Chapter 19

1704 Words
NINETEEN PRISTINE Kahit anong pigil ko sa sarili kong umiyak, hindi ko na mapigilan. Panay ang tingin ko sa labas ng sasakyan habang ang puso ko ay wala nang humpay ang malakas na pagtibok. "Manong, pakibilis naman please." Pakiusap ko. Lalong binilisan ng driver ang pagmamaneho hanggang sa marating namin ang kakahuyang bungad ng Brenther. Mabuti na lamang ay naging bukas na ang kanilang bayan para sa mga tao kaya nagawang makapasok ng taxi. Itinuro ko ang hall na nakalagay sa imbitasyon. Nang huminto ang cab sa harap nito ay dali-dali kong dinukot ang pera sa aking bulsa. Pagkakuha ng driver dito ay kaagad akong tumakbo patungo sa hall. I ran as fast as I could but the moment I opened its giant door, I almost fell down on my knees. The hall is already empty. Puno ng puting confetti at rose petals ang sahig, napapalibutan din ito ng mfa dekorasyong sinadya para sa isang magarbong kasal. Nanlambot ako bigla at halos takasan na ng ulirat. Humakbang ako palapit sa pinakamalapit na upuan. Nang tuluyan akong makaupo ay hindi ko na napigilan ang sarili ko. Humagulgol na ako ng tuluyan. Chad is already married with someone else. Sapat na ang mga nakikita kong kalat sa sahig para ipamukha sa aking hindi na ako umabot para pigilan ang lalakeng mahal ko na magpakasal sa iba. I'm already late... Tuluyan nang nawala sa akin ang lalakeng pangarap kong makasama habang buhay. Tapos na ang laban at ako ang talunan. I let go first and now I'm the one feeling the worst. Mamamatay na yata ako sa matinding sakit ng dibdib ko. Sinubsob ko ang mukha ko sa aking mga palad habang humahagulgol. Hindi ko alam kung kakayanin ko pang humakbang paalis sa lugar na ito. Halos ilang minuto na akong umiiyak sa lugar na iyon nang marinig ko ang paghinto ng isang sasakyan sa labas ng hall pero nanatili akong lumuluha. May mga yapak na tila nagsisitakbo patungo sa aking direksyon. Mayamaya'y huminto ang tatlong pares ng mga sapatos sa aking gilid. "Ris? Sabi na nandito ka kanina ka pa nami hinahanap." Untag ng pamilyar na tinig. Inangat ko ang mukha ko at sinalubong ang naaawang mga tingin ni Cray, Gray, at Nick. Nanginig ang ibaba kong labi at kumawala ang impit kong hikbi. "Nahuli na ako...he's already married." Nagkatinginan silang tatlo. Mayamaya'y lumapit si Cray sa akin at inaya akong tumayo. "Tara na nga lang. Gago talaga 'yon." "Gusto ko nang umuwi, Cray." Pakiusap ko. Pakiramdam ko malapit na akong mabuwal. I want my Daddy right now. Gusto kong humagulgol sa kanyang balikat. I want to prove to myself that there's atleast one man who will never break my heart. "Tahan na, Ris. Tara na lang, okay? Tahan na." Paulit-ulit na sabi ni Cray habang inaalalayan akong lumabas. Gray and Nick went to their car. Pinagbuksan ako ni Gray sa likod ng sasakyan katabi ni Nicky. Nang makapasok na kami ay tuluyang pinaandar ni Cray ang kotse. Si Nicky naman ay panay ang abot sa akin ng tissue. Minsan ay siya pa ang nauunang magpunas sa luha ko. Sinandal ko ang ulo ko sa bintana at ipinikit ang mga mata. Pagod na pagod na akong umiyak. Wala rin namang kinapuntahan ang pag-iyak ko. Chad finally gave up on me. He gave me his mark but he still married someone else. Ang hirap-hirap tanggapin. Hinayaan ko ang sarili kong manahimik. Hindi rin naman kumibo ang magkakapatid habang nasa byahe kami. Hindi ko na muna iminulat ang mga mata kong pagod na masyado. Magang-maga na ang mga ito dahil sa walang humpay na pag-iyak. Kailangan ko na silang ipahinga. Halos isang oras kaming nagbyahe. Hindi ko alam kung nakatulog ba ako. Basta nang huminto ang sasakyan ay mahinang tinapik ni Nicky ang aking balikat. "Ate Ris, lika dali!" Nakangisi nitong sabi. Kumunot ang aking noo nang makita ang mga ngisi sa kanilang mga labi. Nang silipin ko ang lugar na pinaghintuan ng kotse ay lalo lamang nalukot ang aking noo. "Bakit nandito tayo? Sabi ko gusto ko nang umuwi." Nagtataka kong tanong. "May exhibit. May ticket kami. Sayang naman 'to kung hindi tayo pupunta." Untag ni Cray. Lumabas si Cray at Gray ng kotse. Si Cray ay pinagbuksan ako ng pinto habang si Gray naman ang nagbukas ng pinto para kay Nicky. "Cray, ayaw ko dito. Baka masaktan lang ako lalo." Malungkot kong pakiusap. Cray forced a smile at me. "Hayaan mo, uupakan namin 'yon mamaya ang dami niyang alam. Tara na lang." Inilagay ni Cray ang braso ko sa kanyang braso saka niya ako iginiya papasok sa great hall ng Galum. Habang papasok kami roon ay halos tumalon palabas ng dibdib ko ang aking puso. Gray gave the tickets to the receptionist. Binigyan nila kami ng passes na ikinabit namin sa kwelyo ng aming mga damit. Bigla akong nahiya sa itsura ko. The three of them are all wearing semi-formal attires while I'm on my jeans and floral blouse. Madilim ang daan papasok ng hall ngunit nang pagbuksan na ako ng kambal ng pinto patungo sa pinakaloob ay doon na nanigas ang aking katawan. Chadler is on the stage--wearing the white tux he was fitting at the boutique. May hawak siyang baso ng champagne sa isang kamay habang ang isa ay nakabaon sa kanyang bulsa. Tila nasa kalagitnaan siya ng pagbibigay ng speech nang dumating kami. Napakaraming taong nakaupo sa mga silyang naroon. Karamihan ay mga kilalang mga myembro ng lycan packs sa buong Remorse. Sa harap ay nakita ko pa ang mga magulang ko. What is going on? Chadler's eyes landed on mine. Napalunok ako nang biglang gumuhit ang isang matipid na ngiti sa kanyang mga labi. He took a deep breath the released it. "I guess the most important guest today is finally here..." He mumbled. Biglang nabaling sa aming direksyon ang tingin ng lahat ng mga bisita. Chad snapped his fingers. Mayamaya'y kinuha ng mga deltas ang lahat ng abstract paintings na nakadisplay sa paligid at isa-isang kinabit ang mga ito sa higanteng board na nasa stage. "The subject of my paintings broke my heart not just once, twice, but thrice...and I regret breaking hers more than once." He mumbled. Nakatitig ang mga mata niya sa akin habang iniinom niya ang laman ng kanyang baso. Nang tuluyan niya itong maubos ay ibinigay niya ito sa isang delta saka niya ibinulsa ang kanyang kamay. Pinanood ng mga tao kung papaanong ang magkakaibang abstract paintings na ginawa ni Chad...ay unti-unting nagdugtong-dugtong para bumuo ng isang higanteng painting. Halos malaglag ang aking panga at rumagasa ang aking mga luha nang makita ang kinalabasan ng mga abstracts na pinagsama-sama. Muling nabaling kay Chad ang aking tingin na ngayon ay naglalakad na patungo sa akin. Hindi nawala ang titig niya sa mga mata ko hanggang sa tuluyang nawala ang distansyang namamagitan sa aming dalawa. "Hope..." He took my hand and placed a kiss on the back of it. "If you are desperate then what should people call me?" Nakagat ko ang ibaba kong labi. "A-Akala ko..." Kumawala ang aking hikbi at natutop ko ang aking bibig. "Akala ko nagpakasal ka na sa...sa iba..." Mapakla siyang natawa. "I'm sorry if I had to come up with an evil plan. I am just this desperate to know if your heart still beats for me. I'm sorry if I had to resist you. You have no idea how much it killed me to see you beg for the love you actually deserve." Humikbi ako at nahampas ko ang balikat niya. "Salbahe ka. Salbahe ka, Chad. Salbahe ka." Parang bata kong pinaghahampas ang balikat niya. Mahina siyang natawa. Hinuli niya ang braso ko saka niya hinalikan ang likod ng aking mga palad. "Pristine Hope...because of you, I've made my greatest masterpiece. Babe, these abstracts of love is for you..." He mumbled. Nanlaki ang mga mata ko at halos mabingi ako sa tili ni Nick nang biglang lumuhod si Chad sa aking harap. Namumuo na ang luha sa kanyang mga mata pero walang katumbas ang matamis na ngiti sa kanyang mga labi. May dinukot siyang kahon sa kanyang bulsa at nang buksan niya ito ay natutop kong muli ang aking bibig. "Sorchia needed my help and I needes hers so we came up with that evil plan--to make Zydler realize how much he loves Sorchia and to make you come home to me. I'm sorry. I am so sorry if I treated you that way. Baka kapag hindi ako nagpakatatag no'ng mga nakaraang araw, baka hindi ko matupad 'tong plano ko. Saka mo na ako gantihan, Hope. All I nees is your yes right now..." He mumbled. Halatang may kaba pa rin sa kanyang boses kahit pa mukhang planado na talaga niya ang lahat ng ito. "Siraulo ka talaga, Rickfort." Naluluha kong biro. "Nanghihingi ka na ng yes wala ka pang tinatanong." Gumuhit ang matamis niyang ngiti. Mayamaya'y biglang namatay ang ilaw at nang mabaling ang tingin ko sa abstracts na nang pinagsama-sama ay binuo ang aking mukha, muling rumagasa ang aking mga luha. ...Dahil gaya ng unang painting na ginawa niya, may invisible message din ang higanteng painting. "Will you marry me is cliche'. Be my Mrs. Chadler Rickfort instead." Muling nabaling ang tingin ko sa kanya. "Oh, Chad...why do you have to be this talented and sweet atvthe same time? How can I say no to you?" The crowd chuckled with what I said but the moment I offered my hand to Chad, bigla umalingawngaw ang tilian ng ilan. "Sa akin lang 'yang Mrs. Chadler Rickfort ha? Baka kapag hindi ko pa 'yan tinanggap ngayon sa iba na talaga mapunta 'yan." Nakangiti kong sabi. Chad chuckled softly. Kinuha niya ang diamond ring sa kahon saka ito isinuot sa aking daliri bago siya tumayo. He cupped my face and gave me a passionate kiss. Pumulupot ang aking mga braso sa kanyang leeg at ipinaramdam ko sa kanyang kanyang-kanya lang ako. Nang maputol ang halik ay mahigpit niya akong niyakap saka siya bumuga ng hangin. "I'm sorry. I'm really sorry. I promise you I'll nevermake you feel unwanted again, Hope. I was just desperate to know if you're still mine. Kahit wala na akong mapanghawakan noon, sumugal ako. My love for you is like an abstract painting. It's so hard to understand but I know it's the most beautiful feeling I have ever felt. Thank you for coming back, babe. Hindi na kita papakawalan ulit..." Lumandas ang takas na luha sa aking pisngi. "Hindi na rin kita papakawalan...akin ka, Chad...akin ka." He chuckled before kissing the mark he gave me. "Always been, babe...always been."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD