“MABUTI naman at sa wakas ay tinanggap mo ang imbitasyon namin na magbakasyon dito,” sabi ni Avegail Aragon kay Riza. Magkakaharap na sila sa pananghalian—siya, si Riza at ang anak nito, at ang mag-asawang Aragon pati na ang tatlong anak ng mag-asawa. Marc secretly stared at Riza. Nang mahawakan niya kanina ang dalaga ay halos ayaw na niyang pakawalan. God, he still knew that feeling when Riza was in his arms. A feeling of happiness, and of contentment. And he had missed that feeling so badly kaya ayaw na niyang pakawalan kanina ang babae. Hell. It was six years ago nang huli niyang maramdaman iyon at kay Riza lang. At kanina nang marinig niya na “Miss” pa ito ay parang tumambol ang kanyang dibdib. Hindi rin niya maunawaan kung bakit parang nagugulo ang kanyang sistema sa isiping walang

