FIFTEEN
PRISTINE
I flipped the page of the book I'm reading while taking a sip on my favorite coffee--espresso. Mahina kong hina-hum ang kantang pinapakinggan ko habang ginagawa ko ang homeworks ko.
The second semester started well. Karamihan pa rin sa blockmates ko ay ang previous classmates ko kaya naman hindi ako nahirapang mag-adjust. May mga bago man nadagdag at ang ilan ay nawala, still, I coped up easily. Mas nahirapan pa nga akong mag-adjust sa long distance relationship namin ni Chad keysa sa mga kaklase ko.
Naging maayos ang pag-aaral ko. I got more inspired to excell in school since that unforgettable summer break. Madalas kaming nag-uusap ni Chad gamit ang isip pero kapag hindi kami makatiis, nagvi-video call kami. Madalas ay hanggang sa makatulog ako, naka-on ang aking laptop. Hinahayaan ko na lamang siyang panoorin akong matulog. He said it helps his wolf calm down. Alam ko namang hangga't hindi niya naibibigay sa akin ang kanyang marka, mas mahihirapan siyang kontrolin ang wolf niya. The fact that he's an alpha now makes it even more complicated. He's linked to each and every lycan in Galum. Sa kanya naka-depende ang pangunahing lakas ng mga ito.
I became busier with school but I always find time to talk to Chad. Ganoon din naman siya. Kahit pa napakarami niyang ginagawa sa Galum, hindi niya hinahayaang mawalan siya ng oras sa akin.
"Babe...It's been three months." He mumbled. Paos at halatang pagod ang kanyang boses habang kinakausap ako sa aking isip.
Inilapag ko ang tasang hawak ko saka ko ipinagsalikop ang aking mga palad. "I know, babe. Nami-miss na kita. Kamusta ang Galum?"
He let out a sharp sigh. "Doing great, I guess? But I'm not. I'm dying to see you."
Sumilip ang isang ngiti sa aking mga labi dahil sa narinig. Ipinikit ko ang aking mga mata at inisip ang bawat detalye ng kanyang mukha.
"Chaddy..." I mumbled.
"Hmm?" Tugon niya.
"I love you." I whispered sweetly, imaging that I'm really whispering it on his ear.
"I love you more. Damn, I craved for you even more, babe. Why are you doing this to me? This is torture." Reklamo niya.
Mahina akong natawa dahil sa kanyang reaksyon. "Keep yourself busy, instead para hindi mo ako maisip. Mag-paint ka kapag wala kang ginagawa."
"Well, that's even harder." He mumbled.
Bahagyang nagsalubong ang aking mga kilay. "Bakit naman?"
He let out a sharp sigh. "Because everytime I'll hold a brush, all I wanted to paint is your beautiful face. Magkakaroon na ako ng exhibit sa dami ng paintings mong nagawa ko. Hindi ko naman pwedeng ibenta ang mga 'to."
Napangisi ako. "At bakit? Ayaw mo 'yon may mga bibili sa mga gawa mo? You'll earn money by doing what you love."
"Hell no. Never in my life I'll let someone else have these paintings. Baka maka-patay lang ako kapag naisip kong may ibang tumititig sa mukha mo gamit ang paintings na 'to. Would you like me to be a murderer? Would you marry a murderer?" He mumbled. I can imagine his face right now. Nakataas panigurado ang kanyang kilay.
I giggled with what he said. What a possessive boyfriend. "I wonder. Ganyan din ba noon ang Dad mo kay Luna Meiko?"
Umismid siya. "Mas malala pa. Hindi mo nakita ang opisina niya noon. Nakapinta sa dingding ang mukha ni Mom."
Napailing ako. Ang lakas pala talaga ng tama ni Alpha Pearce kay Luna Meiko noon.
"Mabuti na lang hindi ka pa umabot sa gano'n. Nakakahiya naman kung sa tuwing may papasok ng opisina mo makikita nila ang mukha ko sa pader." Untag ko. Sumandal ako sa backrest ng upuan saka ako muling sumimsim ng kape.
"Uhh, papunta na rin do'n. Baka kapag hindi pa kita nakasama ulit lahat na ng pader ng bahay at opisina ko may mukha mo." Mahina siyang natawa.
I shook my head. "You're joking, right?"
"Who said I do, babe?" He muttered.
"Chad naman nakakahiya." Reklamo ko.
He chuckled softly. Napapikit ako nang marinig ang kanyang halakhak. Ang sarap talaga nito sa tenga.
"I was just kidding, Hope. Don't worry. Hindi ko bibigyan ng dagdag na sakit ng ulo ang sarili ko. Ayaw kong maging gwardya ng mga pader para lang paalisin lahat ng tititig." He mumbled.
Natawa na lamang ako sa sinabi niya. Chad really has a crazy side...I wonder if he's aware of it? Para kasing hindi. Akala niya yata ay seryoso pa rin ang sinasabi niya. Ganoon ba talaga ang matatalino? Sarcasm is already a part of their system?
"Oo nga pala. Nabalitaan mo na ba? Sabi ni Nick naghiwalay sina Zydler at Sorch." May bahid ng lungkot kong tanong.
Bumuntong hininga si Chad. "Oo, last week. Kasama ko si Sorchia kahapon. She said Zydler cheated on her. Gago talaga ang isang 'yon."
Tumaas ang aking kilay. "'Wag ka namang ganyan magsalita kay Zyd. Kaibigan ko 'yon."
"Babe, I'm just stating a fact. Gago naman talaga si Zydler. Alam mo bang pinaasa niya rin ang kapatid ko? Hindi mo ko masisisi kung maiinis ako sa kanya. He made a fool out of Yesha." Inis niyang tugon.
"Hindi naman sigurado kung talagang nag-heat siya. Kilala ko si Zydler. Kahit sino mami-misinterpret talaga ang mga kilos at salita niya. Lumaklak 'yon ng isang tangkeng sarcasm pero kahit gano'n 'yon hindi 'yon basta mananakit ng babae. Baka naman may nagawa si Sorch kaya sila nagkaganyan." Hindi ko na napigilang sabi. I am not against Sorchia pero may parte sa aking gustong ipagtanggol ang kaibigan ko. Kaibigan ko rin si Sorchia pero mas malapit ako kay Zyd. Kahit na mukhang loko-loko 'yon alam kong hindi niya 'yon magagawa.
"Ayaw mong pagsalitaan ko si Zyd pero ikaw naman ang nag-ja-judge kay Sorchia. Mabuting tao si Sorchia, Pristine. Kung may gago man sa kanila si Quinnser 'yon. Nagawa niya nga kay Yesha magagawa niya ulit sa iba." Galit niyang sabi.
Parang nagpanting ang tenga ko sa sinabi niyang pangalan. Pristine, huh? Fine.
"Hindi ko alam kung dahil lang ba talaga nasaktan ni Zydler si Yesha o talagang totoo 'yong mga sabi-sabi noong may gusto ka kay Sorchia. Baka naman gusto mo nga siya at nagseselos ka lang sa kaibigan ko?" Nakakuyom na ang aking mga kamao ko sa inis. Hindi ko pa rin matanggap na tinawag niya akong Pristine.
Inis siyang natawa. "Binabaliktad na ngayon, hmm? Si Knight ba siniraan ko noon para pagbintangan mo kong nagseselos kay Zydler kaya ako ganito sa kanya?"
Naningkit ang mga mata ko. "Iba 'yong kay Knight."
"Pareho lang 'yon! Tangina mas masakit 'yon! Hanggang ngayon hindi ko matanggal 'yong selos ko kasi alam kong gusto ka rin ni Knight at anumang oras pwedeng-pwede ka niyang maagaw sa'kin dahil siguradong hanggang ngayon, gusto mo pa rin siya!" Tuluyang tumaas ang boses niya.
Nagngitngit ang mga ngipin ko sa galit to the point na nangilid na ang aking mga luha.
"I can't believe you'd ever raise your voice at me..." Nanginig ang aking boses at lumandas ang luha sa aking pisngi dala ng galit at sama ng loob.
"I-I'm sorry. Hope I'm sorry." Biglang lumambot ang kanyang tinig. "Babe, nadala lang ako. Pagod ako, namimiss na kita, at naiinis ako. Sorry."
Pinalis ko ang aking mga luha saka ako humugot ng malalim na hininga. "Sorry rin, Chad pero hangga't nabubuhay ka pa rin sa ganyang pag-iisip, wala tayong kakapuntahan."
"Hope, sorry. Hindi ko sinasadya. Please, sorry, okay? I'm taking it back. I'm an asshole. Ako na ang mali." May bahid na ng pagmamakaawa niyang pakiusap.
Mariin akong pumikit. Hindi ko inakalang hindi pa pala ako handa para sa mga ganitong pangyayari. Siguro nga tama si Daddy. Masyado pa akong bata para pumasok sa isang relasyon.
"B-Baka mas maganda kung bibigyan muna natin ng panahon ang isa't-isa. The distance is killing both of us, Chad. M-Malay mo...malay mo hindi pala talaga ako ang gusto mo. Baka nadadala ka lang ng bond natin."
"No, don't say that. Hope don't say that. Tinatakot mo ko. Please. Huwag kang ganyan." Mahina at puno ng lungkot niyang sabi.
I let out a sharp sigh. "B-Baka mas okay kung...kung magkakanya-kanya na muna ta--"
"No." He cut me off. "Please, babe 'wag ganyan. Kalimutan mo na 'yong pinag-usapan natin. Hope, please. 'Wag kangmagsalita ng ganyan." Halos mabasag ang kanyang boses.
Muling pumatak ang aking luha. Bakit ngayon ko lang narealize ang mga sinabi ni Daddy? He's right. Hindi puro saya ang mararamdaman sa relasyon. Akala ko okay lang. Akala ko kaya ko na pero ito pa nga lang maliit na away sobra na akong nasaktan. Baka kung ano na ang mangyari sa akin kapag hindi na lang ganitong away ang pagdaanan namin.
Mahal ko si Chad pero natatakot ako. Hindi pa pala ako handang pagdaanan ang mga ganito.
Mapakla akong ngumiti. "M-Maybe Zari ang you would work-out. O kaya mas okay kung si Sorchia tutal magkaibigan naman na talaga kayo. Mas kilala mo siya keysa sa akin. Baka mas mapasaya ka niya."
Nakagat ko ang ibaba kong labi dahil sa pananahimik niya. Hindi niya ako sinasagot at pakiramdam ko mas nasasaktan pa ako kapag wala siyang sinasabi.
Mayamaya'y marahas siyang bumuntong hininga. "Are you pushing me away, Hope? Bakit ganyan kadali sayo? Mahal mo ba talaga ako?" Mahina at punong-puno ng lungkot niyang tanong.
Kumawala ang impit kong hikbi. Natutop ko ang aking bibig at pinigilan ang pagkawala ng isa pa. Humugot ako ng malalim na hininga saka ito marahas na pinakawalan.
"H-Hindi sa gano'n..."
"Then why are you doing this? Why are you hurting me? Hope nasasaktan ako." His voice cracked.
Hindi ako nakapagsalita. Pakiramdam ko kapag ibinuka ko ang bibig ko, kakawala na naman ang impit kong mga hikbi.
"Ayaw mo na ba?" Malungkot niyang tanong.
Hindi ako nakasagot. Pakiramdam ko may napakalaking batong dinagan sa dibdib ko dahil sa narinig.
Nang wala siyang nakuhang sagot sa akin, marahas siyang bumuntong hininga.
"Siguro nga ayaw mo na. Siguro nga hindi mo pa talaga ako gano'n kamahal kasi kung mahal mo ko, hindi ka kaagad bibitaw. Kahit nahihirapan ka, kakapit ka pa rin. Mas pipiliin mo pa ring makasama ako. Hindi mo ko itataboy at ipapaubaya sa iba. Pristine, hindi ganyan ang pagmamahal. You want a love like your parents' but you are not willing to do even ten percent of what they did to prove their love and fight for what they feel. Nadisappoint ako..." Nabasag ang kanyang boses. "I didn't know it's this easy for you to let go."
Humugot siya ng malalim na hininga saka ito pinakawalan. "I love you...and if this is what you want, fine..."
"Tapusin na natin 'to..."