Kasal Nag-ring ang kabilang linya. Pangatlong dial ko na ito. "Hello?" Napangiti ako nang marinig ang boses ni Kathy. "Hi Kathy. It's me, Mylah." Narito ako ngayon sa loob ng aking silid. Isang linggo na lang at kasal ko na. "Mylah? As in Mylah Cortez?" Napangiti ako sa tila hindi makapaniwalang boses ni Kathy. Kailan nga ba kami huling nagkita at nagkausap? Napakabilis ng panahon at narito ako ngayon, tinatawagan siya para sa magaganap na kasal ko. "Bruha kaaah! Ano na ang nangyari sayo?" mataas na tono ng boses niya. "Sorry ngayon lang kita natawagan, ha. Marami kasing nangyari. Ang hirap isa-isahin..." Pinagmamasdan ko ngayon ang wedding gown na nakalatag sa kama ko. Puting-puti at nabuburdahan ng hugis bulaklak at mga dahon. May mga mumunting bato rin na nakapaligid sa laylayan. Ma

