"HEY babe, you want this one?" Binitawan ni Hestia ang maliit na manika at saka binalingan si Eros. Balak niya lang sanang mamalengke pero sumama pa rin ito sakanya. Napatingin siya sa hawak nitong hello kitty. Inirapan niya ito. "Ano ako bata?" Natatawang sabi niya saka hinablot ang hawak nito at binalik 'yon sa cart na lagayan nito. Yumakap siya sa braso ni Eros, hindi niya alam pero nasasanay na siya na laging kasama ito. Masaya siya sa tuwing nasa tabi niya ito. "Wala ka bang bibilhin? Sige na ako na ang bahala." Pangungulit nito. Tiningala niya ito. "Manahimik ka, balak ko lang mag-grocery kung san-san na tayo nakapunta." Napanguso naman ito saka tumingin sa buong paligid. Napahinto ito. "Hey look at that! You like that?" Nakangising sabi nito habang may tinut

