Pamilyar Nagbalik kami sa loob ng hotel. Ang plano kong pag-alis ay hindi na natuloy. Habang inaalalayan ako ni Jery ay hindi ko maitatatwang maraming mga matang nakatingin sa amin. Karamihan ay mga kababaihan na marahil ay empleyado rin ng TSB. Nakita ko pang umismid ang isang babae at pinasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa. May mga nakita rin akong nagbubulungan. Hindi ko alam kung guni-guni ko lamang ngunit parang ako o kami ni Jery ang pinag-uusapan nila. Iginiya ako ni Jery sa isang mahabang mesa. Naroroon nakaupo ang mga matataas ang posisyon na tao. Ang CEO ng The Simple Buffet at CEO ng Harmonie Agency ay naroroon at masayang nagkukwentuhan. Nakita ko pa si Ms Mendez na kumaway sa akin. Nahihiya ako at hindi ko maiwasang itanong sa sarili kung tama ba na rito rin ako pup

