"Nasaan nga pala mga magulang mo?" Tanong ni Hestia kay Eros. Dinala siya nito sa taas ng building ng isang condominium na tinutuluyan nito. Kita niya ang ganda at lawak ng tanawing nasa harap nila. Kalat-kalat ang ilaw sa syudad kaya nagmumukha 'yong bituin sa paningin niya. Magkatabi sila ni Eros sa bench na upuan.
"Nasa France, naaksidente kasi si Kuya Nile no'ng eighteen years old pa lang ako sa pinapasukan nya sa France. Kaya naisipan ni mama na don na lang muna kami habang nagpapagaling si Kuya at isa pa para na rin ma-operahan si papa." Sabi nito saka binuksan ang can.
"Eh bakit umuwi ka?" Tanong niya dito. Nagkibit balikat lang ito saka uminom.
"May kailangan kasi akong gampanan dito."
Tumango-tango lang siya, kinuha niya ang isang tobleron na binili nito. Binuksan niya 'yon.
"Kayo? Bakit naisipan niyong ibenta ang bahay niyo?" Tanong nito sakanya.
"Para maipagamot 'yung kapatid ko. Wala na kasi kaming ibang alam na paraan eh, maaga kasing nawala si papa kaya hirap kaming mag-adjust kung pano kami mabubuhay ng wala siya. Si mama naman mahina na 'yung katawan niya." Hindi niya alam kung bakit nag o-open up siya sa binata.
"Sorry..."
Ningitian lang niya ito saka siya kumagat sa tobleron na hawak.
"Okay lang 'yon, kahit papano nakakaya na rin namin." Nakangiting binalingan niya ito. "Wag mo lang sapilitang kunin ang bahay mula samin dahil wala talaga kaming ibang mapupuntahan."
Tumango-tango ito.
"Nasanay kasi ako na lahat sumusunod sakin. Sanay ako na kinokontrol ko ang mga tao sa paligid ko." Tinapon nito ang beer-in-can sa sulok. Ngayon niya napagtanto na siguro nga may problema kay Eros. Hindi naman niya matuturing na masama ang ugali nito. Naalala niya ang sinabi ni Matet sakanya.
"Totoo ba na nagbebenta ka ng drugs? I mean.." Nakagat niya ang ibabang labi dahil hindi niya alam kung anong sasabihin dito. "...hmmm okay lang 'wag mo ng pansinin ang sinabi ko." Bawi na lang niya. Tumuwid naman ng upo si Eros at saka tumingin sa malayo.
"Oo, tama ka." Sabi nito, tinitigan naman niya ito.
"Kaya ako bumalik dito dahil don." Sabi niyo pagkuwa'y nanahimik.
"Pero bakit?" Tanong niya pa dito. Okay naman ang buhay nito unless naghahanap lang ito ng challenges. Mayayaman nga naman....
"Gusto ko kasing makuha ang buong atensyon ng mga magulang ko. Palagi na lang kasing si Kuya ang inaalala nila." Sabi nito saka natawa ng mahina. "....alam ko na immature kung tawagin, pero ni minsan kasi hindi nila natanong kung ayos lang ba ako. Akala ko kapag bunso ka sayo ang atensyon ng mga magulang mo. " Napailing lang ito. Tumango-tango lang siya, tinapik niya ang balikat nito.
"Ganyan talaga..... pero 'wag mong isipin na hindi ka mahal ng mga 'yon ano kaba." Natatawang sabi niya dito.
"Sana nga no...." Tumatango-tangong sabi nito saka mapait na ngumiti. ".....kaya nga hindi nila naalala na birthday ko pala ngayon."
Natahimik na lang siya. Hindi niya alam ang sasabihin dito. Ilang sandali niya itong tinitigan pagkuwa'y nakaisip siya ng paraan kung paano ito mapapasaya. Ipinulupot niya ang braso sa leeg nito saka hinila.
"Ang arte mo ha?! Birthday mo ngayon kaya 'wag kang mag-drama. Swerte kapa rin dahil kumpleto ang pamilya mo." Natatawang sabi niya saka ginulo ang buhok nito na parang bata. Sumimangot naman ito saka lumayo sakanya.
"Wag mong ginugulo ang buhok ko ah! Sisipain kita diyan!" Nakasimangot na sabi nito. Natatawang tumayo siya at hinila ang buhok nito saka ginulo-gulo.
"Hestia mahal ang gel ko!!" Inis na nilayo nito sakanya ang ulo nito. Hindi niya ito pinakinggan.
"Ikaw!!" Inis na tumayo ito. Nanlalaki ang matang tumakbo siya palayo dito saka umikot sa kabilang upuan.
"Si Eros bata pa! Si Eros bata pa!" Natatawang asar niya dito na lalong nagpa-inis dito.
"Mahawakan lang kita tignan mo!"
At kahit pa tahimik ang lugar na 'yon ay naging maingay 'yon dahil sakanila. At simula nang mawala ang papa niya ngayon lang uli siya nakaramdam ng ganong kasiyahan.....
-----***
"BUKAS mo na lang ako bayaran ano kaba? Gabi na oh wag ka ng pumunta dito." Natatawang sabi ni Hestia kay Matet. Balak kasi nitong pumunta sa bahay nila para lang bayaran ang hiniram sakanya na pera.
"Sige ha? uy sorry ano ba yan puro na lang ako utang sayo."
"Ayos lang 'yon ano kaba." Natatawang sabi niya.
"Sige salamat uli ha? Bukas na lang."
"Okay see you tom." Nakangiting in-off niya ang cellphone saka 'yon nilagay sa loob ng bag. Ginabi siya ng uwi dahil dumaan pa siya sa bookstore para bilhin ang gamit na kailangan niya sa gagawing project. Nagkulang ang pera niya kaya maglalakad na lang siya papunta sakanila. Nang tignan niya ang orasang pambisig ay saktong alas-siyete na ng gabi. Pag-uwi niya pa ay kailangan niya ng asikasuhin ang mga deadline niya kaya siguradong puyat na naman siya.
Nang tumapat siya sa isang malaking bahay ay hindi niya maiwasang mapahinto doon. Ilang beses na niyang nadadaanan 'yon at hindi niya maiwasang humanga sa ganda ng bahay na 'yon.
"Balang-araw ipapa-ayos namin ni mama ang bahay namin. 'Yung ganito din kalaki." Nakangiting sabi niya, napansin niyang bumukas ang gate non kaya gumilid siya dahil baka anong isipin sakanya ng may-ari non. Nakita niyang lumabas ang dalawang bulto ng lalaki.
"Tumawag na ang asawa ko kailangan ko ng umuwi." Sabi ng isang matangkad na lalaki. Medyo madilim sa parteng 'yon dahil poste lang naman ang nagsisilbing ilaw sa daan.
"Come on Sebastian naging under kana rin?" Sabi ng pamilyar na boses na 'yon. Kumunot ang noo niya.
"Bata kapa kaya hindi mo pa alam kung ano ang pakiramdam ng inlove."
"f**k you Sebastian! I'm twenty-one years old and i'm not a child anymore!" Gigil na sabi ng boses na 'yon.
"Pamilyar nga sakin ang boses na 'yon..." Bulong niya saka lumapit sa mga ito. Nakita niyang lumabas pa ang ilang kalalakihan sa bahay na 'yon.
"Alis na tayo?"
Umatras na lang siya nang makaramdam siya ng hiya. Pero nang tumapat ang isang lalaking 'yon sa ilaw ng poste ay hindi niya maiwasang mapangiti. Si Eros nga.....
"Eros?" Tawag niya dito. Bigla naman itong lumingon sa direksyon niya. Ganon din ang mga kasama nito.
"Hestia?" Gulat na paniniguro nito saka humakbang papalapit sakanya. "....Bakit nasa labas kapa? Kauuwi mo lang?"
Nakangiting sinulubong niya ito....
"Galing kasi ako sa Books-----
"s**t HESTIA!"
Napalingon siya sa kanang bahagi ng kalsada nang marinig niya ang matinis at maingay na tunog na 'yon...... saktong paglingon niya ay naramdaman niya ang malakas na pwersang 'yon sa braso niya...... nawalan siya ng balanse..... naramdaman din niya ang pananakit ng katawan niya at ang unti-unting pagbagsak niya.....
"N-no! no! Hestia!!"
'Yun ang huling narinig niya at unti-unting nilamon ng dilim ang paningin niya....
----***
NANLAMIG ang katawan ni Eros nang makita niya ang pagbagsak ni Hestia sa harap niya......
Sa dami ng nagawa niya ay hindi pa niya naramdaman ang ganong klase ng takot. Pero ngayon...... nanginginig ang katawan niya at hindi siya makakilos. Parang nakakulong siya sa kweba, narinig niya ang pagkakagulo ng mga kaibigan niya. Ang iba ay hinahabol ang ducati na 'yon ngunit ang lahat ng 'yon ay umuugong lang sa pandinig niya.
"Eros wake up!! f**k! Dalhin mo siya sa hospital!"
Parang nagising naman siya sa sigaw na 'yon.
"N-no..... Hestia.." Nanginginig na bulong niya. Patakbo siyang lumapit dito at saka kinandon ang ulo nito. Mas lalong nilukob ng pagkatao ang katawan niya nang makita ang dugo sa bibig nito. Binalingan niya si Sebastian.
"K-kuya..... please save her. F-f**k! hindi ko alam ang gagawin ko!" Mangiyak-ngiyak na sabi niya dito.
Natigilan naman si Sebastian at napatitig sakanya pagkuwa'y lumapit sakanila at saka binuhat si Hestia. Sumunod naman siya dito. Pinasok nito si Hestia sa loob ng itim na Van na nasa garahe nito. Pumasok siya sa loob saka hinawakan ang ulo ng dalaga.
Fuck! hindi ko akalain na nakakamatay ang takot!
"Hamigin mo ang sarili mo Eros." Narinig niyang sabi ni Sebastian nang sumakay na ito sa driver seat sumakay na din ang ibang kaibigan niya. Huminga siya ng malalim habang pilit na pinapakalma ang sarili. Ngunit hindi pa rin mawaksi sa isip niya ang nakita kanina. Wala man lang siyang nagawa para iligtas ito!
Nag-init ang sulok ng mata niya....
"What happened to the fearless new King of the underground?" Narinig niyang sabi ni Ellifard. Hindi niya ito pinansin, hinawakan niya lang ang kamay ni Hestia. Nakapikit pa rin ito.
"H-hey may masakit ba sayo?" Nag-aalalang tinapik-tapik niya ang pisngi nito.
"M-m-masakit a-an-ng k-katawan k-ko." Bulong nito ngunit sapat na para marinig niya.
"Ssshh... malapit na tayo." Sabi niya dito saka binalingan si Sebastian.
"....kuya bilisan mo naman oh!" Halos nagmamakaawang sabi niya dito.
"He's not fearless anymore Ellifard. Narinig mo naman tinawag niya 'kong kuya diba?" Sabi naman ni Sebastian saka pinabilis ang pagpapatakbo. Panay lang ang pisil niya sa kamay ni Hestia.
"Well.... well.. well... The King finally found his weakness."
NARAMDAMAN ni Hestia ang pananakit ng katawan. Unti-unti naman siyang dumilat ngunit malabo lang ang nakikita niya. Kinapa-kapa niya ang salamin.
"M-may tao ba diyan?" Tanong niya, maya-maya ay naramdaman niyang may humawak sa kamay niya.
"Hey anong nararamdaman mo?"
Napakurap siya nang marinig ang pamilyar na boses na 'yon.
"Eros?"
Humigpit naman ang hawak nito sa kamay niya.
"Yes it's me.... what do you want?"
"T-tubig..... saka 'yung salamin ko."
"Okay..." Binitawan nito ang kamay niya. Maya-maya ay naramdaman niya na may nagsuot ng salamin sa mata niya. Unti-unting luminaw ang paningin niya. Bumungad sakanya ang nag-aalalang mukha ni Eros.
"Halika aalalayan kitang umupo." Masuyong sabi nito saka pumulupot ang kamay nito sa balikat niya sa likod at inalalayan siyang umupo. Napangiwi siya nang sumigid ang sakit sa balikat niya.
"Ouch..."
"Oh i'm sorry."
Napatingin siya sa mukha ni Eros.
"May masakit ba sayo? Tatawag ako ng Doctor ha?" Sabi nito at akmang aalis. Hinawakan niya ito sa braso.
"Wag na.... nauuhaw lang ako." Sabi niya dito. Umupo naman ito sa tabi niya saka kinuha ang isang baso ng tubig sa tabi ng hospital bed. Inalalayan pa siya nitong uminom.
"Ano nga palang nangyari?" Tanong niya dito. Gumuhit ang guilt sa mukha ni Eros.
"I'm sorry..... wala akong nagawa para tulungan ka." Sabi pa nito. Kumunot naman ang noo niya at unti-unting bumalik sakanya ang nangyari. Nabangga nga pala siya! Pero anong nakabangga sakanya?!
"Sabi ni Doc buti na lang hindi nabali ang mga buto mo. Hindi gaanong malakas ang pagbangga sayo pero nag-alala ako ng husto sayo."
Napatitig siya sa maamong mukha nito.
"I can't forgive myself Hestia...." Sabi pa nito. Lihim siyang napangiti sa sinabi nito. Hinawakan naman niya ang kamay nito.
"Okay lang 'yon... ligtas naman na 'ko eh." Sabi niya dito. Napansin niyang nakatitig ito sakanya.
"Ano nga palang ginagawa mo sa labas? Bakit gabi kana umuwi?' Malamig ang boses nito.
"Bumili kasi ako sa bookstore ng mga materyal na gagamitin ko para sa project." Sabi niya dito. Umiling-iling naman ito.
"Sa susunod tawagan mo 'ko pag ginabi ka ng uwi. Kaya pala hindi kita mahanap kanina." Panenermon nito.
"Sorry na po...." Nakangiting sabi niya. Nagulat siya nang tanggalin nito ang salamin sa mata niya kasabay non ay ang paglabo ng paningin niya.
"Oi! Anong ginagawa mo?" Maang na tanong niya sa kawalan. Inaaninag niya ang mukha nito. Maya-maya ay naramdaman na lang niya ang pagpulupot ng braso nito sa bewang niya kasunod non ay ang pagpatong ng baba nito sa balikat niya na walang benda.
Umawang ang labi niya sa ginawa nito. Napahawak siya sa dibdib nito.
"Ah.... E-eros..."
"Shut up... please let me hug you for a minute. Gusto ko lang maramdaman kung ligtas kana ba talaga." He whispered. Napalunok siya dahil sa sinabi nito, dama niya ang lakas ng kabog ng dibdib niya lalo na nang humigpit ang yakap nito sakanya.
"Ayoko ng maramdaman uli 'yon ..... ayoko na." Sabi pa nito. Naramdaman niya ang saglitang panginginig ng katawan nito at muli ay humigpit ang yakap sakanya. Hinayaan na lang niya ito. Napangiti na lang siya habang nakatingin sa kawalan...