay di niya namalayang nakatulog na rin siya yakap ang asawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD