EPISODE 4: Past Truth

964 Words
Nasa harap na ng HR office si Abi at kasama na naman niya si Nicole. After ng interview nila, sinabing tatawagan nalang sila for the result. Sabay na silang lumabas dalawa. Hindi na sana niya papansinin si Nicole ng hawakan ni Nicole bigla ang kamay ni Abi para mapigilan siya sa paglalakad. Napatingin si Abi sa kamay niyang hawak ni Nicole at umangat ang tingin niya kay Nicole mismo. “Bitawan mo ko.” mahina pero madiin niyang sabi. Halata din sa tono nito ang nararamdaman niyang galit sa taong pumipigil sakanya ngayon. “Please makinig ka muna sakin. Gusto kong malaman mo ang totoo.” paki-usap ni Nicole sakanya. Pabalang na inalis ni Abi ang pagkakahawak ni Nicole sakanya at hinarap ito. “Anong totoo? Na trinaydor mo ko dahil gusto mong mapasama sa grupo nila Bevs?!” napangisi siya dahil sa sinabi niya habang nararamdaman niya ang sakit na dala ng ala-ala niya kasama si Nicole. “Alam ko na yun eh.” Napailing-iling si Nicole. “Hindi Abi. Hindi kita trinaydor. Please. Makinig ka muna sakin.” “Ano pa bang sasabihin mo?” “Aaminin ko, ginusto kong mapasama kila Bevs. Pero hindi lang ako. Ang sabi ko tayong dalawa. Tapos ang sabi nila na kung magagawa kitang i-bully sa harap nila, tatanggapin nila tayo pareho. Pero hindi ko in-expect na ganun ang mangyayari. Sising-sisi ako Abi sa nagawa ko. And after that incident, hindi din naman nila ako sinama sakanila. Kaya naiwan din akong mag-isa. Gustong-gusto kong mag sorry sayo nun pero naiisip ko, ang kapal naman ng mukha ko para kausapin ka. Hanggang sa nabalitaan ko nalang na na-expel ka pala. Sorry talaga Abi.” Nakaramdam ng awa si Abi kay Nicole dahil sa mga sinabi nito. “Pasensya na ah. Hindi ko alam kung maniniwala pa ko sayo.” At iniwan nalang niya si Nicole doon. -------------------- Nakatayo si Ms. Pau, HR Head, sa tabi ng big boss ng IBE na tinitignan ang mga resume ng applicants. “We have so many applicants that we could not almost accommodate all of them. And among those who was able to reach the final interview, only a few of them was qualified. Those that are marked are the only ones that we saw that are qualified for the position.” pag-e-explain ni Ms. Pau about sa mga resume na may mark and wala. Napatigil si big boss sa pagtingin ng resumes ng makuha ng dalawa dun ang attention niya. Napatingin siya sa resume nila Abi at Nicole. Nakita niyang naka mark ang kay Nicole at ang kay Abi naman hindi. Napatingin ang HR head sa hawak niya. “Why big boss? Is there a problem?” tanong ni Ms. Pau. “Tell me. Bakit hindi naka mark itong kay Ms. Montefalco?” “Well, base sa performance niya during the interview, she's not yet qualified to be in the position. She needs a lot more to learn before we can hire her.” “Hire her.” Nagulat si Ms. Pau sa sinabi ni big boss. “I'm sorry?” Humarap si big boss sakanya. “I said hire her.” “But...” nag-aalangan si Ms. Pau dahil sa gusto mangyari ni big boss. “Don't worry. Trust me. She has a potential. I can see it just by looking at her.” “You're sure about this?” Tumingin si big boss kay Ms. Pau. “Trust me. Hindi pa ko nagkamali sa mga may potential. Did the Sales Department head saw her already?” “Not yet big boss.” “No wonder kaya nasa not qualified list siya.” “Kilala po siya ni Ms. Smith?” “Yep. She also knows her very well. Just like how I and Ms. Kyla knows her skills well enough.” “Even your secretary?” Tumango-tango si big boss. “Yep. Remember, I need to see Ms. Abigail Montefalco in this company. Clear?” Napatango naman si Ms. Pau. “Clear big boss.” “Okay. You can leave now.” Tumango si Ms. Pau at kinuha na ang mga papel at palabas na ng magsalita si big boss. “Oh. Can you please ask Ms. Kyla to come here?” “Okay big boss.” At lumabas na si Ms. Pau. Ilang sandali lang ay pumasok na si Ms. Kyla sa office ni big boss. “Yes big boss?” bungad ni Ms. Kyla pagkalapit kay big boss. Tumingin saglit sa labas si big boss bago nagsalita to make sure na walang makakarinig sakanila. He started talking in an informal manner. “Nasaan na naman si Avy? Muntik pang hindi matanggap si Abi dito ah.” reklamo niyang parang bata. “For sure nanood na naman yun kagabi ng series kaya wala pa.” “Malalagot talaga sakin yang babaeng yan. Muntik ng mawala ang opportunity na makasama ko si Abi dito sa company dahil sakanya.” “Atleast naman naayos mo na diba? Makakasama mo na siya. Kaya wag mo nang pag initan si Sales Head. Para namang may kaya ka dun.” “Sabagay. Anyway...” tumingin ulit siya saglit sa labas tapos ay binalik ang tingin niya kay Ms. Kyla and started talking formally again. “Ms. Kyla, please inform Ms. Smith about those qualified applicants and help her in their training. Especially in Abi's training. Pakisabi kay Ms. Avy to make sure na malaman ni Abi ang lahat ng dapat malaman.” “Noted big boss.” “Okay. Thank you.” Tumango nalang si Ms. Kyla at lumabas na. Napasandal naman si big boss at nailagay ang kamay sa bibig niya habang napapaisip. “I'll make sure that you can show the best of you, Abi.” --------------------------------------------------------------EPISODE 4: PAST TRUTH--------------------------------------------------------------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD