Chapter 17

818 Words
Chapter 17 Ang Pagbabalik “Opppsss..dahan-dahan lang TJ anak…” awat ni Angela sa nooy magdadalawang taong anak niya.Mabilis na kasi itong tumakbo.Hindi nito alintana ang mga bato sa paligid kaya nagkandatuto naman ang ina sa kakasunod dito. “Hayaan mo na siya Angela….hayaan mo siyang mag explore”saway ni Mark kay Angela.Napairap naman ang babae sa sinabi niya. Halos dalawang taon na ring nanliligaw si Mark sa kanya.Mabait naman ito at parang ito na nga ang tumayong ama sa anak nila ni Troy. Naawa naman siya rito.Pero bukod doon wala na siyang maramdamang iba sa lalaki.Nanatiling sarado ang puso ni Angela. “Sege na nga hahabulin ko na.”napangiti pa ito sa kanya bago hinabol ang anak niya. “Gel….kailan mo ba balak sagutin si Sir Mark???”tanong ni Daisy sa kanya.Ganito sila palagi parang isang malaking pamilya, lagi silang laman ng plaza kapag walang pasok. “Ha????parang walang ekspresyong sagot ni Angela. “Anong ha???Sabi ko kako kalian mo sasagutin si Mr.Pogi.!!!!Hahhaaha.Kinurot pa siya nito sa tagiliran. “Sinabi ko naman sa kanya na ibaling na lang sa iba ang pagtingin.Ewan ko best….hindi na siguro talaga ako magmamahal….”Mapait na sabi ni Angela. “Mabait naman siya di ba…?guwapo din…at mahal na mahal kayo ng anak mo…ano pa ba ang hinahanap mo???Oh sadyang hinihintay mo pa rin ang pagbabalik ng Troy na yon!!!!!masungit na sabi ng kaibigan. Hindi na lang siya umimik para matapos na ang usapan.Papalapit na rin kasi ang binata karga karga ang kanyang anak. “Halina kayo at kakain na tayo…”sabi na lang ni Angela. “Oh kain na daw Papa Mark..sabi ni Gela…”Di pa rin maawat sa panunukso si Daisy. Napailing na lang si Angela. “Oh sege mahal…subuan mo si TJ tapos ako subuan mo rin ha….hehehehe”mapanuksong saad ni Mark. Iyon ang tanawing natanaw ni Troy.Nasa loob lang siya ng kanyang sasakyan at pinagmamasdan sa malayo ang kanyang mag-ina.Larawan ng isang masayang pamilya.Masaya..buo...Samantalang heto siya,ang totoong haligi ng tahanang iyon.Siya na marupok ay nag -iisa na ngayon at patanaw-tanaw na lang sa malayo sa kanyang iniwang pamilya.Nagdilim ang kanyang paningin.Biglang napalingon si Angela sa malayo.Sa wari niya kasi ay parang may nagmamasid sa kanila.Wala naman siyang makitang kakaiba sa paligid. Nagpasya na lang siyang yayain na ang mga kasama para umuwi na lang.Natatakot na kasi siya nauuso na rin kasi ang kidnapan ngayon.Dali-dali silang nagligpit at lumulan sa kotse ni Mark.Nadaanan nila ang isang itim na kotse sa may gilid.Napatingin naman si Angela dito.Parang kinabahan siya sa nakita.Bakit parang kilala niya ang lalaking nakatayo rito.Nakashades ito at naka baseball cap.Biglang lumakas ang t***k ng kanyang puso ng mapagtanto kung sino ito. “Troy….”napasinghap siya at natutop ang bibig. “What is it Angela?Bakit ang tahimik mo??tanong ni Mark. “Ah..wala..may nakita lang ako ,akala ko kakilala ko.”sabi na lang niya. Tahimik sila sa buong biyahe hanggang makarating na sila sa townhouse ni Angela.Ito ang townhouse na naipundar niya sa mga padala na rin ni Troy at sa trabaho niya. “Sege na Gela pahinga ka muna diyan ako na lang magbibihis kay baby TJ,baka gusto ka pang masolo nitong si papa Markie..hehehhe.biro na naman ni Daisy at binuhat na ang batang pupungaspungas. “Ikaw talaga…best.”napangiti na lang si Angela. “Angela…may sasabihin nga pala ako sayo..” Yes…ano yun Mark? Si..Troy….dumating na galing Amerika.”Bakas sa tinig nito ang lungkot. “Alam kong mahirap ito para sakin…dahil andyan na ang aking katunggali.Pero gusto kong malaman mong hindi ako susuko Angela…..mahal na mahal kita…kayo ni baby TJ.Sana bigyan mo naman ako kahit konting pag-asa….”Nakangiti pa rin itong nagsalita.Nakadama ng awa sa lalaki si Angela.Babae rin naman siya,nakakataba sa puso ang mga ginagawa ni Mark sa kanilang mag-ina.Tama nga naman si Daisy wala na siyang hahanapin pa kay Mark.Nasa lalaki na ang lahat. “Mark….sa ibang araw na tayo mag-usap tungkol diyan ha…”Hinawakan na lamang niya ang kamay ng lalaki.Ginagap naman ni Mark ang kanyang kamay at hinalikan.Nakaramdam ng kapayapaan at seguridad si Angela sa mga oras iyon.Di niya namalayang napasandal na pala sa balikat ng lalaking sa tuwinay nasa tabi niya kong kinakailangan niya. “Angela….”Mahinang sambit ni Troy sa pangalan ng asawa.Sinundan niya ang sasakyan ni Mark kanina at ngayon heto..kitang-kita niya ang paglalambingan ng dalawang tao sa loob ng townhouse na iyon.Di niya namalayang napakuyom ang palad niya.Parang dinudurog ang puso niya sa nakikita.Di pala niya kayang mapunta sa iba ang asawa.Mahal niya si Angela at disidido siyang kunin muli ang bagay na alam niyang sa kanya.Tahimik niyang nilisan ang lugar na iyon.      
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD