Present day HUMINGA nang malalim si Riza para kalmahin ang kalooban. She blinked away the unshed tears. Subalit hindi nagpaawat sa pamumuo ang kanyang mga luha. Nang tuluyang maipon ay naglandas iyon sa magkabila niyang pisngi. Oh, yeah she was crying. Pero hindi pighati ang dahilan ng mga luhang iyon. Nakapaskil pa rin ang ngiti sa kanyang mga labi. Hindi niya mapigilan na hindi maging emosyonal habang pinapasadahan ng tingin ang bulwagang kani-kanina lang ay pinuno ng mamamahayag, magazine editors, well-known photographers, at art enthusiast. Wala na ang mga ingay at kuwentuhan na kani-kanina lang ay maririnig sa apat na sulok ng gallery. Wala na ang mga tao, wala na ang mga ingay. Ang naroon na lang ay ang mga piraso ng litrato na bawat isa ay natututukan ng spotlight. And each o

