Chapter 14

1619 Words

“GOOD morning, Doktora Hampton.” Nginitian ni Celine ang sekretarya ni Marc. “Good morning. Is Marc in?” “Ah, yes, Ma’am.” “Busy? May ka-meeting?” Umiling ang sekretarya. “Okay, thanks. Papasok na ako, ha?” Hindi siya pinigilan ng sekretarya. Paano ay pamilyar na tanawin na siya sa opisina ni Marc. Sanay na ang sekretarya na basta-basta na lang siyang sumusulpot at pumapasok sa opisina ng binata kapag wala itong ka-meeting. Dahan-dahang binuksan ni Celine ang pinto. Marc was there. Wala itong binabasang papeles o ano. Sa halip ay nakatayo ang binata sa salaming bintana habang nakapamulsa ang magkabilang kamay. She knew there was nothing to look at down there except the busy street of Ortigas. Sa pagtaas-baba ng magkabilang balikat ni Marc ay masasabi niyang malalim ang iniisip nito.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD