Chapter 14
Nagising si Angela sa ingay sa labas ng kanilang kwarto.Mukhang may nag aaway sa lakas ng mga sigawan.Napabalikwas siya ng bangon dahil parang naririnig niya ang boses ni Troy.
“Pwede ba huwag ka dito gumawa ng eksena!!!!
At bakit???Nahihiya ka…!!!!Baka nakakalimutan ng babaeng yan na ako ang girlfriend mo!!!!
Pasigaw na nitong sabi.Dahan-dahang binuksan ni Angela ang pinto at isang malakas na sigaw ang sumalubong sa kanya.
“So….ikaw pala..ikaw pala ha ang magaling na babaeng umagaw ng boyfriend ko!!!!Ang kapal naman ng mukha mong magpabuntis….!!!!Para ano????Para pakasalan ka niya???
“Monique…stop it!!!!awat ni Troy sa nobya.
“Noooooo!!!!I won’t stop!!!!
Napahalukipkip na lang sa isang sulok si Angela.Nilapitan naman siya ni Manang Pacita.Niyakap siya nito.Nakatagpo naman ng masasandalan si Angela sa katauhan nito.Di niya namalayang unti-unti na siyang umiiyak.
“Angela please go back to our room..Manang Pacita please take her inside.”Nagsusumamong sabi ni Troy.
“Nooooooo!!!!I want her to hear everything.Ngayon Troy….mamili ka…Ako???o ang babaeng yan!!!!!
Natahimik ang lahat at hinihintay ang sagot ni Troy….
“Shut up Monique…you’re insane!!!Sabi nito.
“Sege siya ba ang pinipili mo..ok…aalis na ako..at never will you see me again!!!seryoso nitong banta.Punong-puno ng hinanakit ang boses ni Monique.Natigilan si Troy.Di man niya aminin mahal pa rin niya ang kasintahan.
“Ok…walang sagot??I will go…”Iyon lang at dali-dali na itong tumalikod pero di pa man ito nakalalayo ay nagkukumahog na humabol na si Troy dito.
“Monique….wait!!!
Di na kinaya ni Angela ang nakita.Tumalikod na siya at dali-daling pumasok sa silid. Impit siyang napahagulhol. Panay naman ang hagod sa likod niya ni Manang Pacita.
“Tahan na anak..makakasama kay baby yan…”Dito ka muna at ikukuha kita ng tubig.Pag-alis ni Manang Pacita ay tuluyan na niyang pinakawalan ang nagpopoyos niyang damdamin.Kay bigat bigat ng dibdib niya.Heto siya nakikilimos ng pagmamahal sa isang taong di naman siya mahal.Habang siya ay umiiyak ang lalaking minamahal ay nandoon sa babaing tunay nitong mahal.Saan na siya ngayon lulugar???Sa puso at buhay ng lalaking asawa na nga niya pero may iba namang may-ari ang puso.
“Kumusta na si Angela, Manang Pacita…”Mahinang sabi ni Troy ng makitang lumabas ang matanda sa kwarto nila.
Galit ang makikita sa mukha ng matanda. Di naman niya ito masisisi.
“Huwag mo sanang isiping, nanghihimasok ako iho…pero sana…ayusin mo ang gulong ito…kawawa ang asawa mo..at ang magiging anak niyo.”Mauna na ako,nakatulogan na ng asawa mo ang kakaiyak.
Napabuntonghinga si Troy.Ano ang nga ba ang dapat niyang gawin?Ayaw niyang may mawala sa dalawang babae sa buhay niya.Mahal niya si Monique,ito ang babaeng pinangarap niya noon pa man na makasama habang-buhay.Pero bakit parang ayaw niyang mawala rin si Angela.Unti-unti ng napasok ng asawa ang puso niya.
“Babe….halika ditto…”malambing na tawag ni Monique sa kanya.Sa guestroom niya ito pinatuloy.
“okey…”Pumasok na rin siya sa silid.
Nakita lahat ni Angela iyon ,ang pagpasok ng asawa sa kwarto kong saan naroon si Monique. Narinig din niya ang mga matatamis na halinghing at ungol sa loob niyon. Di na yata niya masikmura ang mga nangyayari.Isang masakit na disisyun noon din ang kanyang ginawa.