Chapter 16

470 Words
Chapter 16 Apat na buwan ang matuling lumipas.Kabuwanan na ni Angela. Excited na silang dalawa ni Daisy sa kanyang panganganak.Lagi namang dumadalaw ang kaibigan ng asawa niyang si Mark. Doon din niya nalamang umalis papuntang Amerika ang asawa kasama si Monique. Masakit sa kanya ang tuluyang pagtalikod sa kanya ng lalaking minamahal.Pero ano ngaba ang magagawa niya.Hindi siya ang mahal nito. “Oh ano na ready ka na???Nakangiting tanong ni Daisy.Bigla namang napunit ang ngiti nito ng makitang bigla siyang napangiwi at napahawak sa likod. “ohhhhh…ang sakit best…Manganganak na nga yata ako…Arayyyyy!!!!Dali tawag ka nang taxi. “ah..sege..sasandali lang ha.”nagkautal-utal na sa nerbiyos ang kaibigan. “No need..I’m here…”sabat ni Mark.Saktong-sakto ang pagdating nito.Dali-daling inakay nilang dalawa si Angela sa loob ng sasakyan nito.Napakabilis ng takbo ng sasakyan ni Mark,halos liparin na nito ang daan papunta sa hospital. “Ay sir Mark..hinay-hinay po..baka dito ako makapanganak sa kotse niyan..”Nakuha pang magbiro ni Angela. Pagdating sa hospital ay sinalubong sila kaagad ng mga nurse.Diritso na sa labor room si Angela. “Ah sir..kayo po ba ang asawa?’tanong ng nurse “Yes ako .”walang kurap na sagot ni Mark.Napatingin dito si Daisy.Kinindatan na lang niya ito. “Pakipirmahan nalang  po ito sir.”sabi ulit ng nurse. “Alangan namang ikaw ang ama,,eh babae ka…hahahha”tatawatawang bulong nito sa nabiglang kaibigan ni Angela. Makalipas ang ilang oras nakaraos din si Angela. Nagsilang ito ng isang guwapong batang lalaki. Hawig na hawig ni Troy ang bata. Napailing na lamang si Mark at kinuha ang cellphone. Napatingin si Troy sa picture na senend sa kanya ni Mark. Ang kanyang anak.Nanganak na pala si Angela.Parang kinurot ang kanyang puso ng masilayan ang munting anghel. Parang gusto niya iyong mahawakan at mahagkan.Pero paano???Lunod na lunod na siya sa pagkakasala. “Pare…ok lang ba kong ligawan ko si Angela…”dagdag na chat ni Mark.Nabigla siya sa mensahing iyon ni Mark. Di yatat nahulog na ang loob ng kaibigan niya sa kanyang asawa. Hindi niya alam ang isasagot sa tanong ni Mark.Nakaramdam siya ng selos at paghihinayang. Siya sana ang nasa tabi ni Angela ngayon at kinarga na niya marahil ang kanilang anak.Kung sanay naging matapang lang sana siya noon. Tiningnan niya ang nasa tabing kasintahan.Tulog si Monique noon.Halata ang pagkaimpis ng mukha nito.Hinaplos niya ang mukha ng babae.Nagising ito at ngumiti sa kanya. “Salamat babe….salamat sa lahat..at hindi mo ko pinabayaan…” “I love you babe…”pahinga ka na.”Iyon lang at kinintalan niya ng mabining halik ang noo ng babae. Tumango naman ito habang nag-uunahang pumatak ang luha nito. “Shhhhhh…hindi kita iiwan,…nandito lang ako…”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD