Kuryente Hindi ko magawang makakilos. Mabilis ang aking paghinga at sinusubukan kong makipagmatigasan sa mga titig na iyon ni Jery. Kitang-kita ko kung paanong ang mga mata niya'y bumaba sa aking labi. Bumuka ang bibig niya at nagpakawala ng buntong hininga habang hindi tinatanggal ang mga tingin sa akin. Napalunok ako. Sa sobrang lapit ng mukha namin ay gusto ko na siyang haplusin. Ewan ko ngunit may isang bahagi sa akin na gustong hawakan ang pisngi niya. Haplusin siya sa aking mga palad at damhin. Hindi ko maipaliwanag ang nakikita ko dahil dahan-dahang lumalapit ang mukha ni Jery sa akin. Ayaw kong umiwas. Ni ayaw kong kumurap. Tila naghihintay ako sa mga susunod na magaganap. Marahil ay isang daliri na lamang ang pagitan ng aming mga labi nang marinig ko ang mahinang boses ni Jery

