“ARE you okay?” tanong Riza kay Victoria habang ikinakabit ang seat belt ng anak. Sakay na sila ng isang six-seater charter plane na maghahatid sa kanila sa Peace Island. Their host, Mrs. Aragon, had already arranged everything. Mula sa pagsundo sa kanila sa private hangar na iyon hanggang sa tutuluyan nila sa isla. Iyon nga lang, bahagyang nabawasan ang excitement nila dahil hindi rin nakasama si Kaycee. Hindi nagawang ayusin ng kaibigan ang schedule nito. Hindi pa umaalis ang charter plane dahil may hinihintay pa diumanong guest bagaman parating na diumano ito. “Are you afraid to ride a plane, Torie?” “`Course not. I’m a big girl na po.” Naiikot ni Riza ang kanyang mga mata. Torie was only five years old at laging bukambibig ng anak na big girl na diumano ito. “Kapag sumama ang pakiram

