SEVENTEEN
PRISTINE
Nanginginig ang mga kamay ko habang hawak ang invitation na ipinadala ni Sorchia. Pakiramdam ko nang makita ko pa lang ang itsura nito, tinakasan na kaagad ng lakas ang bawat himaymay ng katawan ko.
I put the invitation down then took a sharp breath. May takas na luha sa aking kanang pisngi na madalas nang nagsunod-sunod. Nakagat ko ang ibaba kong labi nang maramdaman ko na ang matinding kirot ng dibdib ko. Kumawala ang aking mga hikbi at pakiramdam ko hindi ko na magawang ikilos ang mga kamay ko para punasan ang basa sa aking pisngi.
Chadler is getting married...
Chadler is marrying someone...
And that someone is not me.
Nabalot ng sari-saring emosyon ang puso ko. Sinubukan kong tumayo pero masyadong nanghihina ang mga tuhod ko dahil sa sakit na nararamdaman.
Naikalso ko ang aking mga kamay sa mesa at nagtuloy-tuloy ang aking mga hikbi. Nang hindi ko na kinaya pa ay pinagtatapon ko lahat ng mahawakan kong nakapatong sa mesa. Pati ang lahat ng madampot ko naihagis ko na habang sumisigaw sa galit at sama ng loob.
The pain is so unbearable. Pakiramdam ko kapag hindi ko ito nailabas sasabog na lang ako.
Naikalso ko ang likod ko sa malamig na pader. Unti-unting nanlambot ang mga tuhod ko hanggang sa tuluyan akong napaupo sa sahig.
I covered my face with my palms, trying to stop myself from crying hard. Pero hindi ko talaga kaya. Masyadong masakit. Hindi ko matanggap.
Bakit gano'n? Bakit ko kasi siya pinakawalan noon? Bakit ang bilis niya akong kinalimutan? Bakit hindi ako umuwi kaagad at humingi ng tawad? Bakit...bakit hindi kami ang ikakasal?
Mahal na mahal ko pa rin si Chadler at alam kong malaki ang kasalanan ko sa kanya. Ako ang nagtulak sa kanya para mapunta sa ibang babae.
Inuna ko ang takot ko at ang kagustuhan kong maabot ang mga pangarap ko. Kung hindi ako umalis ng Remorse, baka hindi kami umabot sa ganito.
Sana ako pa rin 'yong mahal niya. Mga braso ko pa rin ang nakapulupot sa leeg niya habang hinahalikan niya ako. Mga kamay ko pa rin ang hawak niya habang sinasabi niyang ako ang gusto niya.
Hindi ko matanggap. Tatlong araw mula ngayon ang kasal at heto ako, milya-milya ang layo mula sa lalakeng mahal kong balak nang magpakasal sa iba.
Hindi pwede. Ayaw kong makita siyang ikasal sa iba. Baka mabaliw ako. Baka mamatay ako sa sobrang sakit na nararamdaman.
Inalis ko ang restrains ko saka ako kumunekta kay Dad. Alam kong maaari siyang kumontra sa gusto ko pero wala na akong magagawa. I need to get home as soon as possible. I need to stop Chad from marrying someone else.
--
I wiped my tears away as I watch him kiss his bride. Mahigpit ang hawak ko sa aking maleta habang pinapanood kung papaanong ianunsyo ng kanilang Alpha ang pangalan niya at ng babae bilang isa.
Bakit gano'n? Bakit hindi mo ko nahintay?
Was I a little too late or your patience is just a little short?
I breathed sharply as I decided to turn my back on them...on him. I have to save myself from falling apart. I have to runaway from this scene. Habang may lakas pa ang mga paa ko para humakbang palayo, lalayo na ako.
It was so hard to take my first step. Parang bibigay ang mga tuhod ko habang hila-hila ang aking maleta. I clutched the cloth on my chest as I tried to keep myself from crying but my tears just betray me everytime I try to hold them back.
Kaunti na lang, Ris... Kaunti na lang...
Dinig na dinig ko ang mga palakpak...pero mas malinaw kong naririnig kung paano niya akong kausapin sa aking isip.
"Masaya ka na ba, Ris?" He asked.
Huminto ako sa paglalakad. Lumalim ang aking paghinga nang madama ang matinding kirot ng aking dibdib.
Mapakla akong ngumiti. Lumandas ang luha sa aking pisngi. "B-Bakit hindi? Y-You're with h-her n-now..." I mumbled in my mind.
"This is what you want, right?" He mumbled, tila nanunumbat.
Humigpit ang aking hawak sa maleta ko. Marii kong pinagdikit ang aking mga labi habang pilit na pinipigilan ang sariling humagulgol.
I took in a sharp breath. "I'm h-happy for you and her..."
"Thank you." He mumbled.
Hindi ko na napansing nasa likuran ko na sila. Nilampasan nila ako ng magkahawak ang kamay.
Para akong mamamatay sa sakit. Pinanood ko silang lumabas ng pinto ng hall saka ko pilit sinalat ang pinakamalapit na upuan. Naupo ako roon at nang maubos na ng tuluyan ang mga tao, tuluyan akong humagulgol.
"Chad..."
"Chad, please..."
"Chad don't do this."
Kumawala ang mga hikbi ko habang patuloy na nagmamakaawa sa kanya. Mayamaya'y nagising na lamang ako sa mahinang yugyog ni Dad sa aking balikat.
Nang imulat ko ang mga mata ko ay nasalubong ko ang puno ng awa niyang tingin. Lalo lamang akong naiyak. I know how much my Dad hates to see me like this but with him, I can't help but to show how fragile I am.
He's always been my hero. Sa kanya ko naramdamang ligtas ako palagi at hinding-hindi ko mararanasang umiyak pero sa mga oras na ito, kailangan ko siya para masandalan ko dahil kung hindi, baka mamatay ako sa sakit at kakaisip.
"Daddy..." My voice cracked.
Gumuhit ang matinding lungkot sa mga mata niya. Pinunasan niya ang basa sa aking pisngi saka niya ako ipinahilig sa kanyang balikat habang hinahagod niya ang aking likod.
"Tahan na, Ris." He mumbled softly before pecking a kiss on top of my head. "Tahan na, nak."
Mariin akong pumikit saka ko niyakap ang braso ko kay Daddy. Hinayaan ko ang sarili kong mailabas lahat ng sama ng loob ko dahil sa masamang panaginip na 'yon.
"Pababa na ang eroplano. Sigurado ka bang didiretso ka ng Galum? Ris, hindi ko ata kakayaning panoorin kang mas masaktan pa keysa sa nakikita ko ngayon." Puno ng awa niyang tanong.
Umayos ako ng upo saka ako tumango. Dad used a private plane to pick me up as soon as I called him. Mukhang inaasahan na niyang mangyayari ito kaya isang tawag ko lamang ay lumipad siya kaagad ng States.
"Gusto ko siyang puntahan, Dad. Gusto kong gumawa ng paraan habang hindi pa huli ang lahat. May ilang araw pa. B-Baka... Baka mabago ko pa ang isip niya... B-baka bumalik pa siya sa'kin." Untag kong pilit na pinipigilan ang aking mga hikbi.
Isang basag na ngiti ang gumuhit sa labi ni Dad. Hinaplos niya ang aking pisngi saka siya nagpakawala ng marahas na buntong hininga.
"Ito na nga ba ang kinakatakot ko. History is repeating itself in a terrible manner." He murmured.
Kumunot ang aking noo. "Bakit, Daddy?"
"Your Mum got engaged with your Uncle Rouge before. Hindi na namin pinaalam sayo ang bahaging iyon ng nakaraan pero halos mabaliw ako no'ng malaman ko 'yon..." Tugon niya.
"Anong ginawa mo Dad?" Kunot-noo kong tanong.
Mapakla siyang ngumiti. "No'ng hindi pa nagpupunta ang Mum mo sa akin para humingi ng tulong, ang dami ko na ring ginawa para makuha siya ulit pero palagi na lang akong pinapangunahan ng takot kapag nasa parte na akong makakausap ko na siya. I know how painful it is to see the one you love with someone else. Trust me, honey. I know how it feels like...kaya natatakot ako para sayo. Ayaw kitang makitang pagdaanan lahat ng pinagdaanan ko pero kung disidido ka na, hindi na kita pipigilan."
Pilit akong ngumiti saka yumakap kay Dad. "Thank you, Daddy. Thank you."
"Tatagan mo ang loob mo ha? Kailangan mong mabawi si Chadler para mabugbog ko sa susunod." He joked.
Mahina rin akong natawa. "Daddy naman."
"I was just joking, honey." He mumbled.
-
Nang lumapag ang eroplano, pinasakay kaagad ako ni Daddy sa kotseng nakaabang sa airport. Surprisingly, its driver is tito Jomyl--Remorse's one of the fastest and best drivers. Halos paliparin niya ang sasakyan patungo ng Galum.
Nagkamustahan kami habang nasa byahe papunta ng kanilang bayan pero lahat ng tanong ko sa kanya ay puro tungkol kay Chadler at sa kasal. Sumasagot naman siya pero mas maraming tanong na pinili niyang iwasang sagutin dahil baka masaktan lang daw ako.
Tito Jomyl brought me to a boutique. Nang maiparada na niya ang kotse sa harap ng shop ay mahina niyang tinapik ang aking balikat.
"Nandyan si Chad para sa final fitting ng suit niya. Kung disidido ka na talaga, hindi na kita pipigilan, Ris." Untag niya.
Huminga ako ng malalim bago ako bumaling sa kanya. Pilit akong ngumiti saka tumango. "Disidido po ako. Salamat, tito Jomyl."
Isinenyas na lamang niya ang kanyang ulo. Nang makalabas ako ng sasakyan niya ay doon lamang siya umalis.
Humugot ako ng malalim na hininga bago ako pumasok sa shop. Halos lahat ng damit halatang para sa mga okasyong gaya ng kasal. May dalawang ball gown na kulay puti na nakadisplay sa bungad. Pink at white ang pintura ng shop at halatang talagang pinalabas ang pagiging elegante ng kanilang mga damit dahil sa interior ng boutique.
Pagpasok ko ay kaagad akong nilapitan ng babaeng nasa front desk. Matamis siyang ngumiti sa akin saka nagtanong kung may schedule na ba ako.
Umiling ako. "Kailangan kong makausap si Chadler Rickfort. Nasaan siya?"
Unti-unting naglaho ang kanyang ngiti. May tinignan siyang direksyon at bago pa siya makapagsalita ay dali-dali na akong humakbang papasok sa isang kwarto.
Naabutan ko si Chad na ibinubutones ang manggas ng puting suit na suot niya habang ang designer ay pinapagpag at inaayos ang kanyang likod.
Nang bumukas ang pinto ay sabay silang napatingin sa akin. Kumunot ang noo ni Chad sa akin pero hindi siya nagsalita. Ilang segundo lang niya akong tinignan. Nang makita niyang bubuka na ang bibig ko para magsalita ay bigla niyang iniwas ang tingin niya sa akin.
Lumapit sa akin ang babaeng designer na tantya ko ay matanda lang sa akin ng ilang taon. May kulay na gray ang buhok niya at floral ang dress na kanyang suot.
"Miss, bawal ka po dito. Kailangan mong maghintay sa labas para sa appointment." Malumanay niyang paliwanag.
Umiling ako. "Gusto ko siyang makausap."
Humakbang ako palapit kay Chad saka ko hinawakan ang braso niya dahilan para matigilan siya.
He stiffened and gazed at my hand in a fierce manner. Umigting ang panga niya pero hindi siya nagsalita.
"C-Chad..." Nagsimula na namang mangilid ang mga luha ko.
Tinignan ni Chad ang designer. Sinenyas niya ang kanyang ulo. Mayamaya ay narinig ko na lang ang pagbukas-sara ng pinto.
Hindi pa rin siya nagsalita. Hinayaan lang niya akong nakahawak sa braso niya kaya nang makakuha ako ng pagkakataon, mabilis kong niyakap sa kanya ang mga braso ko.
Sumara ang mga mata ko nang maramdaman kong nanigas siya sa kinatatayuan dahil sa ginawa ko.
I inhaled his manly scent I craved for a long time. The sweetest scent I wanted to linger in my nose everyday I'll wake up.
"Chad...huwag mong gawin 'to, please..." I mumbled, my voice already shaking.
Nakagat ko ang ibaba kong labi nang hindi siya nagsalita. "I want you back, babe...please...ako na lang ulit...akin ka na lang ulit." Tuluyang nabasag ang aking boses at pumatak ang aking mga luha.
Humigpit ang yakap ko sa kanya habang nakabaon ang mukha ko sa kanyang dibdib. "Kasalanan ko. Ako ang nakipaghiwalay sayo pero alam ko sa sarili kong ikaw pa rin ang mahal ko. Please, Chad. Bumalik ka na sa'kin. Huwag kang magpakasal sa iba...hindi ko kaya...Mahal kita."
Tuluyang kumawala ang mga impit kong hikbi pero nanatili siyang tahimik. Nang lumipas ang ilang sandali ay kumawala ang marahas niyang buntong hininga. Hinawakan niya ako sa magkabilang braso para tignan.
Inangat ko ang aking tingin para masalubong ang kanyang mga matang walang emosyong nakatingin sa akin.
"Are you done?" He asked coldly.
Nakagat ko ang ibaba kong labi nang lumandas ang luha sa aking magkabilang pisngi. Mahina kong tinango ang aking ulo.
"Buti naman." Walang gana niyang sagot saka niya kinalas ang mga braso ko.
Nanigas ako sa kinatatayuan ko nang bigla na lang niya akong talikuran saka siya lumabas ng pinto at iniwan ako.