FOURTEEN
PRISTINE
I spent most of my vacation days with my family and Chad. Sa mga nakalipas na araw ay madalas akong pumunta ng Galum. I watched him do this job as the new Alpha. Sabi niya ay nangangapa pa siya ngunit kung titignan ko kung papaano siyang mamahala sa buong Galum, para bang napakatagal na niya itong ginagawa.
Chad's deltas shut the last cell's door. Humarap ang dalawa sa kanya at tinanggap ang ilang papel na pinakita nila kanina kay Chad.
"He's still not talking. Mahirap talaga siyang pakantahin, Alpha." Untag ng isang delta.
Chad let out a sharp sigh. Hinilot niya ang kanyang batok habang nakakunot ang kanyang noo.
"Don't worry. He's not going anywhere. Hindi ko tatantanan ang isang 'yan hangga't hindi siya umaamin." Seryoso niyang sabi bago siya humarap sa akin.
He forced a smile at then reached for my hand. "Sorry. Are you already tired?"
"Nope." I mumbled while smiling. "Nag-eenjoy naman akong panoorin ang mga ginagawa mo."
"I bet your Dad do this job effortlessly." He mumbled.
"Hindi rin. May mga time na nahihirapan pa rin siya. You're doing great, Chad. This suits you as if you're born to be in this position." Untag ko saka mahinang piniga ang kamay niya.
Hinawi niya ang ilang hibla ng aking buhok saka ako inakbayan. "Thank you, babe."
Namula ang pisngi ko sa narinig. Hindi pa rin ako sanay na gano'n ang itinatawag niya sa akin. Well, he's been calling me that way since the first time we spoke. Hindi ko alam kung totoo na ba ang ibig sabihin no'n ngayon.
"It's already twelve. Dapat siguro mag-lunch na tayo. Baka malintikan ako sa tatay mo kapag nalamang ginugutom kita." Untag niya habang naglalakad kami paakyat.
I chuckled softly. "Hindi naman. Saan tayo kakain?"
"Medyo marami pa akong inaasikaso. Sa opisina ko na lang. I'll have someone order lunch for us." Simple niyang sagot.
Tumango ako. "A'right."
Chad gently squeezed my shoulder. Sandali niya akong hinapit para sasandaling yakap habang naglalakad kami. He leaned down and inhaled my scent. Tumama ang hininga niya sa aking buhok dahilan para mapalunok ako. Kakaiba talaga ang epekto niya sa akin.
Umakyat kami sa ikatlong palapag ng headquarters. Ang pinaka-malaking silid doon ay ang opisina niya. Hindi ito kasing gara ng opisina ni Daddy sa quarters ng Galum. Ang pintura ay cream at may mga pekeng halamang nasa labas ng pinto. I can even smell lavender all over the place. I guess that's Luna Meiko's personal choice. Naamoy ko ang parehong pabango sa kanya noong pumunta sila sa bahay two weeks ago.
Fortunately, napakalma na rin ni Mum si Daddy. Hindi na niya ako masyadong pinagbabawalang makasama si Chadler. Siguro dahil alam niyang malapit na naman akong bumalik ng States para sa second semester.
Dinukot ni Chad ang susi niya sa bulsa ng kanyang pantalon. Kinalas niya ang pagkakaakbay sa akin ngunit inipit niya kaagad ang kamay ko sa pagitan ng katawan at kaliwang braso niya. Natatawa lamang akong umiling. Akala mo naman tatakbuhan ko siya.
Binuksan niya ang pinto saka niya muling hinawakan ang kamay ko. Nang makapasok na kami ay sinara niya ang pinto ng silid.
Pinasadahan ko ng tingin ang kabuuan ng opisona niya. Hindi ko maiwasang mapangiti. Chad is really an artist. Imbes na plain na pintura lang ang mayroon sa pader, may abstract painting ang mga ito. The color gray and black with white as its background, formed an unexplainable but exquisite work of art. Kahit ang ceiling ay may abstracts na si Chad lamang ang nakakaintindi ng ibig sabihin.
May drawers sa magkabilang sulok ng pader. Tainted glass ang bintana at malapit dito, may isang maliit na mesang may nakapatong na mamahaling alak.
His table isn't that big but it's color black. May dalawang itim na silyang nasa harap nito. Ang carpet ay kulay gray at bukod sa painting ng mukha ko na ginawa niya ilang buwan na ang nakararaan at ilan pang paintings na abstracts din, wala nang ibang nakalagay sa loob ng silid.
Dumiretso si Chad sa kanyang swivel chair. Bibitaw sana ako sa kanya nang bigla niya akong hapitin kasabay ng pag-upo niya. Napakandong ako sa kanyang mga hita at nang sumandal siya sa backrest ng swivel chair, hinilig niya ang katawan ko sa kanya saka niya pinulupot ang mga braso niya sa akin.
Napapikit ako nang dampian niya ng halik ang tuktok ng aking ulo. Hinagod niya ang aking braso saka niya iniangat ang aking baba para magtama ang aming mga mata.
"What do you want for lunch?" He mumbled softly.
"Gusto ko ng sandwich. Tuna sandwich." Untag ko.
Nagsalubong ang mga kilay niya sa narinig. "Mabubusog ka ba sa gano'ng klase ng pagkain?"
Tumango ako. "Oo. Sa States nga gano'n lang ang lunch ko sa school."
Naningkit ang mga mata niya. "Hindi ba nagbibenta ng matinong pagkain sa cafeteria niyo?"
"Mmm. Madalas kasi sandwich lang ang meron." Tugon ko.
Napabuntong hininga siya. "I'll sue that school. Mamamayat ka sa gano'ng sistema."
Mahina akong natawa. "Baliw. Gano'n kasi sila doon."
"Just because many people do the same thing doesn't mean you should do it, too." Untag niya.
He stroked a few strands of my hair then touched my cheek. "Don't make me get inside your luggage so I could make sure you'll eat right, babe."
Natawa ako sa narinig. "Ang laki-laki mo hindi ka kakasya sa maleta ko, Chad."
Sumimangot siya. "Stop calling me that."
Kumunot ang aking noo. "Ang alin?"
"Chad." He mumbled.
"Ha? Eh 'yon ang pangalan mo eh. Anong gusto mong itawag ko sayo, Luke?" Nakangisi kong tanong.
"Ofcourse not. Call me the way I call you. That's what I want." Seryoso niyang sabi.
Napalunok ako. "Y-You mean b-babe?"
Tila biglang umaliwalas ang mukha niya. Bahagyang kumurba ang kanyang mga labi at kumislap ang kanyang mga mata. "Say it again..."
"B-Babe..." I mumbled.
Kinuha niya ang mga kamay ko saka ito pinulupot sa kanyang leeg dahilan para lumapit ang aking mukha sa kanya. "Again, please..." He murmured in a husky voice.
"Babe..." I muttered. Halos kapusin ako sa hangin nang hagudin niya ang aking baywang.
Kumurba ang kanyang mga labi. Kinabig niya pababa ang aking mukha hanggang sa tuluyang lumapat ang aking mga labi sa kanyang mga labi.
My eyes shut as I felt his tender lips brushing against mine. Punong-puno ito ng sari-saring emosyong nagpapawala sa akin sa aking katinuan.
He sucked my lower lip and teased it. Piniga niya ang aking baywang dahilan para mahina akong umungol. My lips parted and he got the chance to explore my mouth with his playful tongue.
My body is set on fire with the way he kissed me. It's something new and it just drove my sanity away even more. Para akong naliliyo sa paraan ng paghalik niya.
Nang kapusin kami sa hangin ay doon lamang naputol ang mapusok na halik. Halos habulin ko na ang hininga ko at ganoon din siya.
Hindi maitago ang ngiting nakaguhit sa mga labi niya. He licked his lower lip in a sexy manner while he's staring at me.
"Make sure you'll never forget how that kiss felt once you're back in States. You got to crave for my lips so you'll surely come home running to me." He mumbled with full of confidence.
I rolled my eyes at him. Ngumisi ako at sinandal ang aking ulo sa tapat ng kanyang dibdib.
Bigla na lang akong nakaramdam ng lungkot nang maalalang aalis na ako sa susunod na araw. Matagal na naman bago ko siya makasama. Mas hahanap-hanapin ko na siya ngayon. I hope I'd survive a day without him now that it feels like our knots had been tied a little tighter.
Hinaplos niya ang aking buhok at dinampian ng halik ang tuktok ng aking ulo. "Bigla kang nalungkot..." He murmured in a concerned tone.
I let out a sharp sigh. "Aalis na kasi ako. Matagal na naman bago kita makasama."
Pinagsalikop niya ang aming mga palad. "I can't say that the distance won't kill me more this time but I won't try to convince you to stay here instead. Pangarap mo 'to. All I can do is to support you."
Muli akong napabuga ng hangin. "Kailangan ba talaga palaging namimili between career and love?" Nag-angat ako ng tingin.
Pumungay ang mga mata niya. Mayamaya'y gumuhit ang isang basag na ngiti sa kanyang mga labi. "Sino bang nagsabing pinapapili ka? Choosing means leaving something behind. Hindi mo naman ako iniiwan, hindi ba? You are just achieving the things that matter to you one at a time."
Tumango ako. "Syempre hindi naman kita iiwan. Instant boyfriend nga kita."
Mahina siyang natawa. "Instant, huh?"
"Oo. Hindi mo nga ako niligawan. Nauna ka pang humalik ni hindi mo pa nga ako sinasabihan ng I love you kahit na nakailang halik ka na." Biro ko.
Natawa siyang lalo sa sinabi ko. Hinapit niya pa ako lalo at dinampian ng halik ang aking noo. "Hay, Pristine Hope. You are not a keen observer."
"Bakit mo naman nasabi?" Kunot-noo kong tanong.
He pouted his lips to point my portrait. "Didn't you check the portrait really well?"
"Bakit? May iba pa ba akong dapat makita maliban sa mukha ko?" Untag ko.
Ngumisi siya. Mayamaya'y umayos siya ng upo. Binuhat niya ako at iniupo sa ibabaw ng mesa saka siya naglakad palapit sa portrait. Bumalik siya sa akin at naupo saswivel chair niya. Hinila niya ang isang drawer sa kanyang mesa at kinuha ang isang maliit na flashlight. Mayamaya'y pinatay niya ang ilaw ng silid at binuksan ang flashlight at tinapat ito sa ilalim ng canvass.
Doon ko lang napansin ang mga salitang nabuo sa mga bahaging walang pinturang neon.
Nalaglag ang aking panga. It's an invisible message inside a painting that illuminates in the dark...
"Can you see it now? It says, 'I love you is overrated. Hear my heartbeat instead..."
Pinatay ni Chad ang flashlight at nilapag niya ang portrait sa aking tabi saka siya tumayo at kinulong ang aking mukha sa kanyang mga palad.
"I love you is overrated, Hope...listen to my heartbeat instead and realize how much it begs for you love since forever." He mumbled without breaking his eye contact with me.
My lips curved as I held his hand. Tumayo ako saka tumingkayad para ipulupot ang aking mga braso sa kanyang leeg. Pinagdikit ko ang aming mga noo saka ko siya dinampian ng halik sa kanyang mga labi.
"I love you, too Chadler..."