Ina "M-Mama?" s**t! Nakita ba niya? Alam ba niyang may nangyari sa amin ni Jery? Marahang lumapit sa kinatatayuan ko si mama. Nagtaka ako nang may sumilay na ngiti sa kanyang bibig. "Nakita kong hinalikan mo siya, anak." Hinintay ko kung ano pa ang ipapahayag niya. "Mahal mo siya?" Napatungo ako. Aaminin ko ba sa kanya? Bigla niya akong niyakap. Mahigpit. Naririnig ko ang kanyang paghikbi. "Mahal mo siya pero ikakasal ka sa kapatid niya..." Napasinghap ako. Hindi ko siya maintindihan. Inalalayan ko siya para makalabas ng silid. Anoman ang nakita ni mama, anoman ang isipin niya, wala na rin namang halaga. Lumapat ang pinto. Bigla akong iniharap ni mama sa kanya. Para akong binuhusan ng nagyeyelong tubig sa sinabi niya. "Makinig ka, anak. Pauwi na ang mga magulang ni Jery. At paparito si

