Chapter Six

1967 Words
EH? para namang sinapian ang mga studyante dito. Kanina pa kasi siya tinitignan ng mga ito at 'yon ang hindi niya alam. Nagpipigil pa ng tawa ang iba sa mga ito. Nang magising siya kanina ay wala na si Eros sa tabi niya. Na-bwisit pa nga siya dahil nang-iwan na lang basta ang hinayupak!   "Oi babae? Anong nangyari sa mukha mo?"   Napatingin siya kay Matet nang makasalubong niya ito. Napahawak siya sa mukha.   "Bakit? Anong meron sa mukha ko?" Nagtatakang tanong niya. Hinila siya nito papunta sa gilid. Kinuha nito ang salaming maliit sa bag saka tinapat sa mukha niya.   "Oh yan!"   Nanlaki ang mata niya nang mabistahan ang mukha. May nakasulat na panget sa noo niya. May bigote din siya at makalapal na kilay. May mga tuldok-tuldok din siya sa mukha.   "Anong....."   Bwisit! Kilala ko gumawa nito!   "EROOOOOOOSS!!"   Nanggagalaiting binalik niya kay Matet ang salamin nito saka siya tumalikod.   "Oi babaita!"   Nagpatuloy lang siya sa paglalakad kahit pa panay ang tingin sakanya ng mga nakakasalubong niya. Hinanap niya ng tingin sa buong school si Eros. Pumunta siya sa pasilyo papunta sa library, don niya nakita ang hinahanap. Nakita niyang nakasandal ito habang kausap ang mga kaibigan nito. Naka-sukbit sa isang balikat nito ang bag nito, may nakaipit din na sigarilyo sa daliri nito. Mukhang pinagsakluban ng langit ang mukha nito.   Matalim ang matang lumapit siya sa mga ito.   "Relax dude, you look tense." Narinig niyang sabi ng kasama nito.   "How 'bout the money? Nakuha niyo ba?" Anito.   "Yeah, you don't have to worry about that."   "Bwisit na Wutxie na 'yon!" Gigil na sabi nito pero wala siyang pakialam.   "Eros Thanatos!!" Sigaw niya dito habang kuyom ang palad. Nakita niya ang sabay-sabay na paglingon ng mga ito sakanya.   "Wag kayong tatawa seryoso ako!" Galit na sabi niya sa mga kasama nito nang makita niyang tatawanan siya ng mga ito.   "Fous le camp..." Sabi ni Eros. Saka naman nagsi-alisan ang mga kaibigan nito. Umayos ng tayo ang binata at nakapamulsang nilingon siya.   "Bakit?" Pa-inosenteng tanong nito. Matalim pa rin ang mata na lumapit siya dito.   "Anong bakit?! Ikaw ang may gawa nito diba?! Alam mo bang pinagtatawanan ako ng mga studyante dito!" Nanggagalaiting sabi niya dito. Ngumisi naman ito na mas lalong kinagalit niya. Buong lakas na sinuntok niya ang dibdib nito.   "Aray!" Nakangiwing umiwas ito sakanya. "....Napakasadista mo ah!" Pinandilatan pa siya nito ng mata.   "Burahin mo 'to patay ka sakin!"   Ngumisi naman ito. "Sabi mo eh."   Nagulat siya nang bigla nitong hawakan ang magkabila niyang balikat.   "H-hoy anong gi----   Isinandal siya nito sa pader, nakita niyang may hinahalungkat ito sa loob ng bag nito. Nakita niyang nilabas nito ang isang mineral bottle na kalahati na lang ang laman at saka isang panyo. Nilagyan nito ng tubig ang panyo. Bago pa siya makapagtanong ay pinunasan na nito ang mukha niya. Napatitig siya sa mukha nito.   "Ang baho mo amoy sigarilyo ka. Alam mo bang bawal 'yan dito?" Sabi niya para maiwasan ang pagkailang sa pagitan nila. Natigilan naman ito.   "Ipaalala mo nga sakin na pwede kang saktan." Supladong sabi niya habang pinupunasan pa rin ang mukha niya.   "Bat 'di mo subukan."   Napailing naman ito.   "Tapos na." Sabi nito saka sinilid sa bag panyo. May kinapa uli ito sa loob, nakita niya ang maliit na spray.   "Okay na ba? wala ka ng naamoy?" Sarkastikong sabi nito nang i-spray-an nito ang bibig at ang kamay. Inirapan niya ito saka tinulak ito sa dibdib. Ngunit pinigilan siya nito sa balikat at muling isinandal.   "Oh?" Nagtatakang tinignan niya ito. "....ano na naman 'yon?"   Nanlaki ang mata niya nang yumuko ito sa balikat niya. Nakatungtong ang noo nito sa balikat niya habang hawak ang magkabilang kamay niya. Naramdaman niya ang kung anong emosyon na bumalot sa puso niya..   "Ah... E-ero----   "Just.Don't.Fucking.Move." Madiing sabi nito at mas lalo pang hinawakan ang kamay niya. Hinayaan na lang niya ito. Umayos na man ito ng tayo saka hinarap siya.   "Halika na, kain na muna tayo." Nakangiting sabi nito sakanya. Napatitig siya sa mukha nito.   "Tsk... ang pangit mo talaga." Napapailing na sabi nito. Parang nabasag naman ang pagpapantasya niya sa sinabi nito. Tumalim ang mata niya dito.   "Bakit?! sa tingin mo gwapo k----   Bigla siya nitong inakbayan.   "Bitaw-----   Mas lalo siya nitong inakbayan saka hinila. hindi na lang siya pumalag. Tiningala niya ito saka inirapan.   Ang lakas ng tama ng lalaking 'to...    ----****    KUMUNOT ang noo ni Hestia nang marinig niya ang sunod-sunod na pag-ring ng cellphone niya. Hindi na sana niya papansinin 'yon dahil abala siya sa binabasa ngunit makulit ang tumatawag. Naiinis na hinubad niya ang salamin saka nakapikit na kinuha ang cellphone.   "Hello?"   "Nasan ka?"   Nagsalubong ang kilay niya sa pamilyar na boses na 'yon. Muli niyang kinuha ang salamin saka tinignan ang screen ng cellphone.   "Pano niya nakuha number ko?" Bulong niya saka muling binalik sa tenga ang cellphone.   "Nasa bahay bakit?" Mataray na sabi niya.   "Bili mo nga 'ko." Utos na sabi nito. Nanlaki ang mata niya saka sinilip ang orasang nakasabit sa dingding ng kwarto niya.   "Sira kaba?! Alam mo bang alas-onse na ng gabi?!" Nanggagalaiting sabi niya dito. Ang kapal ng mukha ng lalaking 'to.   "We have a deal right?"   Kahit hindi niya kita ang mukha nito alam niyang nakangisi ito sa kabilang linya.   "Deal-dealin mo mukha mo letse ka!" Hindi niya mapigilang sabihin dito. Narinig niya ang mahinang pagtawa nito.   "Gawin mo na... may 24 hours na bukas na grocery diyan malapit sainyo diba? Bilhan mo nga 'ko ng-----   "Asan ang pera?!"   "Bayaran mo muna." Tinatamad na sabi nito. Huh! Ang kapal!   "Ang yaman-yaman mo hindi ka na lang magpa-utos diyan?!"   "Ayoko." Parang batang sabi nito. Nanliit ang mga mata niya, padabog na tinabi niya ang libro saka tumayo.   "Sige na sabihin mo na kung anong ipabibili mo!!" Nagdadabog na sabi niya. Kinuha niya ang manipis na jacket sa gilid ng papag na pinatungan ng manipis na kutson. Sinuot niya 'yon habang nakaipit sa balikat ang cellphone niya.   "Galit ka?"   Tumaas ang kilay niya. "Mukha bang halata?! At 'yung pera ko dito dalawang-libo lang. Ayusin mo na babayaran mo 'yon dahil may bayaran ako bukas sa----   "Tsk, I know..... bilisan mo ha? Sasabihan ko na lang si yaya Iring na i-text sayo kung ano ang mga bibilhin mo." Sabi nito saka pinatay ang tawag. Halos umusok ang ilong niya sa sobrang galit dito. Ang kapal talaga ng mukha ng lalaking 'yon!!   Nagdadabog na lumabas na siya ng kwarto ng matanggap niya ang text. Naabutan niya pa ang mama niya sa baba ng sala. Nanunuod ito ng t.v habang may hawak-hawak na tupiing damit. Lumapit siya dito.   "Oh? san ka pupunta at bihis na bihis ka?" Tanong nito nang makita siya. Nagmano muna siya dito.   "Diyan lang po ma, naubusan kasi ako ng tinta ng ballpen kailangan kong bumili." Pagsisinungaling niya dahil bala mag-alala ito sakanya.   "Ah ganon ba? sige ingat ka, anong oras na oh." Sabi nito. Tumango lang siya.   "Babalik din ako ma." Paalam niya saka tumalikod. Pinupusod niya ang buhok pataas habang palabas siya ng bahay. Nakita niyang sarado na ang halos lahat ng kapit-bahay nila.   "Gusto talaga akong patayin ng maaga ng lalaking 'yon.." Naiinis na bulong niya saka siya lumabas. Nakita niya pa ang ilang nag-iinuman sa kanto. Nagmadali siyang naglakad palabas ng baranggay nila. Buti na lamang at kilala ang pamilya niya ng mga ito kaya hindi siya gagalawin ng mga ito. Pero hindi pa rin siya dapat magpasigurado.   Nag-aabang siya sa labas ng masasakyang tricycle pero kung mamalasin ka nga naman at wala ng gaanong pumapasada.   "Ay maglalakad na nga lang ako!" Naiinis na naglakad siya. Tatlong baranggay pa ang kailangan niyang daanan bago siya makarating sa grocery. Puro tahol ng aso at mga iilang sasakyan lang ang nasasalubong niya habang naglalakad. Minsan pa nga ay may kakaripas ng takbo na single motor na kala mo walang bukas kung mag-ingay. Patuloy lang siya sa paglalakad nang may mapansin siya. Napatingin siya sa bandang likuran, nakita niya ang mabagal na pagtakbo ng isang big-bike. Naka-coverall ng itim at helmet na itim ang driver kaya hindi niya nakita ang mukha nito.   "Diyos ko po... ano ba naman." Kinakabahang binagalan niya ang paglakad. Napansin siguro 'yon ng driver ng big bike na 'yon kaya bumilis ang pagpapatakbo nito. Nasundan na lang niya ito ng tingin nang lagpasan nito ang kinatatayuan niya.   "Diyos ko po kinakabahan ako." Sapo niya ang dibdib. Nang mawala na sa paningin niya ang big bike na 'yon ay nagpatuloy na siya sa paglalakad. Nakahinga siya ng maluwag nang makita niya na ang grocery. Mangilan-ngilan lang ang tao non sa loob, gabi na rin kasi. Pumasok na siya sa loob.   "Sana sumakto pera ko kasama pamasahe. Kung hindi mapapatay ko na ang lalaking 'yon." Piping hiling niya. Tinignan niya ang cellphone saka hinanap ang mga bibilhin don. Ilang sandali siyang nagtagal sa loob.   "Pesteng lalaking 'yon daig pa naglilihi. San ka nakakita ng Clover na kulay asul!" Naiinis na bulong niya, hindi niya binili ang ka-abnormalan na pinabibili nito. Nahahapong lumapit na siya sa cashier.   "Two-thousand five hundred maam." Nakangiting sabi sakanya ng cashier.   "Patay..." Bulong niya dahil kulang ang dalang pera. Huminga siya ng malalim.   "Ahm pwede po bang tanggalin na lang ang----   "Magkano lahat?"   Napalingon siya sa sumabat na 'yon. Nanlaki ang mata niya nang makita niya si Eros. May helmet itong dala.   "Anong ginagawa  mo dito? Kala ko nasainyo ka?" Nakataas ang kilay na sabi niya, napatitig siya sa pierceng na nasa earlobe nito. Kinindatan lang siya nito saka binalingan ang cashier.   "Magkano uli miss?"   "Ah... Two-thousand five hundred sir." Ngiti-ngiting sabi ng cashier. Nakita niyang kumuha ito sa wallet.   "Oh diba hinihiram mo 'to?" Abot niya sa pera. Naglabas ito ng two thousand five hundred saka 'yon inabot sa cashier.   "Tabi mo na lang pala 'yan."   Napairap siya sa hangin saka tinalikuran ito.   "Oy sandali!" Pinigilan naman siya nito sa braso. Binalingan naman niya ito.   "Bakit na naman? Nandito kana diba?" Naiinis na sabi niya dito. Napakamot naman ito sa batok.   "Ah kasi----   "Sir ito na ho." Entrada nong babae.   "Diyan ka lang ha?" Sabi pa nito saka bumalik sa cashier. Hindi niya ito pinansin nagpatuloy lang siya sa paglalakad palabas ng grocery.   "Hey!----Tsk! topakin talaga girlfriend ko eh."   Mas lalo lang nalukot ang mukha niya. Nang makalabas siya ng grocery ay nakita niya ang big bike na 'yon.   "Sabi ko hintayin mo 'ko."   Binalingan niya si Eros.   "Kanina mo pa pala ako sinusundan?" Nakataas ang kilay na sabi niya dito. Tumango naman ito.   "Oo..."   Napatingala siya saka naiinis na tinignan uli ito.   "So nang-iinis ka lang ganon? Alam mo bang tambak ang mga assignment ko? May dalawang reports pa 'kong gagawin bwisit ka talaga!" Naiinis na tinalikuran niya ito. Nagdadabog na naglakad siya. Walang magawa sa buhay ang lalaking 'yon!   "Birthday ko kasi ngayon!"   Napahinto naman siya saka muling nilingon ito.   "Wala naman kasi akong kasama. Sorry na-abala kita." Sabi pa nito habang nakayuko. Bagsak ang balikat na tinungo nito ang big bike. Napapikit naman siya ng mariin. Nang dumilat siya ay nakita niyang nakasakay na ito sa big bike nito.   "Eros sandali!" Pigil niya habang lumalapit dito. Walang emosyon ang mukhang binalingan siya nito.   "San kaba pupunta?" Tanong niya nang makalapit siya dito.   "Kahit san.... matutulog na lang siguro ako." Sabi pa nito saka binuhay ang makina. Nangungonsensya pa ang walanghiyang 'to!   "Sama na 'ko." Sabi niya dito. Natitigilang nilingon siya nito.   "Talaga?"   "Ayaw mo?"   Nakangising sinuot nito sakanya ang helmet nito. Hawak nito ang isang kamay niya habang umaangkas siya sa likod ng big bike nito. Napahawak siya sa balikat nito.   "Libre yakap..." Nakangising baling niya sakin. Hindi naman siya umimik, yumakap na lang siya sa bewang nito. Nakita niya ang pag-ngiti nito sa review mirror. Kinurot niya ito sa tagiliran.   "Aray!" Natatawang umiwas lang ito.   Pasalamat ka birthday mo..... malilintikan ka talaga sakin.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD