CHAPTER 41

1892 Words

Buhangin Ilang dipa lamang ang layo ni Jery mula sa kinatatayuan ko. Hindi na ako nagulat nang isang lata ng beer ang kanyang tinungga. Katulad ko rin ba siya? Hindi makatulog? Hindi matahimik? Napabuntong hininga ako. Naalala ko kung paano niya ako niyakap kanina. Baka nga nagsisinungaling lamang ang mga mata ko. Halo-halo kasing damdamin ang nakita ko sa kanya kanina. Para bang totoong nag-alala siya. Para bang mahalaga pa rin ako. Nagpasya akong tumalikod na at iwan siya. Hindi ko rin naman siya kayang harapin. Nilingon ko pa ang maalong dagat. Ang sarap sanang lasapin ang ganito kagandang paligid. Malamyos na liwanag, malamig na hangin, tahimik, payapa... "Bakit gising ka pa?" Napapitlag ako nang marinig ko iyon. Alam kong boses iyon ni Jery. Nagkunwari akong walang narinig at huma

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD