Chapter 16

1438 Words
SIXTEEN PRISTINE "Tapusin na natin 'to..." "Tapusin na natin 'to..." His last line before he blocked the connection, still echoes in my head. Minsan ay hindi ko na napipigilan at kahit matagal na panahon na mula nang maghiwalay kami, naiisip at nararamdaman ko pa rin 'yong sakit na naramdaman ko noong araw na 'yon. Chad blocked the connection and I chose to block him in everything that connected us. Pakiramdam ko noon ay tinalikuran na talaga niya ako noong i-block niya ang mindlink namin. Siguro dahil ako naman talaga ang unang bumitaw. Sabi ni Knight, gano'n naman daw ang mga tao. Kapag pakiramdam natin ay ayaw na sa atin, gumagawa tayo ng paraan para gumanti. Siguro nga personal na pagkikita na lang ang kailangan namin para putulin ang bond na mayroon kami. Ayaw kong isiping hindi na namin maibabalik sa dati ang lahat, pero iyon ang nararamdaman ko. Three months after Chad and I broke up, Uncle Hank and his family visited Uncle Rouge. Kasama nilang dumalaw si Knight at Phyam. Nagkamustahan kami ni Knight at nabanggit niyang napansin niya ang matinding pagbabago kay Chadler. Sabi niya ay madalas hindi ito nakakausap unless tungkol sa pack niya ang pag-uusapan. He even avoided Knight and our common friends. Sa totoo lang ay lalo lamang akong nasaktan dahil sa balitang 'yon. Para bang sinasabi na talaga niyang ayaw niya nang magkaroon kami ng ugnayan at pati ang mga kaibigan namin ay iniwasan niya. Nang hindi ko na kinaya ang sama ng loob ko sa sarili ko at kay Chad, humagulgol ako noon kay Knight. He tried to comfort me, telling me that everything's going to be alright soon. That happened a year ago...and I never heard anything from Chad after that. Sinabihan ko ang mga kaibigan kong iwasan nang banggitin ang kahit na anong tungkol sa kanya. Naintindihan naman nila dahil alam nilang ito na lang ang paraang nakikita ko para hindi na ako lalong masaktan. Tiniklop ko ang librong binabasa ko saka ako lumabas sa veranda ng aking silid. Pinagmasdan ko ang madilim na langit at dinama ang malamig na ihip ng hangin. I shut my eyes as I inhaled the woody crisp scent of the pine trees surrounding the back part of the house...ngunit maling desisyon yata ang ginawa ko. Dahil kahit higit isang taon na ang nakakalipas matapos kaming bumitaw sa isa't-isa, magkaroon lang ng isang bagay na magpapaalala sa kanya, mararamdaman ko na naman ang sakit na dinulot ng paghihiwalay namin. I can clearly see it in my mind. How we ran through the woods, how that branch broke and Chad ran towards me to catch me. I lifted my hand to touch my lips. I can still feel it... I can still that first kiss...my first kiss. Humapdi na naman ang gilid ng aking mga mata dahil sa naisip. Nararamdaman ko na naman ang pagsisisi kong bumitaw kaagad ako. Tama nga sila. You will only realize someone's value once they already gave up on you. You will regret the things you've done once it's already too late. I regret being that childish. I regret feeling scared that day. I regret losing Chad... CHADLER I shut my eyes then threw the paintbrush on the table. Hinilot ko ang bridge ng ilong ko saka ko binagsak ang sarili ko sa sofa. I rested my head on its backrest and inhaled the comforting scent of paint...but it's just not enough. I want something more...I need something else... I want her. I need her. Pero siya? Mukhang hindi na. Bumitaw siya ng gano'n-gano'n na lang siguro dahil una pa lang hindi naman na talaga ako ang gusto niya. Ang tanga ko rin. Alam ko namang si Knight talaga ang gusto niya noon pero sumugal pa rin ako. I let my wolf crave for her scent, for her touch, for her love...and I gave her the permission to hurt me the way nobody else did. Pinapasok ko siya sa buhay ko para hayaan siyang saktan ako. What a stupid decision. Sana pala, pinanindigan ko na 'yong tampo ko sa kanya noon. Sana hindi na ako nagpadala sa nararamdaman ko. Sana noon pa lang pinaubaya ko na talaga siya sa taong totoong gusto niya... That day, when we decides to break up, akala ko kakayanin ko. Akala ko parang noon lang na madadala ko sa patampo-tampo at galit sa kanya ang sakit na naramdaman ko pero mali ako. Kahit na anong tampo ko, isang kita ko lang sa mukha niyang ako mismo ang nagpinta, para na naman akong tuta na handang bumuntot sa kanya. I was so lost without her. Sumabay pa ang problema ko sa mga preso sa quarters. May ilan sa kanilang napatay ko na sa sobrang ikli ng pasensya ko. I can't help it. I don't have my anchor...I don't have my Pristine Hope. Para akong basag na boteng walang silbi. I avoided our common friends and eve Knight. Mas mabuti nang hindi kami mag-usap munang magkaibigan kaysa sa tuwing titignan ko siya, ang naiisip ko, kaharap ko 'yong lalakeng totoong gusto ng babaeng gusto ko. Ayaw kong palalain ang mga bagay kaya hangga't maaari, ako na lang ang umiwas. If she needs time to realize that she really love me then fine. Mag-isip ka lang diyan habang ako para nang nauupos na kandila sa sobrang pangungulila ko sayo. Lumala ang problema sa mga preso pero isang araw, nagawa kong pakantahin ang isa sa kanila. Quen and I led the pack to the place that prisoner told us but that was a wrong move. Napalibutan kami ng mga kalaban. Nakalabas ng buhay ang kalahati ng grupo namin pero walo sa deltas ay nakuha ng mga kalaban. Wala akong choice noo kung hindi ang gumawa ng paraan para hanapin ang sumunod na kuta ng mga kalaban. Kahit mamamatay na ako sa pagungulila kay Hope hindi ako makalipad papuntang States dahil sa responsibilidad ko. Nakuntento ako sa pagpinta sa mukha niya. Nakuntento ako sa mga alaalang mayro'n kami. Pero kahit kailan hindi 'yon magiging sapat. I got motivated to resolve all the problems so I could finally fly to States to beg for her to come back. Nagawa naming ma-trace kung saan dinala ang deltas. Nang mairescue namin sila, inayos ko lahat ng kailangan sa Galum at ibinilin muna ang pack sa Beta ko. I bought the first trip to States that day. Kahit na wala pa akong pahinga at hirap magpahilom ng sugat ang katawan ko dahil malayo si Hope, kahit bugbog pa ang mga kalamnan ko dahil sa matinding laban, bumyahe ako papuntang States. I got the address from Nicky. Nang lumapag ang eroplano, wala na akong ibang inisip kung paano ako magmamakaawa sa kanyang bigyan pa ng isang pagkakataon ang relasyon namin. I will get on my knees if needed. I will cry my heart out if she wanted to. I will recite all the cheezy lines she'd love to hear if that's what it'll takevto have her back. I badly want her back. But the moment I saw her leaning on Knight's shoulder, all my hopes to fix our broken relationship, were gone. Nanigas ang katawan ko sa kinatatayuan ko. Nasa parke sila at hinahaplos ni Knight ang buhok ng babaeng dapat ay akin pero mas may karapatan siyang angkinin habang ako, higit limampung hakbang ang layo mula sa kanila, parang nauupos na kandilang gusto na lang patayin ang sarili. Napamulat ako nang bumukas ang pinto ng gallery. Nabaling ang tingin ko sa babaeng may bitbit na tray at may matipid na ngiti sa labi habang nakatingin sa akin. Naglakad siya papalapit sa akin saka niya nilapag sa maliit na mesa ang tray na may lamang dalawang slice ng blueberry cheese cake. "Uncle Draco taught me how to make this. Be the judge." She chuckled softly. I forced a smile at her. Umayos ako ng upo at dinampot ang tinidor sa gilid ng platito. Humiwa ako ng kapiraso sa cake saka ito sinubo. She patiently waited for my reaction. I smiled at her then nodded my head. "Manang-mana ka sa Mommy mo. Buti hindi tumataba si Alpha Layco? Masarap 'to. Can I have more?" "Sure. That's for you. I baked it for you." She mumbled with a sweet smile. "Salamat, Sorch...for everything." Tugon ko. Matamis siyang ngumiti. "Walang anuman. Oo nga pala," binuksan niya ang bag niya at may nilabas na kulay gold at black na sobre. "dumating na ang mga invitation. Kailan tayo magsisimulang magbigay nito sa mga iimbitahan? Sino ring mga uunahing bigyan?" Nilapag ko ang tinidor saka ko pinagsalikop ang mga palad ko habang nakakalso ang mga siko ko sa magkabila kong tuhod. "Let's start as soon as possible...huli nating bigyan si Pristine." Untag ko. Kumunot ang kanyang noo. "Sigurado ka?" Sumandal ako sa backrest ng sofa at binaling ang tingin sa puting kisame habang may mapaklang ngiti sa labi ko. "Oo...huli mong bigyan si Pristine..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD