Honey Pabalik na kami ng Maynila. Si Jery ang nagmamaneho dahil nauna na si Drake nakauwi kahapon. Nagawa pa rin namang maging masaya ang mga huling oras na inilagi namin sa beach. Sinubukan ko ring maging masaya. Sinamahan ko si Jake na libutin ang kahabaan ng lugar, tulak ko ang wheel chair niya. Si Jade, kahit ayaw niyang kasama sina Dolores ay napilitang makisali dahil hindi niya napilit si Jery. Hindi ko na alam kung anong oras kami naghiwalay ni Jery kagabi. Siya sa kanyang silid, at ako sa cottage. Na pagkatapos ng pag-uusap namin ay hindi na ako muling tinapunan ng tingin. Si Tita Sol lang ang kausap niya at ang laptop niya na dinala pala niya. Katwiran niya, marami raw siyang trabaho. Parang walang nangyari. Wari ay wala siyang sinabi. Na mahalin ko ang kapatid niya. Naitanong

