KUMUNOT ang noo ni Eros nang makita ang ginagawa ng kaibigang si Ellifard. Panay ang tuktok nito sa cabinet size ng Billiard table, kinakaskas din ng kuko nito ang cushions at hindi pa ito nakuntento hinila-hila pa nito ang pockets. "What the f**k are you doing? Gusto mo bang masapok ni Grey?" Sabi niya dito. Lumabi lang ito saka nakapamulsang binalingan siya. "I'm just bored." Tipid na sabi nito saka sumandal sa gilid ng billiard. Naghalukipkip siya. "Bakit wala bang buyer ngayon?" Tanong niya dito. Wala pang nakukuha na magiging kapalit niya si Grey. Ang napipisil kasi ni Grey ay si Clifford, magaling si Clifford sa pakikipag-transaction sa mga buyer ng supply nila. Pag sila kasi ang kuma-usap sa mga buyer maiinitin ang dugo nila. "Mr. Tan.... pero nagdadalawang-isip ak

